PAGSUKO

40 2 0
                                    


M

ahirap mang sabihin, ngunit kailangan kong gawin.
'Di na alam kung sa'n patungo ang ihip ng hangin.
Liwanag nagdilim sa pusong noo'y mabituin.
Sa pagtakbo ng oras, naglaho na ata pag-ibig mo't paningin

Akala ko'y papatungo na sa simbahan,
yun pala'y papabagsak lang sa hagdanan, kung saan—
dulot ay sugat nalang palagi, puso'y nagiging sawi.
Ako'y nagmamahal pero nasasaktan lang sa huli.

Susubukan kong lumayo, susubukang makalimot.
Sa nagdaang panahon, sa isa't-isa tayo'y nangako
'Di na mapigilan damdaming nasasaktan
'Di na maintindihan, pag-ibig mo ba'y lumisan
Tulad ng pangako mong unti-unti naring binibitawan

Mahirap mang gawin, pilit na lilimutin—
isang tulad mong sa puso'y kailangan ng alisin.
Kakalimutan ang lahat at susubukang bumitaw;
nakakalito man dahil gusto ko'y tanging ikaw.
Pero lahat ng sakit na ito'y idadaan nalang sa sigaw

Hanggang dito nalang ang lahat,
pagsasamang nagwakas ng tapat.
Susuko na ako, ngunit huling mensahe:
Sa lahat ng panahong nakasama at natutunang mahalin ka
At napagtantong marami pa palang iba, 'di ko lang nakita.
Love is indeed blind nga naman talaga.

Pero ito lang ang aking hiling na sa susunod mong iibigin—
'wag mong paiyakin at paasahin gaya ng ginawa mo sa'kin.
Pangako hindi kana guguluhin gaya lang ng hiling mo.
Ngayon, kasama ko ay ang paglimot at ang pagsuko

Salamat nalang sa mga masasayang alaala.

Ako ngayon ay bibitaw na kaya mahal, ingat ka.

  [PLAGIARISM is a crime]  

POEMSWhere stories live. Discover now