Kapitulo Nueve

78.1K 3.2K 712
                                    

Development

May Laurence Soria's

I had a day off the next day. Three days kaming bakasyon and I really want to spend the time with my family. Iniwan ko muna iyong condo saka ako nagpunta sa bahay namin. When I got there, paalis na sila Ate Molly kasama si Ate MC at si Meagan pati na rin iyong dalawang bata at si Kuya Dio.

"Saan kayo pupunta?" Pasakay na sila sa van nang bumaba ako ng kotse.


"Sa La Union. Iche-check namin iyong resort ni Yves." Sabi ni Ate Molly. "Overnight na rin kami. Sama ka?"


"Wala akong dalang damit." Sabi ko na lang.

"Papahiramin kita. Tara na." Sabi niya. Napatingin ako kay Mama. Tumango siya tapos ay para bang itinataboy ako.

"Sumama ka na para may date time kami ng Papa ninyo, dali! Ingat sa pagmamaneho ha! Dio, dahan-dahan lang."

"Yes, Ma. Ingat din kayo."

We rode the van. Nasa unahan seat ako kasama si Ate Monica Claire. Iyong mga bata nasa likod.

"Nasaan si Kuya?" I asked Ate MC.


"May out of town. Team building daw nila. Iniinggit ko nga kasi sabi ko magbi-beach kami wala siya."

"Mommy, excited po ako!" Sabi ni Castle na nasa likod. Lumingon naman si Ate Molly.

"I am too, baby, but you have to seat okay."


"Castle makinig kay Mommy, ha."


"Yes, Daddy."

"Cassandra stop bullying your brother."

"This is no fun." Cassandra said. Napangiti naman ako. Hindi pa kami lumalabas ng Metro pero pamilya na pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Huminto kami sa bahay nila Yves. Nakita ko agad siya sa may gate, naghihintay. Kausap niya si Mcbeth, nagbabatukan pa nga sila.

"Sasabay siya? Bakit hindi ninyo sinabi? Hindi ko nasabi kay Gael ito."

"Ay bakit?" Tanong ni Ate MC. "Bagong jowa mo lang iyon saka this is purely business. Saka diba hindi naman niya alam na jowa-jowaan mo iyang si Yves? Okay lang iyan." Sabi ni Ate MC sa akin. Napabuntong hininga ako.

Nakatingin ako sa kanya. Ilang buwan na ba? Six months tapos three months ago iyong sa resort. Bale nine months na kaming wala, lagpas na lagpas na kami sa binabanat niyang three month rule. Natawa nga ako sa sarili ko noong una – una akong nakikipagdate, hinihintay ko siyang mag-pop out na lang bigla pero hindi nangyayari.

Binuksan iyong pinto ng van.

"Hi." Bati ni Mcbeth. Si Yves ay nakikipag-usap pa kay Tita. Nakasaklat oar in siya tapos may cast pa rin iyong isang paa niya.

"Dito ka na lang kasi muna." Sabi pa ni Tita.

"Ma, kailangan ako sa resort. Uuwi ako sa Saturday, birthday mo, dadalhan ka namin ni Mariah ng malaking alimango." Di ko alam pero napasimangot ako. Hindi ko na lang pinahalata.

"Sige na, alimango lang, ayoko sa Mariah na iyon." Bigla naman akong napangiti – as in sobrang wide.

Hinalikan ni Yves ang Mama niya sabay harap sa van. I caught my breath. Ang gwapo niya ngayon. Nakakainis kasi tapos ngiting – ngiti pa siya."

"Morning." He greeted us.

"Morning din." I whispered.

"Ay teka!" Sabi ni Ate MC. "Tatabihan ko na iyong mga bata sa likod at baka makatulog ito, malayo ang La Union."

Beautiful TraumaWhere stories live. Discover now