Chapter 12

262K 8.5K 2.1K
                                    

Feelings

I can't believe that I'll be with this woman for the entire night.

"Bakit kasi hindi ka nag charge ng phone?" pagmamaktol niya pa. "Ayan tuloy, stranded tayo dito."

"Ikaw, asan 'yong phone mo?"

"Low battery na din pero busy ako kanina kaya wala akong time na mag charge."

Natawa na lang ako sakanya. She's so unbelievable. Sisitahin niya ako na bakit low battery 'yong phone ko pero ganon din naman siya.

"Oo nga hindi ako busy, eh." sarcastic kong sabi.

"Yeah, right."

Natahimik kaming dalawa. Sobrang tahimik na halos mabingi na ako.

Tinignan ko siya at mukhang pagod na siya. Hindi ko maalis 'yong tingin ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Napatingin din siya sakin.

Mas lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko.

What the fvck is happening to me?

"Why are you looking at me?" she asked.

I don't know. Hindi ko din mapigilan 'yong sarili ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo, unti unti na lang akong natumba sa lap ni Angel pero pagkatapos non, hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lang ako habang pinapaypayan niya ako. "Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo? Ang init mo."

Kitang kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-alala. "Bakit hindi mo sinabi na nilalagnat ka na pala?"

Napangiti ako bigla. "Nag-aalala ka ba sakin?"

Namula ang mga pisngi niya. Umiwas siya ng tingin sakin. "Hindi ah, syempre kapag napahamak ka, konsensya ko pa." Inalis niya 'yong ulo ko sa lap niya.

"Kapag napahamak ako, walang ibang may kasalanan kung hindi ako kaya wag kang mag-alala sakin."

"Okay, whatever."

Pinilit kong tumayo kahit na medyo masakit 'yong katawan ko kaso natumba pa din ako pero nasama sa pagtumba ko si Angel.

Nakadagan ako sakanya at sobrang lapit ng mga labi namin sa isa't isa. Konting galaw na lang, mahahalikan ko na siya. Ilang segundo din kaming nagkatinginan. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. What the hell is this?

"Ang bigat mo." Bulong niya.

Umalis agad ako sa itaas niya. "Sorry, hindi ko sinasadya."

"Wow, nag so-sorry ka na ngayon ha." Sinabi niya 'yon habang nakataas 'yong kilay niya sakin. "Bago 'yan, ha."

Ano ba tingin niya sakin, pusong bato?

"It's not new for me. I always say sorry if I'm wrong."

Napaupo ulit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Sinandal ko 'yong ulo ko sa pader, napapikit ako. Tinabihan ako ni Angel. "Are you okay?"

I think I should clear things out between us. "Tell me, bakit ka ba nagalit sakin? Ano ba talagang ginawa ko?"

Hindi niya ako sinagot.

"Can you please tell me? I want to know kung ano ba talagang nagawa ko? Dahil ba sa joke ko or tungkol sa amin ni Anya?"

"Why do you want to know? Importante pa ba sayo 'yon kung malalaman mo?" halos hindi siya makatingin sa mga mata ko. "It doesn't matter anyway."

"I just thought we're okay, that we had something special."

Alam kong nasa plano lang lahat ng ginagawa ko pero ramdam kong may pagkakaintindihan na kaming dalawa, hindi man sakin pero alam kong may nararamdaman na siya sakin.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon