Chapter 14

262K 7.8K 2.1K
                                    

Announcement

"Ano okay na ba?"

Hindi ako mapakali. I don't want to pressure her but I really can't wait for her answer. Kung mag no man siya ngayon, I'll still pursue her until she says yes.

"Easy ka lang dyan bro, para namang first time mo sa mga ganito."

Sinamaan ko ng tingin si Byron. Seryoso? Kilalala ba talaga niya ako? "Yeah bro, this is the first time."

Natawa naman si Waxy.

"Iba talaga tama mo dito kay Angel, eh." Sambit niya. "'Yong pana sa puso mo tumagos na. Grabe! Ang lakas!"

"Iba talaga dahil kakaiba siya sa lahat."

"Yeah we get it. Don't make us feel bitter, bro. Hanggang ngayon hindi pa din namin nahahanap ni Waxy 'yong the one namin kagaya mo. Ramdam ko nga 'yong bitterness sa boses ni Byron.

"Makakahanap din kayo ng sarili niyong the one. Tiwala lang."

Tiwala lang din na sasagutin na niya ako mamaya. Hindi pa ako nakakatanggap ng rejection pero kung galing naman sakanya, ayos lang.

I've planned to surprise her. Alam kong cliche na 'to pero ito naman ang gusto ng mga hopeless romantic na mga babae. Palagi ko 'tong napapanuod sa mga movie.

Tarpaulin na may nakalagay na "Will you be my girlfriend, Angel Beatrix Dela Fuente?" Tapos may flowers at malaking teddy bear. Haharanahin ko pa siya mamaya, syempre dapat paramore song, The Only exception.

"Hey," nagulat siya sa boses ko pero agad kong nakita ang ngiti sa mukha niya. "Can you meet me later sa field ng around 4pm? After ng class mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong meron?" Gustong gusto ko talaga kapag tinatarayan niya ako. Ang lakas ng dating sakin.

"May practice kasi kami ng soccer, gusto ko sana nandon ka."

Ngumiti siya. "Ano, magdadala ba ako ng banner?"

"Wag na, ikaw lang sapat na."

Ngumiti siya ulit, 'yong ngiting kinikilig. I love seeing her smile, sumasaya 'yong puso ko.

 I love seeing her smile, sumasaya 'yong puso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sige, pupuntahan kita mamaya."

"Okay, see you later."

Habang papalapit ang 4pm, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ako mapakali. Ngayon lang nangyari sakin 'to.

Habang naghihintay kami nila Waxy sa field, nakita namin ni Anya. Nakatitig siya sakin at ang sama ng tingin niya. Maya-maya, bigla na lang siyang ngumisi. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko may balak siyang hindi maganda.

"Bro, ayos ka lang ba?" Tanong ni Byron. Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Kakaiba 'yong mukha ni Anya, mukhang may balak manggulo."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon