Prologue

2.1M 31K 8K
                                    

5 years ago..

"Hey Skie! Come on!" Waxy shouted. "We don't want to be caught! Hurry up!"

"I'm coming!"

Niligpit ko agad 'yong gamit ko pagkatapos sumunod ako sakanila. Sa likod kami ng school dumaan, sa maliit na pintuan na ginawa namin. Dito kami palagi pumupunta kapag mag cu-cut kami ng class. This is our secret passage.

This is my life.

My high school life to be exact.

Pasok ng school, cut ng class, inom, billiard, arcades tapos babae.

Ang saya 'di ba? Ibang iba sa buhay ng nerd kong kapatid. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakatagal sa pagiging goody good shoes niya pero alam ko naman na may baho din siyang tinatago.

"Oh beer," abot ni Byron. Ininom ko agad 'yon dahil uhaw na uhaw na ako sa alak, last week pa ako nakainom dahil sa sumbungero kong kapatid. "Nakita ko 'yong kapatid mo may kasamang chicks."

Naibuga ko sakanya 'yong beer na nasa bibig ko. Ang sama ng tingin niya sakin. I think he want to punch me straight to my face. "Sorry dude, nagulat kasi ako sa sinabi mo. 'Yong kapatid kong 'yon, may kasamang chicks? Asa ka pa."

"Pasalamat ka bro kita kung hindi kanina pa kita sinuntok." Naghubad siya ng shirt at 'yong mga babae sa kabilang billiard table halos maglaway na dahil sa abs nito ni Byron. "Chicks nga pare, sexy pa. Tanong mo nga sa utol mo ano pangalan non. Bibigyan ko 'yon ng isa.." Bigla siyang ngumanga habang nakatingin sa likod. "Speaking of her," Lumingon kami ni Waxy pagkatapos nakita namin 'yong babaeng sinasabi niya. "Panalo dude."

Well

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Well.. pwede na, maganda din naman siya at sexy pero hindi siya 'yong mga tipo ko. Hindi malakas 'yong dating niya sakin.

"Not my type," sagot ko. "For sure 'yong mga ganyang babae, madali lang bibigay sayo. Don't worry kukunin ko pangalan tska number niyan para sayo."

"High standard talaga 'tong bro natin," sambit ni Waxy pagkatapos inakbayan niya ako. "Pustahan tayo five thousand, aabot pa ng dalawang linggo bago maka-score si Byron sakanya."

"One week." Sagot ni Byron.

"Nope, three days." Sagot ko.

Napa-woah sila sakin. Matinik naman sa babae si Byron at 'yong mga tulad niyang hindi ganon kalakas ang dating for sure, sandali lang bibigay din siya.

Tumingin siya samin pero parang hindi man lang siya naapektuhan sa presence namin. Sabagay, kilala ko na 'yong mga ganyang tipo, pakipot. Hindi niya ako maloloko. I know her kind.

"Mabuti pa mag first move na agad ako sakanya mga bro," sambit ni Byron. "Watch and learn."

Lumapit siya don sa babae. Ang tagal nilang nag-usap pero nagulat na lang ako ng biglang kunin nung babae 'yong kamay ni Byron. Inikot nung babae 'yong kamay niya pagkatapos nilagay niya sa likod, tinulak niya papunta sa billiard table.

"When I say no, it's no." Maangas na sabi ng babae. "You understand?"

Tumango na lang si Byron pagkatapos tumakbo siya papunta sa amin mukhang takot na takot siya. Para siyang bata na tumakbo papunta sa nanay niya.

What the hell is that?

"Sh*t bro, binasted agad ako." Sambit ni Byron. "Ang sakit ha, first time ko ma reject."

Bigla akong nainis. Sino ba siya para gawin niya 'yon sa kaibigan ko? Akala mo naman sobrang ganda niya. I'll make sure she'll learn her lesson.

"You don't break a bad boy's heart." bulong ko sa sarili ko.

---
Don't break the Bad Boy's heart
Breaking the Bad Boy's prequel/sequel
Written by: blue_maiden

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon