"Na-miss kita!"

"Ako rin, Ma'am. Inampon po ako ni Sir Yves noong nag-resign ako sa network. Sobrang bait po ni Sir, hindi niya po ako ni-stress. Walang – wala po siyang stress na binigay sa akin during my stay here. Sobrang bait niya po!"

"Okay." Sabi ni Lauren. Pinanlakihan ko naman ng mata si Danica saka sinenyasan na umalis na siya. Sumunod naman siya pagkatapos ay naiwan na kami. Nang umupo siya muli ay nakangiti na ako.

"Cool, nandito na si Danica. Mabait siya no?"


"Oo naman."

"Ang weird ng ngiti mo. Para kang si Donding daga na naman." Komento niya. Biglang na-freeze iyong ngiti ko tapos ay tumitig ako sa kanya. "Ay, si Kuya napikon. Joke lang iyon. Kain na you." Sinubuan niya ako ng carbonara. Tumawa na naman ako.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nang matapos ay inaya ko siyang maglakad sa dalampasigan. We were still talking.

"Buti, nakauwi ka pa rin." I told her.

"Kahit naman saan ako makarating, uuwi at uuwi pa rin ako."

I looked at her.


"Siyempre, Pinay ako. Mahilig ako sa sinigang!"

"Oo, aasim naman tyan mo." Sabi ko bigla. She giggled


"Yves, I'm so glad we're like this. Na-miss kita.

Napahinto ako.

"I missed you too."

We just looked at each other.

I was feeling the moment when I suddenly heard someone saying.

"Tang ina mahina. Punyeta kasi."

I looked and saw Mariah. Irap na irap siya sa akin.

xxxx

Sa cottage namin ni Mariah nag-stay si Lauren. I was booking for a VIP hotel suite for her pero sabi ni Mariah ay hindi pwede, peak season daw kasi ngayon at bawal ang libre. Akon a ang nagdala ng gamit niya sa cottage namin. Nadatnan ko siyang nanonood ng tv kasama si Mia Cara. Si Mariah naman ay nagkakape.

"Oh, nandito na ako. Akyat ko na ito sa kwarto ninyo." Sabi ko kay Mariah. She looked at me.

"Ano? Hindi no. Hindi kami kasya nila Lauren sa taas. Ang sikip ng kama namin ni Mia Cara!"

"Pwede naman ako sa sahig." Sabi ni Lauren.

"Hindi no. Bisita ka. Diyan ka matulog sa kwarto ni Yves. Ang laki ng kama niya. Okay? Nak, lika na, sleep na tayo. Bukas Jessie the cow girl naman ang costume mo. Say goodnight to them."

"Goodnight po, Tito. Tita."

Tumalikod na silang dalawa. I was just looking at them. Malaki iyong kama ni May Laurence. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang damot talaga noong babaeng iyon.

"Pwede na ako dito sa couch." Sabi ni Lauren sa akin.

"Hindi. Doon ka sa kwarto. Malaki naman iyong kama. You can stay there."

"Paano ka?"

"Malaki naman iyong couch." Sabi ko. Napatitig lang siya sa akin tapos ay ngumiti. Kinuha niya ang gamit niya at pumasok na sa kwarto. Baka maliligo siya o kung anuman so I stayed in the living room, pinanood ko iyong pinapanood nila ni Mia Cara. Monster's University pala iyon. Nakakatulog na ako nang marinig ko siyang tinawag ako. Alangan akong pumasok ng kwarto. Bukas na iyong aircon tapos napansin kong may nakalatag na beddings sa sahig, iyong malapit sa may glass door.

Beautiful Traumaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن