12

603 30 0
                                    

FELECITY

NAKATAYO SINA Felecity at Xyril sa loob ng living area. Parehong may mga pasabog ang dalawang kampo. Si Xyril na mula sa nakaraan nito at siya na ngayon lang niya narinig. Dahil sa abilidad na hindi pa man napapangalanan ni Xyril, alam ni Felecity na may basehan ang mga sinabi nito sa kaniya – na siyang ikinabahala niya. May problema na nga siya tungkol sa kung sino ang pumatay sa kaniya tapos may bago na naman siyang problema.

Sumulat siya ulit. 'Bakit ako naging bad spirit? I can't understand!'

Pinakatitigan ni Xyril ang mga malalaking itim na tila pasa na nasa may kanang leeg niya, nasa dalawang braso niya, at nasa kanang pisngi niya. Ang mga ito lamang ang visible para kay Xyril dahil isa siyang kaluluwang nakasuot ng uniporme.

"I told you I am an heir, right? You also heard about the abilities to see the dead. Ang abilidad na makita ka, ang abilidad na makapasok ka sa aking katawan at makausap – they are the manifestations of me being an exorcist. Nabasa ko noong nasa ilalim pa ako ng Higashino Clan's main branch, ang tungkol sa mga bad spirits. Turns out, bad spirits were once a pure soul. But after staying too long in the living world – envy, greed, hatred, plunder – all these negative emotions turned them into bad spirits. Felecity, sa mga nabanggit kong katangian, may kahit isang naramdaman ka ba?" His tone felt like he wanted an honest answer from her.

Napakuyom ang mga kamay ni Felecity habang nakagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil sa pinipigilang emosyon. Hindi niya matagalan ang titig ni Xyril kaya napaiwas siya ng tingin dito.

"Naramdaman mo ito," mababa ang boses na saad ni Xyril nang mabasa nito ang kaniyang reaksyon. She switched her gaze back to him. Her red eyes pleading for him to help him, but couldn't utter a single word. She couldn't even write due to her corporeal fingers shaking like crazy.

Isang tango lamang ang kaniyang naging sagot bilang kumpiramsyon sa sinabi ni Xyril. Bumungtonghininga ang huli subalit nagtaka si Felecity nang mas lumapit pa ito sa kaniya kaya, on reflex, ay akmang lalayo sana siya rito nang mapagtanto niyang mas mabilis si Xyril. His right palm tried to touch her cheeks, but to no avail he could not touch her – tumagos lang ang kamay nito sa kaniyang corporeal form na ikinangiti ng malungkot ni Felecity.

Parang kanina lang ako 'yong nagsasalita upang pagaanin ang loob mo, Xyril. Now, you are extending your kindness to the very creature you hated – the ghostly me. Felecity mumbled in her mind as she watched him puffed a frustrated 'tsk' when he could not touch her.

What are you doing? Tanong ni Felecity sa kaniyang isipang nang mapansin niyang may kung anong kinuha si Xyril mula sa bulsa nito – isang phone – at inaabot nito ang phone sa kaniya na ikinapiling ng ulo ni Felecity sa pagtataka. "May pinsan ako na napakaiyakin katulad. I usually comfort her by giving her a hug, but I can't do that with you obviously. So hold this cellular phone." Napakamot ito sa batok na para bang nahihiya si Xyril habang nagpapaliwanag pero hindi pa rin nakuha ni Felecity kung bakit kailangan niyang hawakan ang phone nito.

Baka may ipapabasa siya sa kaniyang phone?

Sinunod niya ang sinabi ni Xyril at hinawakan ang dulo ng phone nito pero mas nagtaka siya nang hindi nito bitawan ang phone. Mas inilapit ni Xyril ang kamay sa kaniya pero sakto lang na hindi magtagpo ang kanilang mga kamay na nakahawak sa iisang phone. Sa halip ay parang silang magkahawak kamay. This is the closest that they can get – one phone connecting the world of the living and the dead.

"Not feeling alone, anymore?" Ang mga maiitim nitong mga mata na palagi niyang nakikitaan ng pagkailap ay kalmado ngayon. Kahit na namumula ang gilid ng mga mata dahil sa pag-iyak nito kanina ay hindi nito natatabunan ang sensiridad na ipinapakita para sa kaniya.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon