Chapter Thirty three

5.8K 142 84
                                    

Hi guys. Namiss ko kayo. Halos isang taon na din ng huli kong buksan ang account na to and I'm so happy na madami pa din nagbabasa at humihingi ng update. Thank you po. And to my friend Nidaquin92, thank you. You know the reason why I stop writing. At isa ka sa inspirasyon ko kung bakit gusto kung tapusin ang story. I know you love the story, pero hindi ako sure kung nagbabasa ka pa rin til now. I miss you. This one is for you.

Isabella had no idea how long she had been standing there. Hindi alintana ang init ng araw na sumusunog sa kanyang balat habang pinagmamasdan si Ethan. Kanina pa niya ito gustong lapitan pero hindi niya nais abalahin ito sa ginagawa. Isa pa, hindi niya alam kung papaano ito kakausapin matapos ang pagtatalo nila kanina. Nageenjoy din naman siya na pagmasdan ito. She couldn't stop staring. Puro kalalakihan ang nasa lugar but her attention was focus to only one man. Bawat galaw, bawat buka ng bibig, kumpas ng braso nito ay nakasunod ang kaniyang mata na para bang mawawala ito sa paningin niya kapag hindi niya iyon ginawa.

She sighed. Ethan is a very beautiful man. Sanay siya na nakikita ito wearing a sports shirt, long sleeve  khaki pants, but now he was wearing his old faded tight jeans na nakapaloob sa boots ang laylayan. Nakalong sleeve din naman ito na nakatucked in sa maong nitong pantalon pero nakatupi hanggang siko at naka cowboy hat. A typical rancher. She smiled ng maalala nya ang commercial ng isang sikat na sigarilyo. Ano kaya ang itsura ni Ethan kapag nakasakay na ito sa kabayo. Sigurado siyang walang panama si malboro man.

Day dreaming sa gitna ng sikat ng araw?

Ano ba ang ginagawa niya? Hindi siya ganito noon. Bakit umaakto siya ngayon na parang teenager na sekretong pinagmamasdan ang crush niya. She sighed. Ilang beses na yata niya ginawa iyon mula ng dumating siya dito sa tubuhan. Hindi niya lubos maisip na sa loob lamang ng ilang araw ay magiging malaki ang epekto ni Ethan sa buhay at desisyon niya.

Saglit na inalis ni Isabella ang paningin kay Ethan at iginala ang paningin sa kabuuan ng paligid. Malaki ang naging pinsala ng sunog. Duda siya kung mapapakinabangan pa ang mga tubo. Tiyak na wala na itong asukal sa tindi ng sunog. Tiyak na magiging abala si Ethan maghapon at hindi siya dapat nandoon dahil magiging abala lamang siya sa binata, pero gusto niyang bumawi sa nangyari kanina.

She inhaled deeply and counted one two three para makaipon ng lakas ng loob. In a hesitant step she walks toward him but stop when he looks at her way and caught her eye.

She smiled hesitantly and wave at him but puts her hand down when he didn't smile back. Ethan walked briskly toward her, worry etched on his face or is it irritation? At lahat ng inipon niyang lakas ng loob ay parang bulang naglaho habang pinagmamasdan ang papalapit na binata. Hindi na siya dapat nagpunta. Paano kung galit talaga sa kaniya si Ethan?

"Hi," She said weakly when he stopped a few feet away from her. "I brought food," She explained when he didn't say a word. At para patunayan ang sinabi niya ay itinaas niya ang basket  na hawak sa tapat ng mukha ni Ethan na para bang hindi pa iyon nakikita ng binata, at ng walang makuhang reaksiyon mula dito ay nagsimula ulit siyang magpaliwanag.

"Look, I know I acte-,"

"Sinong nagturo sa'yo ng lugar na ito? Sinong kasama mo?" Ang sunod sunod na tanong ni Ethan bago tumingin sa likuran niya at ng walang makitang ibang tao ay "Naglakad ka ba? Hindi mo ba alam na hacienda ito at halos puro lalaki ang trabahador dito," Ang sabi nito na lalong nangunot ang noo. "Paano kung naligaw ka? Or worse may nakasalubong kang tarantado sa daan at-,"

"Hey, calm down," An involuntary smile spread over her face as she realized what he was thinking. Hindi ito galit at nagaalala lamang ito sa kaniya at dahil doon ay lalong lumalim ang kaniyang ngiti na gusto niyang pigilan pero hindi niya magawa. Hindi siya ngumingiti ng ganito noon. Pero wala siyang pakialam. Ibinaba ang basket at lumapit sa binata. She took his hands and squeezed it gently to calm him down. She looked at him. Ethan was still look handsome kahit nangungunot ang noo nito sa pagaalala. "I'm fine okay," She smiled. "Sakay kami ng jeep. Pinahatid ako ng mama mo kay mang kanor, hindi mo lang siguro namalayan ang ingay dahil abala ka. At pinauwi ko na si mang kanor kaya ikaw na ang bahala sa akin ngayon," She added when Ethan opened his mouth dahil nahuhulaan na niya ang itatanong nito.

The Baby MakerWhere stories live. Discover now