Music 08

341 18 0
                                    


"After silence, that which comes nearest to expressing the inexpressible is music."
–Aldous Huxley

🎶 — 🎶 — 🎶

Napahilamos ng mukha si Yoongi, hindi niya na halos alam kung ano ang gagawin niya. Sobrang pagod na pagod na rin sila, for whole day classes wala silang ibang inisip kung anong klaseng arrangement ang gagawin nila para mapaganda pa lalo ang kanta na pinoproduce nila. After class deretsyo kaagad sila sa studio para ipagpatuloy ang naiwang trabaho. He turned his head to his friends that are now in their deep slumber.

Yoongi stretched out his hand to reach for his phone, napabuntong hininga siya ng makita na halos mag aalas otso na ng gabi. Nabaling ang tingin niya sakanyang wallpaper, it was Jimin doing his aegyo. He flashed a small smile, he missed his Jimin. He missed his little mochi. May parte sakanya na nagi-guilty siya dahil na rin sa parati nalang siyang walang oras sakanyang minamahal. Ilang beses niya na rin itong natanggihan sa oras na dapat ay magkikita sila, halos ilang araw narin siyang hindi umuuwi sa bahay nila. Sa madaling sabi, halos sa studio at sa musika nalang umiikot ang buong araw niya. Walang oras para kay Jimin.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa computer na nasa harapan niya. Halos patapos na rin sila. Ilang buwan nalang at matatapos na ang deal. Ang totoo niyan, kapag natalo sila sa pustahan. Hindi lang ang school ang kabayaran. Magiging producer din sila ng JYP Entertainment.Alam ng kabila na magagaling sila kaya gumawa ang mga ito ng paraan para sakanila sila magtrabaho. Kaya rin hindi ito lumalaban ng patas. Pagkatapos nila sa pag-aaral kukunin sila nito at wala silang karapatan para humindi. BigHit entertainment is their first home. And Bang-Pd is their second family. Tinupad niya ang pangarap nila at pinag-aral. Bilang pagbabalik ng utang na loob nangako sila na sila ay magtatrabaho sa kumpanya nila bilang producer.

Nabalik siya sa realidad ng tumunog ang cellphone niya.


•1 message received

From: Mochim💕

Babe, asan ka na? Hindi ka ba talaga uuwi? I'm waiting.



Ibinaba niya ang cellphone niya at ibinalik ang tingin sa computer. Napabuntong hininga nalamang si Yoongi. He decided to turn off the computer and get up. Isinuot niya rin ang coat niya dahil masyadong malamig sa labas. Nakita niya ang paggalaw ni Namjoon at nagising ito.

"Hyung, saan ka na pupunta?"- takang tanong ng nakababata na siya lang tinitigan ni Yoongi.

"Tapos ko na ang arrangement, ipapasa nalang siya kay Pd-Nim..."

Namjoon fixed his disheveled shirt as he stood up and walked his way to where Yoongi was "hyung, want me to drive you home?"

Yoongi quickly shook his head, "no, I'm fine. Mag-pahinga ka nalang, kaya ko naman ang sarili ko."

"But—."

"No buts, now rest. . and I'll get going."





----

     Sa pagmamadali ko hindi ko napansin na naiwan ko pala ang susi ng kotse ko, wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumakay ng bus. Alas nuebe ang huling biyahe kaya nakahabol pa ako. Gusto kong umuwi at bumawi kay Jimin. Alam kong galit siya. Ayokong nagagalit siya.


Mochim💕 Calling. . .


I sighed as I answered his call.

"Pauwi na ako Jimin. . ."

"Talaga hyung? Mabuti naman. Nagluto kasi ako ng paborito mo, sayang nga kasi hindi na siya mainit dahil kanina ko pa niluto. Nasan ka na ba?"

"Nasa bus stop, nakalimutan ko kasi ang susi ng kotse dahil sa pagmamadali ko."

"Ganun ba? Bilisan mo ha? Kanina pa ako naghihintay."

"Babawi na talaga ako ngayon. Pauwi na ako."

"Sige. I love you. ."

". . . . ."

"Yoongi?"

"I know..."

Call ended. . .

Napasandal ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. There is a part of me na may kakaibang nararamdaman. It feels like—


Badjaossi Calling. . .

Bakit. nanaman tumatawag ang isang ito?

"Oh?"

"It was been rejected hyung"

"Ano? Bakit kasi hindi niyo na ako hinintay?"

"Kailangan mong bumalik dito at kakausapin tayo ni Bang-Pd. He's so stressed about it hyung. Nawawalan na ako ng pag-asa."

Nasapo ko ang noo ko. Bakit ba kasi ako nasa labas? Kanina lang nasa studio pa ako at tinatapos ang mga kanta.

I rummage through my bag, finding for my key car.

Why am I even here at the first place?

Ano bang nangyayari sakin?

"Hyung?"

"Pabalik na ako. . ."





~ 🎶 ~

His Music | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon