Chapter 5

40 2 0
                                    


Sobrang sakit ng ulo ko. Tss. Bakit ba hindi ako masanay-sanay sa hang-over na 'to?

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko mukha agad ni Lauren ang tumambad sa'kin. Nakangiti na naman sya na parang wala lang yung sinabi ko sa kanya kagabi.

"I'm about to wake you up mabuti naman at gising ka na" tiningnan ko lang sya bago lampasan.

"Hayaan mo na lang akong mahalin ka ayos na sa'kin yun"

Tss. Gustong-gusto nya talagang sinasaktan ang sarili nya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga ganyang babae.

If the person you love couldn't love you back then give up! Hindi yung ipinagsisiksikan mo yung sarili mo.

Kumunot ang noo ko nang may nakita akong dalawang tasang kape sa lamesa. Ang alam ko ay hindi naman nagkakape si Lauren. Nagkibit-balikat na lamang ako at umupo sa upuan ko.

"Kumusta naman ang tulog mo?" kumunot naman ang noo ko nang makitang nakangiti na naman sya.

Hindi ko na sya sinagot at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.

Hindi na rin naman sya nagsalita pa pero ramdam ko ang titig nya.

Hindi ba sya nagsasawa sa pamumukha ko? Ako kasi sawang-sawa na sa mga ngiti at titig nya.

"Good morning" kumunot ang noo ko nang marinig ko iyon.

Hindi ko na kailangang lumingon dahil naramdaman ko sa mga braso ko ang malanding haplos nya.

"You sleep well?" malanding sambit nya.

I thought nakaalis na sya? Ano pang ginagawa nya dito? Nakuha na naman nya ang gusto nya.

"Baby ang sakit ng ulo ko" kumunot ang noo ko. Baby? What the f*ck! I'm about to yell at her when Lauren spoke.

"May kape dyan for your hang-over" unti-unti namang lumayo sa'kin ang babaeng 'ni hindi ko alam ang pangalan.

So para sa babaeng 'to yung isa? Iba din talaga ang trip nitong si Lauren.

Umupo sa harap ko yung si Twirlie. Kulot kasi ang buhok nya.

"Yaya can you please give me some water too" hindi sya patanong kundi pautos.

Hindi ko maiwasang i-angat ang tingin ko kay Twirlie, she was pertaining to Lauren dahil dito sya naka-tingin.

Bakas sa mukha ni Lauren ang pagkabigla ngunit mabilis din naman itong napalitan ng isang matamis na ngiti.

Kinuha ni Lauren ang isang pitsel ng tubig na nasa lamesa lamang at ipinagsalin sa baso si Twirlie.

Kayang-kaya naman ni Twirlie na kumuha ng tubig nya bakit kailangang i-utos pa? 'Ni hindi rin marunong magpasalamat man lang.

"By the way I'm not a maid here" naka-ngiting sambit ni Lauren "I'm his wife"

Tiningnan sya ni Twirlie habang nakataas ang isang kilay.

"Really?" Twirlie smirk while looking at me "Interesting"

"So anong feeling na may isang hot na lalaki kang kasama sa iisang bahay?" mapang-asar na sabi pa nito "Siguro 'masaya' ka 'noh?"

Tanging ngiti lang ang ginawa ni Lauren. Tanga ba sya? Alam na inaasar na sya nakukuha nya pa ding ngumiti.

Tumayo na ako at dahil bukod sa ayaw ko nang marinig ang pag-uusapan nila ay ayaw ko ding makita ang katangahan ni Lauren. Sawang-sawa na ako sa mga nakaka-iritang ngiti nya.

"Are you done? Pero konti pa lang yung nakakain mo" sambit ni Lauren.

"I have to go may meeting pa 'ko" palabas na sana ako ng kusina nang tumigil ako "After you eat umalis ka na" sambit ko nang hindi lumilingon.

"Oh? Okay" sagot naman ni Twirlie.

Lalabas na sana ako nang muling magsalita si Twirlie.

"Thanks for the experience. Nag-'enjoy' ako last night" malanding sambit nito.

'Sorry but the feeling is not mutual. I didn't enjoy last night' gusto ko sanang sabihin yan pero pinili kong manahimik na lamang.

Masyadong mahal ang oras ko para sa kanya. Lumabas na lamang ako dahil ayoko nang humaba pa ang usapan.

-----
A/N: Ako ay nagbalik~ 😂😂😂 Sorry for the wrong grammars and typos. Lovelots!

As Long As You Love MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang