Chapter 9

36 1 0
                                    


Nang makita kong wala namang problema ay agad akong nagpunta sa lugar kung saan ko iniwan si Lauren kay Jonathan pero wala akong nadatnang Lauren. Saan ba sya dinala ni Jonathan?

Nagtanong na din ako sa mga trabahador na nakakasalubong ko pero hindi daw nila napansin kung saan nagpunta yung dalawa.

Sinubukan kong tawagan si Jonathan pero naka-off yung phone nya. Hindi naman sinasagot ni Lauren yung tawag ko.

Ganun ba sila nag-eenjoy sa isa’t-isa para hindi mapansin na may tumatawag sa kanila? I dial Lauren’s number again but it only keeps ringing.

Unti-unti kong ibinaba ang cellphone na hawak ko nang makitang paparating ang kotse ni Jonathan. Tumigil ang kotse nya sa tabi ng kotse ko at mula doon ay lumabas si Lauren kasunod ni Jonathan.

Kunot-noo akong nakatingin sa kanilang dalawa. Tangna! Hindi man lang nagpaalam. Nice!

“Zack---“ nilampasan ko lang si Lauren at dumiretso ako sa kotse ko.

Bahala syang makipag-landian sa lalaking yun!

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa may passenger seat. Sumunod pala sya. I started the engine at pinaharurot ang kotse nang hindi nagpapaalam kay Jonathan.

Ilang minuto din ang nakalipas nang basagin ni Lauren ang katahimikanng bumabalot sa pagitan naming dalawa.

“Zack may problema ba?” hindi ko sya sinagot “Zack can you atleast answer my question?”

Kumunot yung noo ko. So sya pa yung may karapatang magdemand ganun? Ibang klase! Why do I sound like a jealous boyfriend here? Aish!

“Zack plase answer me” bakas ang frustration sa boses nya.

Inis kong itinabi ang kotse at mahigpit na hinawakan ang manibela.

“Talagang nagtatanong ka pa?” inis na sambit ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata nya.

“Hindi ko maintindihan” litong sambit nya.

“Lauren! I’ve called you for so many times for pete’s sake pero ‘ni isa ay wala kang sinagot!” agad naman nyang kinuha ang phone nya na nasa loob ng bag nya.

“S-Sorry naka-silent kasi”

“Pwede ka namang magpaalam di ba? Hindi yung basta-basta ka na lang aalis! Tang-*na Lauren pinag-alala mo ‘ko!” natigilan sya sa narinig nya at maging ako ay natigilan din. Saan nanggaling yun?

“Ano na lang ang sasabihin sa’kin ni Tito? Baka isipin nya na pinababayaan kita”

“S-Sorry” nakatungong sambit nya.

I sigh. Hindi ako sanay na ganyan sya.

“Just… Just don’t do that again. Okay? Sa susunod magpaalam ka muna sa’kin kapag may pupuntahan ka” marahan syang tumango.

I glance at her once before I start the engine.

Wala pa rin syang imik hanggang makarating kami sa bahay. ‘Ni hindi nga yata nya napansin ang nakaparadang kotse sa harap ng bahay. Hindi nya sinabi na bibisita sya.

As I expected nagulat nga si Lauren when he saw her Dad inside our house. May duplicate sya ng susi ng bahay kaya naman hindi na ‘ko nagtaka kung bakit nakapasok sya.

“DAD!” she exclaimed as she hug her dad.

“Hi po” bati ko naman sa kanya.

“Pumayat ka anak” puna ni Tito kay Lauren kaya naman napatingin ako dito.

Pumayat ba sya? Mukha nga pero hindi ko yun napansin.

“Pinapagod ka ba ng asawa mo?” kunot-noong tanong ni Tito kay Lauren bago tumingin sa’kin.

“Dad hindi! Gusto nga nya nandito lang ako sa bahay dahil ayaw nya akong napapagod” ngumiti si Tito sa’kin.

“Ano ka ba Lauren I’m just kidding” tumawa si Tito.

Kahit kailan ay hindi ako inilaglag ni Lauren sa Dad nya o kahit kay Dad. Never din syang nagsumbong kay Dad about sa mga kalokohan ko.

She’s a great pretender pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya ako magawang ilaglag. Napakadaming dumaang opportunity para gawin nya ‘yun pero hindi nya ginawa.

-----
A/N: I'm sorry for typos and grammatical errors

As Long As You Love MeWhere stories live. Discover now