Kapitulo Ocho

80.2K 3.2K 1K
                                    

Normal

May Laurence Soria's

"I had fun tonight, Gael. Thank you very much."

Ngumiti si Gael sa akin. Alas dos nang madaling araw nang iuwi niya ako sa condo. Sa lobby na lang niya ako ihahatid kasi uuwi pa raw siya ng La Union dahil kailangan siya doon sa negosyo niya bukas. I am very thankful. Ilang oras rin akong tawa nang tawa dahil sa kakulitan niya at ng bandmates niya. Parang college pa rin sila kung kumilos. Kilala ako noong ilan sa kanila, napapanood daw nila iyong tv show ko.

"Thank you rin kasi pumunta ka, na-inspire ako, masyado." He smiled. "Uhm, May, iyong tatanong ko sana. Kung pwede na ba akong manligaw?"

Tinitigan ko siya. Hinawakan ko iyong kamay niya at pinisil iyon.


"Wala naman kaso kaya lang binabalaan kita, kaaalis ko lang sa isang sobrang haba at gulong relasyon."


"Marunong naman akong maghintay."

Napatango ako. He smiled widely. Hinalikan niya ako sa noo at inihatid sa elevator. I waved him goodbye. Nakarating ako sa unit ko at saka naupo sa couch. I took out my phone, Naka-apat na missed calls si Mommy, si Ate Molly ay mayroon din. Si Ate MC ay nagsend lang ng pictures ni Meagan sa fb. Napangiti ako. Binuksan ko na lang iyong tv, hindi ako inaantok. Actually, hindi ako mapalagay.

Pinatay ko rin iyong tv tapos ay tinawagan ko si Spica.

"Nasaan ka?" I asked her.


"Nasa kandungan ni Calimbao, pero chos lang iyon. Nasa Olongapo kami, may outreach kanina, inip na nga ako dito. Kasama ko si Daddy bawal mag-inom." Natawa naman ako sa mga sinasabi niya. "Buti tumawag ka. Jusko, kaunti na lang gagapangin ko na si Calimbao. Iniisip ko nga kung paano ko mavivideo iyong sex namin."

"Pikang seryoso ka ba diyan?" I asked.


"Lintik lang ang walang ganti. But anyway, enough about me. Kamusta ka na?"

"Okay naman ako. Iyong pasalubong mo galing SoKor nandito na."

"Okay ka? Talaga? Ooperahan daw si Yves, tapos okay ka? Wow. Wow na wow! Amazing! Naka-move on ka na talaga! I'm so happy for you!"

Tinapos ko iyong tawag ni Spica. Alas tres nang madaling araw. Hindi naman ako papasukin sa ospital ngayon. Pero iniisip ko kung bakit siya ooperahan. Alam kong na-ospital siya. Pinipigilan ko lang iyong sarili kong magpunta doon kanina kasi wala naman akong karapatan pero ngayon, hindi pwedeng hindi ako pupunta.

Hindi ako mapakali. Tinawagan ko si Ate Molly.

"Yes, Lauren, what's wrong?"


"Bakit ooperahan si Yves?" My sister is best friends with Yves' brother, Paolo. Ngayon ko nga lang nalaman na magkapatid sila samantalang matagal ko nang alam na may kapatid siyang Paolo.


"Oh, ang kwento ni Paolo nahulog daw sa bangin si Yves." Bumukal iyong luha ko. "Nagba-bike daw kasi siya, nag-alanganin, so nagtuloy – tuloy siya. It took the rescue men three hours to pull him up. Okay naman na siya kaya lang iyong binti niya na-dislocate."

The next thing I knew, iyak na ako nang iyak. Mugtong – mugto ang mga mata ko hanggang kinabukasan. Naligo naman muna ako saka ako nagpunta sa ospital. I texted Pia pero hindi siya nag-reply agad kaya tumawag ulit ako kay Ate.


"Saang floor siya? Anong oras siya ooperahan."

"Third floor, Lauren. Alam ko mamaya pa siyang eight."

Beautiful TraumaWhere stories live. Discover now