Meet the team

8.3K 108 2
                                    


Den's P.O.V

Badtrip. Badtrip talaga. Super hassle lang. Late na ako. Late na kami. Eto kasing kapatid ko e. Napakakupad kumilos.

Den: Baka gusto mong bilisan magdrive jan. Kasi sa pagkakaalam ko late na tayo.

Jia: Alam ko rin yan. Pero wag mo akong tarantahin kasi baka mabangga tayo.

Den: kasi naman ikaw. Napakakupad mong kumilos.

Jia: excuse you. Sino kaya satin ang matagal magligo at magbihis? Aaah. Ikaw.

Den: badtrip.

Jia: Badtrip ka din!

Arghh. Tingnan mo to. Sasagot pa. Ayaw talaga magpatalo. Isusumbong ko to kay Daddy haha. Well, wag na kayong magulat ha ganyan talaga kami. Aso't pusa palagi, magkapatid pa man ding naturingan - Half sisters to be exact. When my mom left us for the states, siniwalat niya lahat ng dark secrets ni Daddy at isa na dun si Jia. Anak siya ni Dad sa dati niyang business partner. Tinago sakin for 7 years pero nalaman ko rin. Noong una, i'll admit I was so mad pero naging okay din naman atleast meron akong personal bodyguard.

Sakitin kasi ako dati, hikain pa kaya sabi ni Daddy, mahalin ko raw si Jia kasi siya ang tagapagbantay ko. Totoo naman, lagi kaming magkasama niyan, hindi kami close though pero lagi naman siyang nanjan kapag kailangan ko siya. She's a bit weird - loner lagi ang peg. Ewan sa sobrang talino nababaliw na ata minsan. At ewan ko rin, sa dami dami ng mga common likes namin, bakit hinding hindi kami magkasundo.

Jia: Baka gusto mong bumaba na ng sasakyan. Kasi nga sa pagkakaalam ko ay late na tayo.

Hindi ko namalayan, nandito na pala kami. Ang daldal ko kasi e. Pinauna ko na si Jia. Bilang rookie siya, alam kong hindi siya papagalitan masyado ni coach. Ako naman, magiipon muna ng lakas ng loob. Nakakaramdam ako ng matinding galit mula kay coach.

FF.

Eto na ako sa may mga bleachers. Tanaw na tanaw ko ang masamang tingin ni Coach Roger sakin. Pati si Ate Dzi, ang team captain, napa iling nalang.

Coach: Lazaro.

Den: coach. Sorry talaga. I am really sorry.

Coach: Okay.

Den: Okay?! Hindi ka galit?

Hindi niya pinansin yung tanong ko. Basta sinabihan niya akong magwarm up then sumali daw ako sa mga teammates ko. May ipapakilala daw siya.

FF

After ko mag warmp up, lumapit ako kay Ella, ang bestfriend kong paramg hindi.

Den: Si Jia?

Ella: Hmmm... Ayun o. Si coach Parley daw ang magfafacilitate ng tryouts. May ipapakilala daw satin si Roger.

Den: Oo nga, Sino kaya.

Naghulaan kami ni Ella ng biglang tinawag ni Coach ang atensyon namin. Ayan na yung ipapakilala niya...

Shit! Sino naman tong napakagandang babae na to? Ngiti palang ulam na. T-teka. Kilala ko siya.

Coach: This is Alyssa Valdez. Your new teammate.

Pucha. Sabi na nga ba kilala ko to e. Si Valdez nga. Crush n crush na crush na crash ko kaya siya. Highschool palang kahit mejo pangit pa siya nun. Sobrang galing kasi niya maglaro at friendly pa. Tangina, ang hot na niya ngayon... Kilala pa kaya niya ako?

Aly's P.O.V

HEAVEN! Sabi na nga ba tama yung desisyon kong lumipat ng Ateneo e. Nandito si Dennise. Siniswerte ka nga naman o. Highschool palang, gandang ganda na ako sa kanya. Mejo patpatin pa siya noon pero crush ko talaga siya e. Sobrang ganda kasi niya, magaling pa at balita ko matalino din daw. Kaya ayun, mejo nahulog ata ako sakanya. HEAVEN talaga!

More than teammatesWhere stories live. Discover now