Inirapan ko naman siya at saka tumalikod sa kanya.

"Uy, sungit," he called but I didn't answer.

Naiirita ako ngayon at hindi ko alam kung dahil ba second day ko ngayon o dahil sa lalaking 'to. Pumunta naman ang tatlo sa couch kaya tiningnan ko sila nang masama. Those two were still clinging to him and I furrowed my brows when they kissed his cheek. Did they really miss him that much?

"Bakit di ka kiniss ni Ate?" tanong ni Czanelle at nabulunan ako nang marinig ko 'yon. Jazer couldn't answer her immediately as he was also caught off-guard by her question. Nagkatinginan naman kami at hindi ko alam kung paano i-e-explain kay Czanelle 'yon.

"We're adults," sabi ko naman. "We don't do that anymore when we miss someone," I said and I didn't have any idea where I pulled that crap.

"But Mom and Dad kiss when they miss each other," she innocently retorted.

"Iba sila," sabi naman ni Jazer. "Uhm . . ." Tumingin siya sa akin pero tumayo na ako para tumakas.

"Kaya mo na 'yan," I muttered as I hastily walked away from them.

Dumiretso naman agad ako sa kusina at napabuntong-hininga na lang sa nangyari. That kid's curiosity would be the death of me. Ang aga-aga, gano'n agad ang mga lumalabas sa bibig niya. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom para kalmahin ang sarili ko. Pagtingin ko sa sala, kinukulit pa rin si Jazer ng mga bubwit.

I felt my heartbeat getting faster and I realized this funny feeling was already getting out of hand. The thing that I dreaded the most was happening and knowing that I had no control over the situation scared the heck out of me.

For the past few weeks, it felt like something wasn't right. I didn't want to admit it at first but without him, this place seemed empty.

"Tapos ka na?"

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Masyado bang malalim ang iniisip ko para hindi siya mapansin na naglalakad papunta rito? Damn, I almost screamed again.

"What?" pagalit kong tanong.

"Pahiram," sabay kuha niya sa hawak kong baso.

Hindi agad ako nakapag-react. I just watched him as he refilled my glass with water. He drank it quickly and washed the glass right after that.

What the hell was that?

"Okay ka lang ba?" tanong niya at gusto ko siyang batukan pero tinitigan ko lang siya.

Okay? You just used my freaking glass! Pwede namang kumuha ng sa kanya, bakit kailangan 'yong sa akin pa ang gamitin?!

"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatitig?" sabay punas niya pa sa mukha niya pero napatigil naman siya at tumingin sa akin nang seryoso.

"What?"

"Na-miss mo ba ako?"

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakanganga dahil sa tinanong niya. Ang nakakainis pa, mukhang seryoso siya dahil nakatingin pa rin siya sa akin. But I held my ground. I shouldn't get flustered with his statement.

"Hah. Baka ikaw ang naka-miss sa akin," I countered and that made him smile. Damn it, stop smiling.

"Syempre naman," he said and he suddenly ruffled my hair. "Na-miss ko kasungitan mo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumalik siya sa sala habang ako ay naiwang nakatayo ro'n. I think I need another glass of water.


***

"So, you like him?"

"Gee, thanks, Captain Obvious."

Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon