LIHAM

20 2 1
                                    


Tahimik at mapayapang buhay ang gusto ko

Walang ibang pinoproblema kundi mga away lang ng mga magulang ko

Panlalait ng ibang tao

Sumasalim na sa akin na ako'y hindi nila gusto

Nagtatago gabi-gabi

Hinihinaan aking mga hikbi

Ako'y hindi nag-aatubili

Upang ang iba ay di ko mapapabungkal na parang sili

Laging nasasaktan at naiiwan sa ere

Kahit kailang di nakuha ang gusto kong kapayapaan

Ako'y sumasabay nalang sa hele

Gumagawa ng paraan upang reyalidad ay matakasan

Ngunit isang araw ika'y dumating

Inis ko sayo'y tumatagingting

Mapang-asar na mukha, parang abnormal

Pag nakita ka ako'y nasasakal

Di tumitigil pag di ako nakikitang umiiyak

Pagkatapos humihingi rin pala ng tawad

Minsa'y mag-iiwan ng papel na sa loob ay may sulat

Mga salitang kahit kailan di ko maipaliwanag

Pero di ko inaakalang masasanay rin pala

Hahanap-hanapin ko ang iyong presensya

Ako ba sayo'y nahuhulog na?

Ngunit bakit isang araw di na nagpaparamdam

Mapang-asar kong kaklase nasaan?

Walang kahit anong bakas ang iniwan

Malibang nalang sa isang nakatuping liham

Liham na nagsasaad:

Mahal ko, ako'y umalis na

Kasama ang aking pamilya papuntang Amerika

Di na ako nagpaalam, pasensya na

Pero sana'y wag mong kalimutan

Wag itapon lahat ng aking liham

Liham na nagpapahiwatig ng aking pagmamahal

Pagmamahal na walang hanggan

  [PLAGIARISM is a crime]  

POEMSWhere stories live. Discover now