Chapter 10

43 0 0
                                    

“Sorry ha? Hindi ko alam na pupunta pala dito si Dad, kung alam ko lang edi sana pinigilan ko sya”

Nandito kami sa kwarto ko dahil hindi pwedeng magkahiwalay kami ng kwarto ngayon. Ganito palagi ang set up naming dalawa kapag nandito si Tito Ramon o 'di kaya naman ay si Dad.

“Why would you do that?” kunot-noong tanong ko habang nakatutok ang atensyon ko sa laptop ko.

“Alam ko naman kasing ayaw mo na may ibang pumapasok dito sa kwarto mo” she knows me.

“Ayos lang” matipid na sambit ko.

Naka-upo ako sa sofa habang sya naman ay naka-upo sa kama ko.

I heard her yawn.

“Matulog ka na” sambit ko nang hindi man lang sya tinatapunan ng tingin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko.

“Dyan ako sa sofa” sambit nya na nakapagpaangat ng tingin ko.

“No. Dyan ka matulog sa kama dito ako sa sofa” may pag-aalinlangan nya akong tiningnan bago marahang tumango.

Ibinaba ko ang laptop ko at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Naabutan ko naman si Tito na kasalukuyang umiinom ng alak.

“Want some?” alok nya sa’kin.

“Nope. I just want water” he nod.

Abala ako sa pagsasalin ng tubig sa baso nang magsalita sya.

“She’s smiling in front of everyone but sometimes she’s just doing it to hide her true feelings inside” hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sa’kin ‘to.

“She’s selfless when it comes to people she love”

Nanatili lamang akong tahimik na nakikinig sa mga sinasabi nya.

“Wala syang itinitira sa sarili nya at ‘yun ang pinaka-ayaw ko sa ugali nya” nilagok nya ang alak na hawak nya.

“My daughter loves you so much to the point na hindi nya iniisip ‘yung sarili nya” tumawa sya kahit wala namang nakakatawa. Isang tawa na hindi dahil sa kasiyahan kundi dahil sa kalungkutan.

“Isa lang akong ama na naghahangad ng kasiyahan para sa anak nya” nabigla ako whan a tears scape from his eyes.

“Mahal ka ni Lauren abd I’m not a numb para hindi mapansin na hindi ganun ang tingin mo sa kanya” natigilan ako.

All this time ang akala ko hindi nya alam ang katotohanan. Magaling syang magpanggap tulad ni Lauren. Mag-ama nga sila.

“I can’t afford to lose another girl I love Zack. Hindi ko kayang pati si Lauren ay mawala din sa akin”

Sa pagkakaalam ko ay wala na ding ina si Lauren tulad ko. Her mother passed away 3 years ago.

“And as much as possible I want to give her everything that makes her happy. As long as I can I’m going to give it to her kaya nga pumayag akong maipakasal kayo because I know my daughter loves you so much”

“I know you don’t have feelings towards her pero kahit ganun ay pumayag pa din ako because I believe that someday you’ll gonna learn how to love my daughter and I’m holding onto that”

Alam kong hindi umaasa si Lauren na mahalin ko sya dahil palagi kong sinasabi sa kanya ‘yun pero ang hindi ko alam ay may ibang tao palang umaasa na mangyayari ‘yun.

“Habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asang mangyari ‘yun. Akala ko noon magiging masaya sya habang kasama ka nya but I didn’t know na mas masasaktan pala sya habang magkasama kayong dalawa”

All through out nakatungo lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nya. ‘Ni hindi ko magawang itaas ang paningin ko dahil nahihiya ako.

“Zack…” tawag nya kaya naman nag-angat ako ng tingin “This time nakiki-usap ako sa’yo bilang isang ama. If you really can’t love her back just leave her because I think my daughter did her part and besides she had enough”

I froze. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang biglang sumikip ang paligid at hindi ako makahinga.

“Think of it Zack. Don’t be selfish” hindi ko namalayan na wala na pala sya sa harap ko.

Parang bigla akong tinakasan ng lakas. I felt my legs became jelly. Nanghina ako bigla dahilan para mapaupo ako.

Nakatungo lang ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganun ang posisyon. Naramdaman ko na lamang ang mainit na likido sa aking pisngi na pumatak sa likod ng aking palad.

Bakit ganito? Sh*t! Why am I crying? Nababaliw na ba ako?

-----

(To be continue...)

As Long As You Love MeWhere stories live. Discover now