Chapter 14

26 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay may naamoy akong parang sunog. Agad ko namang sinundan kung saan nanggagaling ang amoy sunog na ‘yun. Nagulat ako nang makita kong nasusunog ang kung ano mang niluluto ni Lauren.

Nagmadali akong patayin ang apoy at sa pagmamadali ko ay napaso pa ako. Napatingin ako sa kamay kong namumula na ngayon dahil sa pagkapaso ko.

“Oh my god!” napalingon ako kay Lauren. Agad naman syang lumapit sa’kin “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong nya sa’kin habang nakatingin sa kamay kong napaso.

“S-Sorry nakalimutan ko ‘yung niluluto ko” I smile at her as my assurance na okay lang ako.

“Just don’t do that again” I said as I cupped her face “Paano kung sa susunod may nangyari na sa’yong masama? I don’t want that to happen”

“S-Sorry h-hindi ko talaga sinasadya” she said while her tears are falling “Please d-don’t be m-mad at me” I hug her tight.

“Ssshhh. Don’t worry I’m not mad at you” I pat her back.

She fell asleep while crying. I caressed her face. Nakatitig ako sa kanya na para bang sya ‘yung pinakamagandang babae sa mundo. She’s so innocent and beautiful. Minsan napapaisip ako na tama bang sinaktan ko ang babaeng nasa harap ko?

I remember what happened earlier. Lauren cried as if there’s no tomorrow. I can’t do anything para mapatigil sya sa pag-iyak pero wala akon nagawa. Niyakap ko na lang sya habang patuloy sya sa pag-iyak.

Patuloy sya sa paghingi ng sorry habang patuloy pa din sa pagpatak ang luha nya. She’s saying sorry as if she did something na ikakagalit ko.

‘Ni hindi ko alam kung bakit sya umiiyak at kung bakit sya nagso-sorry. As if naman dahil ‘yun sa nangyari kanina because I assured her that I’m not mad at her.

Pero siguro Lauren treasured me that much to the point that she’s scared to do things na iniisip nyang ikakagalit ko.

Ganun naman daw talaga ‘di ba? Natatakot kang gumawa ng mga bagay na posibleng ikagalit o ikasama ng loob ng taong mahal mo. But in the other hand kahit naman gawan ka ng mali ng taong mahal mo o kahit makagawa sya ng bagay na ikakasakit ng damdamin mo wala ka namang ibang magagawa kundi ang unawain at patawadin na lang sya. Haha. What am I saying? I don’t know anything about love afterall.

Pero ang tanging alam ko lang ay kung ano man ang bagay na inihihingi sa’kin ng tawad ni Lauren I’m going to understand that. At kung makagawa man sya ng bagay na maaari kong ikasakit tatanggapin ko ‘yun. Palagi na lang sy ‘yung umiintindi. Palagi na lang sya ‘yung nagpapasensya kaya this time i’ts my turn. It’s my turn to understand her.

“Zack?” napatingin ako sa may pintuan kung nasaan si Lauren.

Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner naming dalawa. Hindi naman ako ganun kagaling magluto pero kahit papano mapagtya-tyagaan naman ‘yung pagkaing niluto ko.

“You’re awake. Come here let’s eat” nakangiting sambit ko habang naglalagay ng plato sa mesa.

“Wala akong gana” napatigil naman ako at saka tumingin sa kanya.

“Why? May sakit ka ba?” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo nya. Hindi naman sya mainit pero kita mo ang pamumutla nya “Are you alright?” she smiled then nod.

“Pagod lang” she answered.

“Then let’s eat. After we eat magpahinga ka na” I said “I cook all of these for you. Pinaghirapan ko ang lahat ng ‘to for you and don’t worry it’s edible hindi ka naman malalason kapag kumain ka kaya please?” pangungumbinsi ko dahil nakita ko ang pagdadalawang isip nya.

She smiled at me then slowly nod “Okay”

Inalalayan ko sya sa pag-upo. Ipinaglagay ko din sya ng pagkain sa plato nya.

“This is your favorite right? Inaral ko pa kung pano lutuin ‘to infact nagpaturo pa ‘ko kay Jonathan” natatawang sambit ko.

It’s true. Almost 1 week din akong nagpaturo kay Jonathan sa pagluluto ng adobo. Inasar-asar pa nga ako ng kumag na si Jonathan. Kung ko lang talaga kailangan ng tulong nya hinding-hindi ako magtyatyaga sa kanya.

Hindi man halata eh magaling magluto ang loko. Aside from being architect eh nagmamay-ari din sya isang restaurant tapos minsan sya ‘yung nagluluto dun.

Habang kumakain kami napapansin ko ang pagsulyap nya sa’kin at kapag nahuhuli ko sya eh ngingiti lang sya tapos iiwas ng tingin.

It seems like she there is something bothering her. Gustong-gusto kong malaman kung ano ang problema nya pero ayaw ko naman syang pangunahan. Gusto ko ay sya ang mismong mag-open up sa’kin ng problema nya.

She’s my wife after all so kung ano man ang bumabagabag sa kanya she can tell that to me.

Napansin ko ang pasimpleng pagpahid nya ng luha na umagos mula sa pisngi nya. Nagulat ako. She’s crying again and I am clueless. Hindi ko alam kung anong nangyayari o bumabagabag sa kanya.

“Lauren are you alright?” I asked her.

Agad naman syang tumingin sa’kin at ngumiti.
“Yes” she answered.

Ngumiti na lang ako sa kanya. I can feel that there’s something wrong with her but like what I’ve said ayoko syang pangunahan.

I trust her. May tiwala ako na kung ano man ang bumabagabag sa kanya ay kakayanin nyang lampasan ‘yun.

Lahat nga ng pahirap at pasakit na dulot ko sa kanya noon nakaya nya ito pa kaya ‘di ba? Lahat ng pangga-gag* ko sa kanya eh natiis nya at higit sa lahat nakaya nyang makasama ang tulad ko so alam ko this time makakaya nya kung ano man 'yun because she have me on his side.

-----
To be continue...

As Long As You Love MeWhere stories live. Discover now