Introduce Yourselves

18 0 0
                                    

Saktong 6:59 ako nakadating. Which means meron akong isang minuto para tumakbo. Limang palapag inakyat ko sa isang minuto.Sino ba naman may gusting magkaroon ng panget na first impression sa mga kaklase niya?

Pagkapasok ko ng klase ko, biglang nagring na yung bell para sa morning prayers namin. Habang nakahilera ang mga kaklase ko, isa-isa ko silang tinignan. Napansin ko na mas marami akong mukha na hindi kilala kay sa mga taong kakilala ko. Napaisip tuloy ako kung magkakaroon ako ng kaibigan o hindi.

Habang tumitingin ako sa mga kaklase ko, may napansin ako isang tao. Matangkad, lean ang katawan na parang araw-araw nagw-work-out, matangos ang ilong, mayroon siyang mata na kinakausap ako sa isang tingin lang, ang bibig niyang nakaka-akit. Hindi ko alam bakit, pero iba yung dating niya saakin. Ikumpara mo sa iba kong mga kaklase na pogi at chinito, iba talaga ang dating nung sa kanya ako nakatingin.

Pagkatapos ng prayer, palihim akong naghihintay na mag-introduce yourself yung adviser namin. Hinihintay ko na sabihin niya yung pangalan niya sa buong klase. Gusto ko malaman pangalan niya. Gusto ko maging kaibigan siya.

Pumasok na kami sa loob. Hinintay ng adviser namin na makaupo kaming lahat. Naka-assign ako sa bandang likod ng klase, may katabi akong sobrang bait na tao na nakangiti nung binati niya ako.

"To start things of, let's introduce ourselves. Ako na mauuna, ako si Mr. Roberto Alma. Pero pwede niyo akong tawaging Sir Robby." Ang pasimulang pagpapakilala saamin ng aming adviser. Pagkatapos niya ay sumunod-sunod na ang mga kaklase ko. Hinahap ko yung lalakeng nakita ko kanina, at laking tuwa ko nang malaman kong nasa harapan siya ng taong nasa harapan ko.

Naghintay ako ng matagal, at noong siya na yung nagsalita, bigla akong sumaya. "Hi. Uhhmm.. Ako nga pala si Francis Ian Manalo. 16 years old. Uhmmm.. Gamer po ako, so sana makalaro ko kayo." Laking tuwa ko nung malaman ko na gamer din siya. Agad ko namang inisip na sana maging close ko siya. Natulala ako ng ilang minuto. Nabigla ako sa mga sinasabi ko sa sarili ko.

"Aian, hindi ka naman ganto dati ah. Bakit mga ganito ang iniisip mo?" Siguro hindi ko pa tanggap. Tinatanggihan ko pa ang mga nararamdaman ko. Ngunit dati palang, nagkakagusto na ako sa kapwa kong lalake. Ayaw ko lang aminin. Ayaw ko lang sabihin na kumaliwa na ako. Kaya pinilit ko ang sarili ko na wag maramdaman lahat na nararamdaman ko ngayon.

Nakatingala lang ako sa malayo nang marinig ko ang katabi ko ay kakatapos lang magpakilala. "...So yun guys, Chris Repremando. Pero you can call me Rep." umupo siyang nakangiti saakin. Di pa nagsink in sa sarili ko na ako na pala. Nakatingin parin ako kay Francis ng matagal hanggang tinawag ako ni sir Robby.

"And sir you are?..." napatayo ako bigla. Bigla akong nahiya sa sarili ko. Hindi ko na inayos ang pagpapakilala ko. Inisip ko na gawin ko nalang simple para di sila mainis saakin.

"Aian Nerro po. 14 years old. Gamer po ako" pagka-upo ko, nagtaka ako. Bakit mukhang gulat na gulat yung mga kaklase ko? May nasabi ba akong mali? May dumi ba ako sa mukha ko? Nahalata ba nila na nakatingin ako ng matagal kay Francis?

"14 ka palang? Pero grade 11 ka na?" ang tanong saakin ni sir Robby.

"uhmm. Opo sir. From grade 6 to grade 9 po ako." Ang pahiya kong sinagot. Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase ko. Di ko alam kung mahihiya ba ako o ipagmamalaki ko yun. Napatingin ako sa mga gulat na mukha nila, ngunit nung tumingin ako kay Francis, nakita ko na normal parin ang kanyang ekspresyon sa mukha.

Simula noong araw na 'yon, doon ko napansin na magkakasundo kami ni Francis. Sa lahat na naging kaklase ko, sa lahat na mga taong ginusto akong katabi, iisa lang naman habol nila. Pero noong nakita ko yung tingin ni Francis, parang di siya yung tipong taong gagamitin lang ako.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagsimula na ang subjects naming. Tatlong oras akong nakikinig sa mga lecture ng mga guro namin. Halos tatlong oras na din akong nakatingin kay Francis. Nakatulala.

"Class dismissed! You may now have your lunch" ang sabi ng teacher naming na dinismiss kami. Pero napaisip ako. Kanino ako sasama sa lunch? Wala pa naman akong kaibigan sa klase.

Lumapit saakin si -Rep kasama ang kaibigan niya na si Dean. Nag-sama kaming tatlo sa pag-kain ng lunch namin. Doon ko naging kaibigan si Dean na katabi lang ni Francis. Nalaman ko na kaibigan din pala ni Rep si Francis at nais nila maging officers ng CAT, kaya sabay silang sasali bilang isang cadet.

"Pwede ba kitang tawaging Aya, Aian?" ang tanong saakin ni Rep. Pumayag naman ako kasi yun din yung palayo na binigay saakin sa bahay ko. Simula nung tanong na yun, pati si Dean tinatawag na rin akong Aya.

"Aya. Pwede ba kayo magpalit ni Francis ng upuan? Para na din makausap mo si Dean at para din makausap ko si Francis. Win-win tayo dun. So ano, payag ka ba?" Napaisip din ako sa tanong ni Rep. Gusto ko maging magkalapit kaming kaibigan ni Dean. Pero gusto ko din maging kaibigan si Francis. Pumayag nalang ako kasi wala din namang mawawala saakin. Ngunit meron pang madadagdagan...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

High School Love Doesn't LastWhere stories live. Discover now