Kapitulo Trece

84.6K 4.2K 1.9K
                                    


It's on

May Laurence Soria's

"Hindi ka man lang ba uuwi para sa kasal ng ate mo?"

Tumingin ako sa monitor ng laptop ko only to find Mama with that ridiculous look on her face. I smiled at her.

"Uuwi ako, Ma. Nag-file na po ako ng leave, by next week nasa Pinas na po ako."


"Good. Akala ko kasi pati iyon hindi mo papansinin." Umismid si Mama. Natawa naman ako. Siguro hanggang ngayon nagtatampo siya dahil hindi ako nakauwi noong fortieth anniversary nila ni Papa. Hindi ko naman gustong hindi ako makauwi. May hurricane noon dito sa L.A. at bilang kasapi ng news team, kailangan kong magtrabaho. Kung tutuusin ang dami ko nang moments sa pamilya ko na na-miss ko but I would never miss this moment. Gusto kong makita si Ate Molly na ikakasal. We all thought it would never happen kaya nga nang malaman kong tuloy na tuloy na, inalam ko agad ang date para makapag-leave ako at nakauwi.

"Ma, h'wag ka nang magtampo." Sabi ko. "Uuwi na ako. Makakasama mo na ulit ang baby mo." Tumawa ako habang kausap siya. Napansin kong hindi na siya nakatingin sa akin. May iba na siyang ginagawa. "Ma, huy!"

"Shhh! H'wag kang maingay, may pino-post ako sa group!" She said. Napakunot ang noo ko

"Anong group? Sali naman po ako." Sabi ko.

"Hindi pwede ang pabebe doon. Siya, sige, magpahinga ka na at may video call session kami ng mga ka-group ko. Bye, Lauren. Ingat ka diyan. Love you."

"Ma!" Sigaw ko pero nag-end call na siya. Napanguso ako. Sino naman kayang ka-group ni Mama at may session pa sila? Baka naman online mahjong ang ginagawa nila. Napailing ako. Iba na talaga ang parents ngayon.

I stayed in front of my table, thinking what to do. Hindi pa kasi ako makatulog kaya naisip konng mag-facebook muna. Ang tagal kong hindi naka-pag-fb kasi nga super busy ako sa work. Tiningnan ko lang iyong newsfeed ko. Nakita ko iyong status ni Spica.

It's on again.

What does it mean? Nagkibit – balikat ako. Mag-scroll down na sana ako nang mapansin kong nag-comment si Mcbeth.

Still on the same team no, Pikang?

What are they talking about? Binasa ko iyong comments sa thread.

Paolo Arandia. Pia, tayo pa rin sa same team?

Pia Marquez – Arandia. Yes, Kuya P. I badly want that prize.

Mcbeth Lemuel Arandia. Ako na lang magdadala sa'yo doon, Bi, tapos fourth honeymoon natin.

Mariah Carina. Akin ang huling halakhak.

Hindi ko natis na hindi sumali. I felt so curious about what they were talking about. Nag-comment rin ako.

M. Laurence Soria. What is happening?

Nagreply naman si Mcbeth.

Mcbeth Lemuel Arandia. Hi, Lauren, musta diyan?

Okay naman dito. Anong meron? Sali ako?

Paolo Arandia. Hindi na pwede. May boyfriend ka na diyan?

Clarita Sihurano – Arandia. Ginawang chat box ang thread. Yves Laurence Arandia.

Napakunot ang nook o nang i-mention ni Clarita si Yves. Ano bang meron? Clueless ako. Maya-maya ay nag-comment na rin si Yves.

Yves Laurence Arandia: Ano ito?

Beautiful TraumaWhere stories live. Discover now