CHAPTER 57: The Last Resort

Start from the beginning
                                    

***********

'Kasalanan ko 'to e.' Iling ni DJ habang nasa loob ng sasakyan pauwi. Nasa magkabilang tabi niya ang dalawang kapatid na babae at nakayakap sa kanya.

'Tama na yan Daniel.' Lingon ni Karla na nasa unahan.

'Kelangan makausap ko agad si Kath. Peram ng cellphone ko Ma.'

'Mamaya na sa bahay anak. Kumalma ka dyan.'

'Pero Ma!' Hindi na naiwasan ni DJ na magtaas ng boses.

'Hoy Danilo! Tigilan mo ko nyan ha! Hindi lang ikaw ang nag-aalala kay Kath! Kalamayin mo yang loob mo. Sa bahay na yan.'

Ibubuka na sana uli ni DJ ang kanyang bibig ngunit napigil sya ng bunsong kapatid.

'Kuya, please don't fight with Mama.' Lelay said.

'Hmp.' DJ huffs, turning his attention to the view outside his window.

************

Unti-unting iminulat ni Kath ang kanyang mga mata at halos masilaw sya sa liwanag na sumalubong sa kanyang paningin.

'Ma...' She calls weakly.

Agad naman siyang nilapitan ng ina. Kasunod nito ang kanyang aunt at uncle.

'Anak.' Hinawi ni Min ang buhok na nakaharang sa noo ni Kath at ngumiti ito.

'Why am I here?' Tanong niya habang pinipilit ang sarili na makaupo mula sa pagkakahiga. 'Nagpo---' she wasn't able to finish what she was saying when her eyes caught something. 'NOOOOOOOOOO!!!!' Sigaw nya matapos mapansin ang umimpis na tyan. 'MAAAAAA!!! NOOOOOOOO!!!!!'

Agad na niyakap ni Min ang anak upang pakalmahin ito.

'Nooooo...' Patuloy sa paghagulgol si Kathryn habang pilit siyang inaalo ng ina.

'Ssshhhh... Sssshhhh... Tama na anak. Tama na...'


'Mama...' Tawag ni Kathryn sa ina. Her head was rested beside Kath's and she can hear her mother murmur. 'Mama...' Ulit ni Kath habang marahang tinatapik ang pisngi ng ina.

Min opens her eyes and was welcomed by a little smile from her daughter.

'Kath...' She slowly straightens up, rubbing the sleep off her eyes.

'Sorry for making you worry.' Kath apologizes, getting teary eyed. 'Sorry Ma...' And she eventually cries.

'Ssshhh...' Pagpapatahan niya kay Kath. 'Huwag mo nang alalahanin yun. Mahalaga okay ka at ang baby niyo ni DJ. Tama na.'

Tumango lamang si Kathryn ngunit patuloy pa rin ang agos ng luha niya sa kanyang pisngi.

'Alam na po ba ni DJ?' Tanong niya.

'Tinawagan ko si Karla kanina. Sabi ko, sabihin na lang din kay DJ kesa sa iba pa niya marinig.'

'Baka nag-aalala na siya. Ayokong nag-aalala siya.'

And right there and then, her cellphone which was inside her mom's bag rang.

'Hello?' Sagot ni Min.

Iniabot niya agad sa anak ang telepono matapos mabatid kung sino ang nasa kabilang linya.

'Babe...' Iyak ni Kath matapos marinig ang boses ng asawa. 'Babe, wag mo na uulitin ha? Nag-alala ako. Akala ko.. Akala ko..' At tuluyan na siyang humagulgol.

'Kath.' Mahinang sabi ni DJ habang pinipigil ang sarili na maiyak rin. 'Sorry. Sorry talaga. Ikaw ang inaalala ko e. Ok ka na ba? Buti hindi kayo napaano ni DJ II. Nung sinabi ni Mama na na-ospital ka, talagang nangatog ako. Sorry na love ha? Sorry na talaga.'

'I love you J.. I love you very much. Punta ka na uli dito please? Please?'

'Sabihin ko kay Tita Luz. Pipilitin kong mag-leave. Ayaw ko nang mahiwalay sa'yo Kath. Mahirap. Mahirap.'

Tumango tango si Kath habang kinakausap ng asawa. Patuloy din siya sa pagpunas ng mga matang hindi tumitigil sa pagbuhos ang luha.

'Gusto ko sa tabi na kita lagi. Dito ka na lang.'

'Oo. Susunod na ako dyan. Wag kang mag-alala ha? Kalma ka lang dyan ha? Alagaan mo ng mabuti ang baby natin.'

Muling tumango si Kath kahit hindi nakikikita ng kausap.

'Mahal na mahal ka namin ni Baby. I love you. I love you.'

'Mahal na mahal din kita. Don't worry. Sasamahan din kita dyan. Konting panahon lang. Konti lang.'

***********

The next day, tabloids were swarmed with issues of DJ's alleged suicide attempt and Kath's false miscarriage.

'Ang sakit sa ulo.' Kamot ni Mr. M habang tinitingnan lahat ng issue na ibinabato sa dalawa sa top moneymaker ng Star Magic.

'Damage control na 'to Sir.' One of his staff suggests.

Tumango si Mr. M.

'Yung bala natin. Yun na lang ang natitira. Ilabas na natin bago pa tumulak pabalik ng Alaska si DJ.'

**************

***AUTHOR'S NOTE***

Hi!

#WattyLangItey

:D

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now