Kapitulo Tres

93.6K 3.5K 738
                                    

This is it!

May Laurence Soria's

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

May Laurence Soria's

"Reunion naming uhm six months from now, Ma."

It was a Saturday morning at nasa bahay ako ng parents ko. My two sisters were there, si Ate Molly saka si Ate Monica Claire. I was just eating with them. Maaga akong inihatid ni Yves kanina. Uuwi daw kasi siya sa farm nila kasi may nangyaring hindi maganda sa kuya niya. Adulting daw muna kaming dalawa. Niloko ko pa nga siya kasi sabi ko sa aming dalawa siya iyong hindi adult. Siya kasi iyong nambababae.

Ayun, napikon na naman sa akin pero hindi niya ako hinamon ng break – up ngayon kasi alam niyang papayag ako. Takot rin iyon kahit paano sa akin. Medyo napapanatag na ako dahil isang buwan na halos nong maging okay kami pero hindi ko pa siya nahuhuling may kalandian sa text. Kahit ba text lang iyon, siyempre nasasktan ako. Pero kaya ko siyang tanggapin ng paulit – ulit kasi mahal ko talaga siya.


Ilang beses na akong sinabihan ni Mama at nila Ate tungkol kay Yves pero sa daming iyon, puso ko pa rin ang pinakikinggan ko. Naniniwala ako at alam ko na magbabago siya. Nakikita ko naman iyong effort niya, inaalagaan niya ako, mahal niya rin ako kaya hangga't kaya ko iintindihin ko siya.

Tanga na kung tanga. Madalas akong hindi maintindihan ng mga tao sa paligud ko – ang sabi ko na lang sa kanila, hindi nila ako pwedeng husgahan dahil hindi naman sila ang nasa sitwasyon ko.

"Ako iyong mag-aayos kasi ako iyong president ng batch saka class namin."

"That's good." Sabi ni Ate Monica Clair. "Saan mo sila dadalhin, bunso?"

"I was thinking of Bataan. Nag-enjoy talaga ako noong nag-shoot kami roon. Ate Mols, nakarating ka na roon?"

"Hindi pa." She said. "But one of these days makakarating rin ako roon. Kamusta ka na ng apala, are you dating?"

Napatawa si Ate MC. "Ate, hanggang ngayon sila noong Yves Arandia. Para silang mga timang, break nang break, balik nang balik. Kinasal na ako at lahat, para pa rin silang mga bata."

"Love namin ang isa't isa." Sagot ko.


"Hangga't nambababae iyan, May Laurence, wala akong amor sa kanya." Sabi ni Mama. Napanguso ako. Alam ko naman iyong pagkukulang sa akin ni Yves, pinagtatanggol ko siya sa family ko pero ngayon hindi ko magawa kasi nga sapol na sapol ako.

"Hindi ka makasagot? Kasi nga totoo. Sana naman May, matino ang lalaking makuha mo. Si MC matino ang asawa, si Ate Molly mo, matino naman si Luis. Pinakawalan pa. Ikaw, mukha lang matino iyan pero gago pa rin."

"Ma naman ih." I said. Ngumiti si Ate Molly sa akin.

"Ma, hayaan ninyo na. Mga bata pa naman sila. Pasasan ba at malalaman rin nila kung anong dapat nilang gawin."

Beautiful TraumaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz