"Seryosong usapan," kalmado namang tanong Ofelia na siyang dahilan upang umayos ako ng upo. "Ba't ngayon parang 'di mo nakikita ang asawa mo?"

Natigilan ako at bahagyang napayuko. Narito na naman kasi ang mga luhang nagbabadyang kumawala.

Nakagat ko ang ibabang labi sa pagdadalawang isip na sumagot ngunit hindi ko rin naman napigilan ang aking bibig. "He's still mourning for his loss. I am, too. Binibigyan lang muna namin ang mga sarili namin ng panahon para matanggap ang nangyari."

"At hanggang kailan?"

"Hindi ko alam."

Naramdaman ko ang maiinit na palad na pumatong sa likod ng aking kamay. Nang bumalik ang tingin ko sa mga kaibigan ay nasilayan ko ang tipid na ngiti ni Nita.

"Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niyo dapat binibigyan ang sarili niyo ng distansya. Hindi niya man sabihin ay kailangan ka niya ngayon. Asawa ka niya at ngayong wala na ang kanyang mga magulang, ikaw na lamang ang tangi niyang masasandalan," sambit ni Nita.

Pero siya mismo ang nagsabi, hindi man direktang nakalahad, na hindi niya ako kailangan dahil hindi ko naman siya naiintindihan. Gusto ko iyong sambitin ngunit natauhan ako nang tuluyang lamunin ng mga salita ni Nita ang aking isipan. She hit the point. Aaminin kong dahil sa mga pag-aaway namin ni Miro nitong nakaraan ay tila nawalan ako ng pasensiya at naging sarado ang isipan sa mga positibong bagay.

Pagkatapos ang medyo mahabang usapan ay nagpaaalam na ang apat sa akin dahil may duty pa daw sila sa umaga. Ako naman ay on-leave. Hindi ko alam kung sinong pumalit sa akin ngunit pinagbigyan ako ni Sir Wade sa nirequest kong ten days leave.

Hinatid ko ang aking mga kaibigan sa labas ng gate at pumara naman ng taxi si Kris. Nauna na sina Ofelia sa loob.

"Iyong sinabi ko..." makahulugang paalala ni Nita bago tuluyang sumakay.

Nang umabante na ang sasakyan palayo sa aking kinatatayuan ay pumasok na akong muli sa bahay. Lumingon ako sa direksyon ng mga kabaong ngunit wala na si Miro doon. Ang auntie na lamang niya ang nagbabantay.

"Si Miro po?" magalang kong tanong.

"Pinagpahinga ko muna sa kwarto niyo. Mukha kasing makakatulog na iyon dito."

Napatango na lamang ako at nagpaalam na ring papasok muna sa loob ng aming silid. Nadatnan kong nakahiga si Miro sa kaliwang bahagi ng kama. Ang braso niya ay tumatabon sa kanyang mga mata. Umuga ang kama nang humiga ako sa kanyang tabi ngunit wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya. It's either he's asleep or he just chooses to ignore my presence.

Ano man sa dalawa, isinantabi ko iyon sa aking isipan at humarap sa kanya. Ipinatong ko aking ang kamay sa kanyang dibdib. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng muscles ng kanyang katawan. Tila naninigas.

"Gising ka pa, alam ko." Lalo kong idinikit ang sarili sa kanya at hinigpitan ang yakap. "I miss you so much, Dy."

He did not respond, but I assume he heard me. Bumigat ang kanyang paghinga at ako nama'y isiniksik pang lalo ang katawan sa kanya.

"I love you, Miro."

I won't stop until I make him say a word. Lalambot din siya, alam ko. Kahit ano ang marinig ko mula sa kanya ay tatanggapin ko. Kahit pangalan ko lang ang sambitin niya, it would be enough. I just want to hear his voice.

"Daddy..." I chuckled, but had my lips pursed when I felt him shift a little to my side. Ngayon magkaharap na kami.

"Magpatulog ka naman, Jean," malamig niyang bulong at huminga nang malalim.

tender touchWhere stories live. Discover now