Chapter 27

188K 5.8K 1.6K
                                    

Decision

"Sigurado ka ba na ikaw na ang pupunta sa New York?" Tanong ni mom. "Makakasama mo si Kiro do'n. Ayokong mag-away kayo."

"I guess it's time for us to talk," this would be a better decision. I'll be able to fully move-on and hopefully, to be friends with my brother again. "It's been so many years, ayoko naman dalhin sa hukay ko 'yong away naming dalawa. Isa pa may sakit siya, kailangan niya ng kasama do'n."

"Kung kaya ko lang sana pumunta do'n," nalungkot na naman siya. Alam ko naman kung gaano niya ka-gusto na puntahan si Kiro pero hindi pwede dahil may sakit din siya. "I miss my Kiro."

"Don't worry Mom, I'll take care of him."

"I've booked you for tomorrow morning," sambit ni dad. "Sorry kung biglaan lahat, hindi ko inaasahan na magkakaproblema tayo sa branch do'n. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang kaagad sa'kin."

"I'll be fine, dad."

Alam kong nag-aalala sila sa'kin. Simula ng maaksidente ako sa New York, hindi pa ulit ako bumabalik do'n. Simula nang bumalik ang alaala ko, matagal ko ng gustong bumalik sa New York pero wala akong time. Ngayon nasa akin na lahat ng panahon ko, ito na 'yong pagkakataon na bumalik do'n at baka do'n na rin ako mag stay for good.

Nag-imapake na ako ng mga gamit ko. Ready na ako para bukas pero may mga bagay pa akong kailangang gawin.

Kailangan ko muna siyang kausapin bago ako umalis bukas. Dapat matagal ko na siyang kinausap tungkol dito pero wala akong lakas ng loob.

Tinawagan ko siya para makipag-meet sa isang cafe malapit sa kanila. Dumating siya agad at parang nag-aalala siya ng makita niya ako.

"Bro, anong problema?" Tanong niya.

"Wala naman, gusto ko lang kitang makausap."

"Ang busy mo na kasi masyado kaya nagulat ako na bigla kang nag-aya dito."

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung masisira ang pagkakaibigan namin pagkatapos ko 'tong sabihin pero alam kong kailangan niya 'tong malaman. "Bro, nagsinungaling ako sa'yo."

"Anong ibig mong sabihin, bro?"

"Mahal ko pa rin si Beatrix. Mahal na mahal ko pa rin siya at hindi 'yon nagbago."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Umiling siya habang nakakunot ang noo niya. "Hindi 'to pwede. Bro, alam mo naman na girlfriend ko na siya. Alam mong mahal na mahal ko na siya 'di ba? Alam mong siya na 'yong buhay ko at hindi ko kaya na mawala siya sa'kin," oo, alam ko lahat ng 'yon. Kaya nga nagparaya ako para sa kanya pero hindi ko kayang pigilan 'yong puso ko. "Isa pa, girlfriend mo na si Karrie 'di ba? Siya na dapat 'yong mahal mo at hindi na si Angel."

"Hindi totoo na kami ni Karrie. Nagpanggap lang kami para pagselosin si Beatrix."

"Ano?" tumaas na ang boses niya. Alam kong galit na siya. "Paano mo nagawa sa'kin 'to, Skie? Best friend mo 'ko pero tinitira mo ako patalikod!"

"Caleb nagparaya ako! Pinagbigyan kita na mahalin si Beatrix kahit na alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Sinubukan ko naman na kalimutan siya pero hindi ko talaga kaya!"

"Kayanin mo dahil sa akin na si Angel!" Tumayo siya at tinayo niya gamit ang kwelyo ng damit ko. "H'wag na h'wag mo siyang aagawin sa'kin dahil kakalimutan ko na mag best friend tayo."

"Naisip mo ba kung sino talaga ang mahal niya? Paano kung ako talaga 'yong mahal niya? Paano kung—" sinuntok niya ako bago ko pa matuloy 'yong mga sasabihin ko.

"Walang paano dahil ako lang ang mahal niya!"

Lumapit ulit siya sa'kin para suntukin ulit ako pero pinigilan siya ni Beatrix. "Caleb tama na!"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon