Chapter 21

215K 6.2K 2.3K
                                    

New girlfriend

Imagine, 'yong parents mo nakatayo sa may pinto ng kwarto mo at abot hanggang langit ang ngiti.

Ang creepy.

Creepy kasi never naman silang naging ganyan.

"Mom? Dad? Anong meron?" Kinurot ko 'yong pisngi ko dahil baka nananaginip lang ako pero ang ending nasaktan lang ako. "Anong meron sa mga ngiti na 'yan?"

Lumapit sila sa'kin at hindi pa din nawawala 'yong mga ngiti nila. Seryoso, may mali talaga.

"Skie, may girlfriend ka na pala pero hindi mo man lang sinasabi sa amin?" From all smiles, disappointed na 'yong mukha ni Mom ngayon pero maya-maya, ngumiti na naman siya. "Ganon pa man, masaya kami para sa'yo."

"Kung sinabi mo lang agad na may girlfriend ka na hindi na sana kita pinag blind date kahapon."

Kanina pa ako nalilito sa mga sinasabi nila. Ano bang sinasabi nila na may girlfriend na 'ko? Sino? Bakit hindi ko din siya kilala?

"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo. Wala akong girlfriend. Kung magkakaroon man ako, kayo ang unang makakaalam."

Nilabas ni Dad 'yong phone niya at pinakita niya sa'kin 'yong picture namin ni Karrie na magkahalikan.

"What the!"

Sinong baliw 'yong nag picture sa'min at sinend pa talaga kay Dad.

"Sino siya? Bakit hindi mo siya imbitahan dito? Gusto namin siyang makilala."

"Dad and Mom, nagkakamali kayo. Hindi—"

"Skie?"

The least person na gusto kong dumating ngayon. 'Yong totoo? Bakit kailangan maging malas 'tong umaga na 'to?

"Sorry po Tito at Tita, nag-uusap po ba kayo?"

Bago pa ako makapagsalita, sumabat na agad si Dad. "Angel, Ija, kilala mo itong girlfriend ni Skie?" Anak ng, patay na talaga.

"Girlfriend?" Tinignan niya ako na parang may nagawa akong malaking kasalanan. "Wala pong nasasabi sa'kin si Skie about sa girlfriend niya."

"Ito oh," pinakita ni Dad 'yong picture kung saan kahalikan ko si Karrie. Pambihira talaga. "Kilala mo ba siya?"

Sobrang nanlaki 'yong mata ni Trix. Ang tagal niyang tinitigan 'yong picture namin. "Skie? Sino siya?"

"Let me explain—"

"Magkahalikan talaga kayo?" Sabat ni Trix. May kakaiba sa tono ng boses niya. Nagseselos ba siya? "Bakit wala kang naku-kwento sa'kin?"

I can't explain this feeling pero natutuwa akong ganito si Trix ngayon. Nakakatuwa na parang nagseselos siya. Kahit na nag i-ilusyon lang ako. "Kahapon lang naging kami, komplikado lahat, eh. Ipapakilala ko siya this week."

Tuwang tuwa sila Dad. "Hihintayin namin 'yan, anak. I can't wait to meet her."

"Mauuna na kami at baka may pag-uusapan pa kayo ni Angel."

Si Trix naman hindi maipinta ang mukha. Nakakatuwa siya. Pwede kaya talagang magselos siya? Ilusyon man o hindi, wala na akong pakialam.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko. "Asan si Caleb?"

"May lakad sila ng family niya," mas lalong lumungkot 'yong mukha niya. So, kaya siya nandito dahil wala si Caleb? "Gusto lang kitang makausap. Parang ang busy mo na kasi lately."

"Hindi ako busy, Trix. Ayoko naman agawan ng oras si Caleb sa'yo kaya hindi muna ako nagpapakita sa inyong dalawa."

Nirerespeto ko naman kahit papaano 'yong relasyon nila kahit na minsan parang hindi ko mapigilan 'yong sarili ko na yakapin at halikan si Beatrix.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon