Chapter 26

191K 5.6K 3.4K
                                    

Jealous

"Excited na akong makita siya," sambit ni Mom. "Finally, may girlfriend ka na anak."

Gano'n ba talaga sila kasabik na magkaroon ako ng girlfriend? Bata pa naman ako at wala pa akong 30 kaya hindi sila dapat magmadali.

"Mom, h'wag kang masyadong maging excited baka kung ano 'yong masabi mo kay Karrie."

Tinawagan ko si Karrie at sakto papasok na siya sa resto. Sinundo ko siya sa may entrance. Malayo pa lang siya natulala na ako sa itsura niya.

 Malayo pa lang siya natulala na ako sa itsura niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang simple niya pero ang lakas ng dating. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para nangang hindi siya.

"Skie?"

Lumapit ako sa kanya. Hindi mawala 'yong ngiti sa mukha ko. "You're so beautiful tonight."

"Tonight lang?" Pa-cute niyang tanong. "Kapag ibang araw hindi na?"

"Palagi ka naman maganda pero iba lang 'yong dating mo ngayon sa'kin."

"Oh, baka mahulog ka na n'yan sa'kin ha?" Pang-aasar niya. Alam ko naman na hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. "Kanina pa ba kayo dito?"

"Hindi naman," inalalayan ko siya papunta sa table namin. "Pero excited na excited na si Mom na makilala ka."

Napahawak siya sa dibdib niya. "Mas kinakabahan ako, Skie. Sana hindi ako pumalpak sa harapan niya."

Hinawakan ko 'yong kamay niya. "You'll do great, I know that," tinignan niya ako at inalis niya agad ang kamay ko sa kamay niya. "Oh, bakit?"

"Baka nga kasi mahulog ka sa'kin n'yan. Mag act na lang tayong ganyan kapag nasa harap na tayo ng parents mo."

Kagabi pa siya masungit sa akin. Pwede naman maging sweet sa isa't isa ang magkaibigan 'di ba? Alam ko naman 'yong rules namin at hindi naman ako susuway sa gusto niya dahil nirerespeto ko siya.

Pagkakita sa amin ni Mom, tumayo agad siya para lapitan si Karrie at yakapin. "Hi Karrie, you're so beautiful," sabi ko na nga ba. Hindi na naman napigilan ni Mom ang sarili niya. "Totoo nga lahat ng kwento ni Skie na ang ganda ganda mo." Tinignan ako ni Karrie pero ngumiti lang ako. Totoo naman na maganda siya.

Hindi mawala ang ngiti ni Mom.

"Upo na kayo, I'll order our food."

Hindi mawala ang tingin ni Mom kay Karrie. Nagkakatinginan na lang kami ni Dad.

Pakiramdam ko mas lalong kinabahan si Karrie kaya hinawakan ko 'yong kamay niya. Tinignan niya ako pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Tell me," sambit ni Mom. "Ilang months na kayo ng anak ko?"

Hinayaan ko siya na magsalita, "One week pa lang po kami." Mas okay na hindi kami sabay baka mahalata kaming nagsisinungaling.

"Okay naman ba si Skie for you? Tingin mo ba siya na talaga ang the one mo?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon