Chapter 13

278K 8.7K 2K
                                    

Paramore

It's been a two weeks since niligawan ko si Angel.

Sa dalawang linggo na 'yon, mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Napatunayan ko lang sa sarili ko na talagang nahulog na ako sakanya.

Hindi na din siya ganon kasugit sakin at ramdam ko na din na naman na parang special na din ako para sakanya. Ayoko mag assume na mahal na din niya ko dahil baka masaktan lang ako pero pakiramdam ko mutual na 'yong feelings namin.

"Skie, may itatanong ako sayo."

Napatingin ako sakanya. Mukhang seryoso siya sa itatanong niya kaya kinabahan ako bigla. "Ano 'yon, Angel?"

"Hindi pa din ba kayo okay ni Kiro?"

'Yong kaba ko napalitan ng inis. "I don't want to talk about it."

"Okay pero sana magkaasyos na kayo."

Pakiramdam ko sinisiraan na ako ni Kiro kay Angel. Alam kong madumi siya gumalaw at lahat gagawin niya para masira niya ako. That's the main reason why I hate him, he wants to ruin my life.

Binago ko na lang 'yong usapan. "Excited ka na ba para sa Paramore concert mamaya?"

Nagbago bigla 'yong mood niya. Ang laki ng ngiti niya, mga ngiti na gustong gusto kong makita. "Oo naman! Ang tagal kong hinintay 'to!"

"Sunduin na lang kita mamaya sa bahay niyo."

"Sure, mag one hour early tayo para hindi hassle." Kinuha niya 'yong mga gamit niya. "Una na ko, may practice pa kami ng volleyball."

"See you later, my Angel."

Kinindatan ko siya at kita ko sa mukha niyang kinikilig siya.

Pumunta ako sa locker ko para kunin 'yong books ko. Naghihintay na pala sakin don si Anya. "Finally, I was able to catch you Skie."

"What do you want?"

Hinawakan niya ako sa braso ko pero inalis ko agad 'yong kamay niya. "I want you and you know that."

"Anya, I don't like you." Tinignan ko na siya ng masama, baka madaan na siya sa tingin. "Please stay away from me."

"What if I don't?"

Lalo siyang lumapit sakin. Isang hakbang na lang, itutulak ko na talaga siya palayo.

"Skie, I'm better than Angel. I deserve you more than anyone."

Seriously? Is she out her mind?

"You know what Anya? Comparing yourself to Angel is like comparing a stone to a diamond and I don't deserve a woman like you. You're a b*tch Anya."

Nanlaki 'yong mga mata niya sa sinabi ko. I don't fvcking care. She needs to stay away from me. I don't need her in my life.

Iniwan ko na siya. Wala na akong narinig sakanya. Tama lang 'yon, tigilan na niya ako. Hindi na sana ako magagalit sakanya pero kinompara pa niya 'yong sarili niya kay Angel. She even thinks I deserve her? She's out of her mind.

"Oh, bakit nakakunot 'yang noo mo?" Tanong ni Byron ng dumating ako sa tambayan namin. "What's up?"

"Si Anya kasi kinukulit ako."

Inakbayan ako ni Waxy. "Alam mo bro, sabihin mo sakanya, willing ako maging lover niya."

Kumunot ang noo ko. "Seryoso ka? Gusto mo 'yong babaeng 'yon?"

"Why not? She's hot and pretty."

But she's a b*tch.

"Alam mo bro, humanap ka ng babae na magiging proud kang iharap sa parents mo."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon