CHAPTER 2

83 3 0
                                    

*Lauren’s Point of View*

Maaga akong gumising para ipagluto ng pagkain si Zack. Sa loob ng 9 months na pagsasama namin ay nakasanayan ko na din ang ipagluto sya. Hindi naman nya sinabi sa’kin na gawin ko yun araw-araw para sa kanya gusto ko lang talagang gawin yun para sa kanya.

After kong matapos sa pagluluto ay umakyat ako sa taas para gisingin si Zack. Kumatok ako pero walng sumasagot malamang eh tulog pa sya masyado kasi syang workaholic eh.

"Zack wake up the breakfast is ready" sambit ko habang patuloy pa din sa pagkatok "Zack hurry up may meeting ka pa"

"Zack! Zack!" I said as I continue knocking.

"OO NA! JUST STOP KNOCKING!" narinig kong sambit nya. Napangiti naman ako.

"Alright I'll wait for you downstairs"

Halos isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din bumababa si Zack kaya I decided na puntahan sya sa kwarto nya. Oo kwarto nya. Hindi kasi kami nagsasama sa iisang kwarto.

Our marriage is not a result of loving each other but a result of an arrange marriage. His parents and mine decided na ikasal kaming dalawa. Ayos lang naman sa’kin kasi I have feelings for him.

I was shocked when my dad told me na pumayag si Zack. I thought tututol sya. Hindi man nya ako mahal but the fact na pumayag sya masaya na ‘ko dun.

Alam ko din naman kasing mahirap sa part nya yung sitwasyon namin but still nananatili pa din sya sa tabi ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" inis na sambit nya dahil sa biglaan kong pagpasok nang hindi man lang kumakatok.

"Kelangan pa ba yun?" lumapit ako sa kanya I want to help him para itali yung necktie nya. Ganun kasi ang napapanood ko sa mga drama sa t.v eh.

"I'll help you" I was about to help him nang bigla syang umiwas.

Nabigla ako sa ginawa nya pero hindi ko iyon pinahalata. Hindi ko ipinakita na naapektuhan ako sa ginawa nya.

"Don't try so hard Lauren. You don't need to act like my real wife" he said then he walks towards the door.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig na lang sa pintuang nilabasan nya.

Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Sanay na ako sa kanya pero hindi ko pa din maiwasang masaktan.

Alam ko namang napipilitan lang din sya kaya ganun sya sa’kin. I know it’s hard to marry a girl you didn’t love. Naiintindihan ko sya.

Iintindihin ko.

Matapos kong punasan ang luha ko at ayusin ang sarili ko ay agad akong bumaba para sundan sya. Nakita ko namang palabas na sya ng pinto.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.

"Sa office na lang" sagot nya nang hindi man lang ako nililingon bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Wala na akong ibang ginawa para mapigilan sya. Ayaw ko din namang pilitin sya kung ayaw nya.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang mga pagkain na niluto ko para kay Zack. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha habang nakatitig sa mga ito.

“Marami lang sigurong paper works si Zack” pangungumbinsi ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-agos ang aking luha.

Bihira lang akong sabayan ni Zack kumain. Kung sasabay naman sya iinom lang sya ng kape pagkatapos ay aalis na.

Sabi ko nga nauunawaan ko sya siguro hindi nya lang tanggap na ikinasal sya sa babaeng hindi naman nya mahal. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon nya ay ganun din ang mararamdaman ko kaya hangga’t kaya kong unawain sya ay gagawin ko.

-----

A/N: sorry for the late update... Love lots!

As Long As You Love MeWhere stories live. Discover now