Chapter 2

561K 14.7K 2.5K
                                    

Payback time

"Kanina ka pa nakangisi diyan ha." sambit ni Byron. "What are you up to, huh?"

Hindi ko siya pinansin. Nag focus lang ako sa pag di-drive ko. They will see what I'm up to later and I'm sure they gonna like it. Makakabawi na din ako sa Trix na 'yon.

You don't mess with me and my friends.

"Are you ready to be entertain?" I asked Waxy and Byron. "You'll see the fall of angel."

Not all angels are good. Angel beatrix is one of the exemption.

Nagkatinginan sila sakin at parehong nalilito.

Pumunta na lang kami agad sa likod ng building namin. I hate explaining things. Sabi nga nila action speaks louder than words.

Pagdating namin duon, naghihintay na ang mga goons na binayaran ko para sa plano ko. I know this is a little bit evil but who cares? I want to see that girl suffer. Gusto kong tanggalin sakanya ang kayabangan at kaangasan niya. Gusto kong makita ang takot sa mga mata niya.

"Are you ready boys?"

"Yes boss!" Sigaw nilang lahat.

Pumunta na sila sa kanya kanya nilang pwesto.

"What are you planning to do, Skie?" tanong ni Byron.

I smiled at them. "You'll see, don't worry. I'm not going to hurt her, I'll just scare her."

Hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha niyang natatakot.

"What?" tanong nilang dalawa. "I think that's not a good idea, bro. Baka mapano si Angel, kahit inis ka sakanya tandana mo na babae pa din siya." sambit ni Waxy.

"Chill, okay? As I've said, I'm not going to hurt her. I'll just give her a lesson, she'll never forget."

Nasa malayo kami at naghihintay sa pag daan ng Angel na 'yon. Naka plano na ang lahat kahit ang pag daan niya dito. Pagkatapos nito, for sure mawawala na ang sungay niya. Malalaman na din niyang mali siya ng binangga.

Nakita ko na siya sa malayo. Tahimik lang kami habang naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

Nilapitan na siya ng mga goons ko. Walang bakas ng pagkatakot sa mukha niya pero for sure naman sa loob niya natatakot na siya. Ang lalaki ng katawan ng mga goons na 'to para hindi siya matakot.

"Hi Miss, pwede ba kaming makipaglaro sayo?" Sabi ng isang goon.

Ngumisi si Angel. Tinignan niya ng masama ang mga goons ko.

"Pwede naman, depende kung anong klaseng laro ang gusto niyo."

Sumasakay pa talaga siya ha. Kahit kailan talaga dala niya 'yong kayabangan niya. Ang cool pa din ng dating niya kahit ang totoo naman talaga nanginginig na siya sa takot.

"Palaban si baby girl," bulong ni Byron. "I think I like where this is going."

"Yeah, I'm rooting for baby girl." dagdag pa ni Waxy. "Pustahan tayo?" Tumango si Byron at mukha nagkakasundo pa sila.

"We'll go for baby girl." Sambit nilang dalawa.

Gusto kong matawa sakanila. Ganon ba sila kabilib sa Angel na 'yan? At isa pa, mas kinakampihan ba nila 'yang babae na 'yan kaysa sakin? Kaya ko nga 'to ginagawa para iganti si Byron at para mawala ang kayabangan ni Angel.

"Sige, magsisisi din kayo."

Ibinalik ko na lang ang tingin ko kala Angel. Nanlaki ang mata ko ng hawak hawak na niya ang kamay ng goons na kumausap sakanya.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon