Kapitulo Once

72.8K 3.6K 923
                                    


Ubos na

May Laurence Soria's

Inaya ko si Yves sa bahay. Noong una nga ay ayaw niya pang sumama pero ibinuyo siya ni Kuya Paolo. Hinintay niya lang akong makapagbayad sa cashier saka kinuha niya ang ga pinamili ko. Magkasabay kaming umalis sa grocery at sa condo kami tumuloy. Tahimik lang si Yves habang naglalakad kami, ako naman ay kinakabahan na hindi ko maintindihan.

Iba na kasi ang pakiramdam ko. Iba na siya. Ngumingiti siya pero hindi abot iyon sa mga mata niya. Sa unang pagkakataon sa buhay naming dalawa ay nakakaramdam ako ng takot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinasok ko iyong susi sa door knob saka binuksan nang maluwag ang pinto.

"Pasok ka."

When he got inside, napakunot ang noo niya. Alam ko agad kung bakit.

"Nag-renovate ka." Matabang na wika niya.

"I just thought that I needed something new. Upo ka."

"Buti iyong couch hindi mo pinalitan." Komento niya.

"Hindi. Gusto ko iyong couch. Nagbawas saka nagdagdag lang ako ng wall décor. Saka nagpalit ng wallpaper. Tubig?" I asked him.

"Hindi na."

"Gutom ka ba? Gusto mo bang magpa-deliver?"

"Hindi. Ayos lang naman ako." He said. Tumalikod ako para ilagay iyong pinamili ko sa ref. Tumulo ang luha ko. Nanginginig iyong buong katawan ko.

"Nga pala, nagsend ng sched mo sa akin iyong staff mo sa show, Lauren, nagulat ako pero binasa ko pa rin. Sorry. Sa Cambodia ka pala next week."

"Ha? Hindi ko pa alam. Baka ni-send na pero di ko pa natingnan." I was refilling the cupboards. Kinakabahan kasi talaga ako. "Sched mo ni-send rin sa akin ni Jackson." Tukoy ko sa assistant niya.

"Sorry, baka nasanay lang si Jackson."

I closed the cupboards and I realized that I never read his schedule. No matter whow many times he or Jackson sends it to me, I never read it. Kaya madalas wala akong ideya kung saan siya nagpupunta o kung anong ginagawa niya o kung sinong kasama niya. Kaya madalas kaming nag-aaway dahil doon kasi nga hindi ko inaalam iyong gawain niya.

I looked at him.

"Oh, bakit ka umiiyak?" He asked me. Akmang lalapitan niya ako nang itaas ko ang kamay niya.

"Be honest." I said. "Tutal friends tayo, and mas madaling magsabi ng totoo sa kaibigan kaysa sa karelasyon mo." I took a deep breath. "Saan ako nagkulang?"

"Ano?" He asked me. "We've been over this, May Laurence. Hindi na nga dapat natin ito pinag-uusapan."

"We lack of that." I told him. "We lack of talk. Kapag nag-aaway tayo, aalis ka, o aalis ako. Tapos susunduin mo ako tapos okay na tayo pero hindi natin pinag-uusapan iyong naging problema natin, Yves."


"Bakit ba? Okay na nga diba, so bakit pag-uusapan pa? Sayang iyong panahon."

Nakatingin ako sa kanya. He was so uneasy. Para bang hindi siya makatagal roon.

"Hindi natin dapat pinag-uusapan ito. Aalis na ako."

"No! You don't get to walk out this time." I told him. "Stay. We have to talk. We have to sort this out."

"Bakit? If we sort this out, babalik ka na ba sa akin? Kung hindi, 'wag mo naman akong paasahin kasi sa totoo lang, May Laurence, hanggang ngayon, masakit. Pero okay lang, wala ka namang kasalanan. It's my fault you lost your trust."

Beautiful TraumaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant