The island has something on it, kung hindi ako nagkakamali ay para itong isang napakalaking palasyo, a modern one, kung saan nakapalibot ang mangilan ngilan na gusali at naglalakihang puno. Kung ililibot mo ang paningin mo ay wala ka nang makikitang bakas ng karagatan dahil sa lawak ng sakop ng lumitaw na tila isla.

Nakakamangha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakakamangha. Paano nila nagawa ang lugar na ito?!

"W-Where are we?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Karius ngunit ipinagsawalang bahala lang ako nito pag katapos ay nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit niya.

Namamangha man gaya ng iba ay ganoon na din ang ginawa ko. Mababaliw ata ako kakakausap sa sarili ko kung si Karius ang lagi kong kasama.

"Line up, players." Isang babae maikli ang buhok ang sumalubong sa'min ng makababa kami ng barko.

Hindi maalis ang tingin ko sa mga lalaking nakapalibot sa kanya, nagmimistulang kawal ng islang ito ang mga lalaki sa dami nilang nagkalat sa lugar pero ang ikinabigla ko ay ng maalala ko ang suot nila-- gaya ng suot ng mga lalaking humabol sa'min noon.

Ang kaibahan lang ay mukhang wala namang masamang gagawin ang mga ito, sa ngayon.

Baka naman nagkataon lang na pareho lang sila ng kasuotan? Sabi kasi ni Eros ay hindi parte ng laro ang mga lalaking 'yon kung hindi alagad ni Serpentin.

Now who's Serpentin?

"Your inner thoughts were so loud, can't help but to read it."

Napapitlag ako ng may marinig ako na boses mula sa utak ko. Mabilis kong nilingon lingon ang paligod pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"You won't see me yet, but nice to finally meet you again, lady."

"W-Who are you?" I tried to answer him using my mind.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, this place was familiar yet so untrue.

"You can even talk to me in an instant. No doubt was it's you. I'm Wave, At your service." Huling sabi nito dahil ng subukan ko pa itong kausapin muli ay wala na akong nakuhang sagot mula dito.

Kilala niya ba ako? Ano bang mga kababalaghan itong napapasok ko? Things were getting creepier as time goes by. I even have a conversation with a stranger using telepathy.

Good, God. What's happening to me?

Nawala ang mga iniisip ko ng mapasok na namin ang pinakamalaking gusali. Halos makalaglag panga ang mga makikita sa loob.

Who would have thought that there is a paradise under the sea! Paradise is an understatement because of how beautiful this place is.

Nang nakababa kami sa tinatawag nilang level one ay pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang malaking aquarium, lahat ng nilalakaran namin ay puro salamin na aakalain mong naglalakad ka sa ilalim ng dagat.

Nang nakababa kami sa tinatawag nilang level one ay pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang malaking aquarium, lahat ng nilalakaran namin ay puro salamin na aakalain mong naglalakad ka sa ilalim ng dagat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung tutuusin ay may mga naimbento na rin na ganito, pero iba ang isang ito. Para itong isang palasyo kung saan lahat ay nandito na--no. Para itong isang malaking nayon kung saan nandito na ang lahat, ang kaibahan lang ay nakatayo ito sa gitna ng karagatan. Hindi makakagawa ng ganitong kaganda ang normal na tao, it needs a peculiar to create this kind of place.

"We are now at the level one of Aquanta. This palace consists of five enormous floors which we call levels one to five." Panimula ng babae ng huminto kami sa pinakailalim ng lugar, kung hindi lang makakapal ang mga salamin na nakapalibot ay magtatatakbo na ako sa takot dahil sa ilang pating ang nag i-iikot sa gilid ng dinadaanan namin.

"Level one, ibig sabihin, dito magsisimula ang unang parte ng laro. The room has the ability to change it's own location anytime, depende sa gugustuhin ng nakakataas. Kaya huwag niyong mamaliitin ang lugar na ito. He can bring hell here, if he want to." May halong babala ang huling salita ng babae na parang maging siya ay natakot sa sariling sinabi.

This game is creeping me out, parang ngayon palang ay gusto ko na umatras, pero hindi. Para sa mga taong mahal ko, kakayanin ko.

"Attention players please look at your cellphones, all of the information are now listed there, the game will start in an hour, good luck." Halos kilabutan ako sa lamig ng boses ng nagsalita, tila ba pinapahiwatig nito na hindi basta basta ang magiging simula ng laro.

It's now or never Levi.

Nanginginig na binuksan ko ang cellphone ko ng tumunog ito, and everything that is written in it made me tremble in fear even more.

. . . .
Pag pasensyahan niyo na ang kalikutan ng isip ko at baka nababaliw na kayo sa every update ko haha. Konti nalang irereveal ko na ang sagot isa-isa.


Anyway, kung makapag update ako parang wala akong finals bukas haha. Wish me luck, guys.

Pag walang update bukas, alam niyo na, HAHAHAHAHAHA. Joke. Ayan ha mahaba haba ulit itong update kahit papaano. Lab ko kasi kayo kahit hindi niyo ko lab.

Kindly leave some comments on the section below, share your thoughts!

U N E D I T E D.
Wrong grammars and typos are present in this chapter.

(Nasa likod kasi ako ng bus habang tinatype ko ang chapter na ito kay sorry kung may lalabas na alien word hahaha)

Sabi niyo gc gawin ko, hahaha may sasali ba? Nakakahiya kasi gumawa. 😂

Credits to the rightfully owners of the pictures I've used.

❓❔❓
May hula na ba kayo kung ano ang mga mangyayari sa susunog? like naiimagine niyo na ba ang mangyayari sa level one? 😱😂

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon