CHAPTER 58: The Final Wave (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

'Yes, andito si DJ.' Pag-segunda ni Kris. 'In a no holds barred interview, he is going to answer everything. Mula dun sa 'alleged' suicide attempt diumano niya, hanggang dun sa mga kumalat na tsismis na nakunan si Kath na sa ngayon ay naka-base sa Alaska, at ang tunay na estado ng relasyon nila, bubulatlatin at hihimayin talaga natin isa isa.'

'Ay talaga namang exciting yan!' That infectious tone of Toni suddenly surfaced. 'Bukod dyan, balita ko ay may malaking pasabog din itong si Daniel mamaya.'

'Naman!' Boy and Kris chorused.

'Kaya wag na wag pong bibitiw mga kaibigan dahil magsisimula na po ang...'

'THE BUZZ!!'

It was just like an ordinary Sunday. Yung tipong may interview lang siya. Yung sasagot lang siya sa mga tanong. Katulad lang ng dati. But there is something which bothers DJ. Kung ano yun, di nya ma-pinpoint.

'Ok ka lang anak?' Tanong ni Karla sa DJ habang nasa loob sila ng dressing room.

Hindi rin ugali ni Karla na samahan ang anak sa mga guestings nito. Ngunit ramdam niyang kailangan ng panganay ng support group. Bukod sa kanya, kasama nya rin sina JC, Magui, Lelay at ang mga kaibigan ni DJ na sina Seth, Dominic at Lester.

'Ok lang ma.' Sagot ni DJ habang inaayos ang kuwelyo ng suot niyang polo.

He ran his fingers through his hair.

Inayos.

Ginulo.

Inayos muli.

'Medyo kabado.' Huling sambit niya bago siya tinawag ng isang staff para makapunta na siya sa set.

Nagulat si DJ nang makita ang tatlong hosts ng programa na nakaupo lahat sa harap ng LED screen. Si Boy, sa hiwalay na chair samantalang magkatabi naman sa isang couch sina Kris at Toni. Adjacent to them is a one-seater davenfort. Doon siya inihatid ng sumundong The Buzz staff.

'Hi DJ!' Bati ni Kris bago ito bumeso.

Sumunod naman si Toni. Niyakap naman siya ni Boy.

'Lahat po kayo mag--?' Iminustra na lamang ni DJ ang kasunod ng tanong dahil hindi na siya makasalita sa sobrang kaba.

'Yes. You don't like?' Kris asked, beaming.

'Hindi naman po.' Naupo na siya. 'Kaya pala kabado ako sobra.' He sighs.

Napatingin siya sa audience. Bukod sa mga fans na nandoon na kinawayan niya at nginitian, nasa isang sulok din ang ina at mga kapatid at mga kaibigan. Pati ang make-up artist niya at stylist ay kasama ng mga ito para ipakita ang suporta sa kanya. Gumaan ang loob niya kahit papaano.

**********

'Naku Boy, Toni, kanina pa nga natin prinomise sa mga viewers natin itong last guest natin. I'm sure napakarami nang nakaabang dyan.'

'Oo Ate Kris. Actually, kanina pang umaga trending sa twitter 'tong bata na 'to. Patunay lang na talagang inaabangan na siya. Hindi ng mga tambay sa kanto pero buong Pilipinas, nakaabang na.'

'Mga kaibigan, bagong pasabog. Daniel Padilla.'

Dumagundong ang buong studio dahil sa lakas ng palakpakan at hiyawan ng mga tao na andun.

'Ah, Good afternoon po, Tito Boy, Tita Kris, Miss Toni.'

'Miss Toni talaga sa akin? Ay, sa kanila Tito at Tita? Daniel naman, parang wala tayong pinagsamahan.' Biro ni Toni.

'Ah, ano po...'

'Ate Toni. Pwede na. Baka mabugbog ako ng KathNiels dito e.' And she flashed that signature smile of hers.

Natawa naman ang mga kasama niyang host at ang kanilang guest.

'Sige po. Ate Toni.'

'O diba? KathNiels, bati tayo ok?'

Tawa lang ng tawa ang mga tao sa loob ng studio.

'DJ, how are you? Kamusta ang puso? Kamusta ang buhay? Ang relasyon mo with Kathryn? Ang feeling ng isang nalalapit na maging daddy?' Tanong ni Boy.

Napahinga ng malalim si DJ. Seryosohan na 'to.

'Ok po ako. Sobrang ok.' He answered in a very honest manner.

'Hinde, kasi last week, umugong yung news na you've committed suicide.' Kris interjects.

Sunod sunod naman ang iling ni DJ at ikinuwento ang buong pangyayari.

'So hindi talaga totoo yun?'

'Hindi po talaga.'

'Ay sabagay, andyan pa nga yung sugat mo sa noo diba? Ilang stitches yan?' Tanong ni Toni.

'12.'

'Aw, ang sakit nun. Pero parang ang mas masakit ata is yung narinig mo yung mga tsismis na nakunan daw si Kath?' Humanap ng isang bagay na gawa sa kahoy si Toni at kumatok dito.

'Nakakagulat nga po yun e. Hindi namin alam kung saan galing yun. Medyo nakakainis na lang din kasi nga unang una, ang layo layo na ni Kath e nai-intriga pa dito. Pangalawa po e, kaya nga po pumunta dun si Kath e dahil para makaiwas sa mga tsisimis.' Paliwanag ni DJ.

'Sensitive ba, ang pagbubuntis ni Kath?' Kris asked, concerned.

'Medyo po.'

'Aww, kawawa naman.' Kris sighed. 'I mean, as a woman, alam ko kung paano magbuntis. Mahirap siya. Napakahirap magdalang tao. Especially if you're young. In Kath's case, she's only 18. People, should really know just when to stop. Kasi, kahit ano, mga balitang hindi totoo, didibdibin mo yun at didibdibin talaga.'

'Yun nga po.' Tango ni DJ. 'May nagkalat kasi na nagtangka nga daw po akong magpakamatay. Nakarating po kay Kath. Sumama ang pakiramdam. Tumigas po ang tyan. Dun po yata nagsimula yung tsismis.'

'Ang galing no? Paano nila nalaman yun gayong si Kathryn ay nasa Alaska? Saan sa Alaska, DJ?' It was Boy.

'Anchorage po.'

'And you've been there? Nanggaling ka din dun diba?'

'Yes. Last week po Tito. Dun nga po, nalaman namin na boy yung...'

Napuno ng 'Awwww' ang buong studio matapos mag-flash sa LED screen ang post ni Kath sa kanyang IG. Ang ultrasound niya at ang picture ni DJ.

Napatingin si DJ sa screen at napangiti.

'So boy?' Tanong ni Toni habang nakatingin din sa screen.

'Daniel John II yung ibibigay nyo na name?' Kris asked.

'Yun po ata ang gusto ni Kath.' Nahihiyang sagot ni DJ.

'May junior ka na!' Natatawang komento ni Boy. 'Parang nung January lang, hirap na hirap kaming paaminin kayo. Pero ngayon, may junior na.'

Napatungo na lamang si DJ habang tumatawa.

Patuloy naman ang pag-flash ng mga pictures sa screen.

'Ang gandang magbuntis ni Kath ano?' Komento ni Toni habang pinapanood ang mga pictures ni Kath. 'Gusto ko pag nagbuntis ako, ganyan din.' She added.

'Ay, nagpaparinig. Direk Paul.' Biro ni Kris.

'Nako!' Humanap na naman ng kahoy si Toni at kumatok. 'Huwag muna. Huwag muna.'

'Sandali, naaaliw tayo dito sa mga pictures.' Boy diverted. 'Pero may isang tanong ako na gustong itanong dito kay DJ.'

Ibinaling ni DJ ang atensyon sa TV host.

'DJ, kelan ang plano niyong kasal ni Kathryn?'

Ibubukas na sana ni DJ ang kanyang bibig para sumagot ngunit napigil siya ng pasinaya ni Boy.

'Pero bago po niya sagutin yan, magbabalik po ang...'

'THE BUZZ..'

And cut.

Commercial break.

************

***AUTHOR'S NOTE***

Nakatulog po ako kanina. Di ko nai-post.

Haha!

Sensya naman.

XD

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon