9

616 34 0
                                    

FELECITY


NAGLALAGABLAB ANG tingin ni Felicity sa mga dati niyang kaibigan. Nakaupo siya sa upuan ni Xyril habang nasa ilalim ng desk ang kaniyang mga kamay. Alam niyang dumudugo na ang kaniyang mga palad dulot ng malakas na pagkuyom niya. Kulang na lamang siguro ay magliyab ang kaniyang mga mata at bumuga ng apoy ang kaniyang bibig sa poot na kaniyang nararamdaman. Matapos ang walang patid na luha ay gumising siya ngayong umaga na balot ang puso ng poot na hindi niya mawari. Siguro ay tama nga ang stages of depression, tugma kasi ito sa nararanasan niya ngayon. Dahil siguro sa magdamag na pag-iyak kaya pumipitik ang kaniyang sentido. Nagpahayag ng pag-aalala sina Mila, Lyndrian at Ed sa kaniya dahil kapansin-pansin ang eyebags niya at mugtong mata. Inakala ng mga ito na away magnobyo ang aking problema dahil inakala nilang may nobya ako, kung tutuusin ay malapit na sila sa katotohanan. Totoong problemang pag-ibig ang aking iniinda mas malala nga lang kesa sa kanilang iniisip. Sa ngayon ay binibigyan muna nila siya ng 'space' dahil makakabuti raw sa kaniya ang mag-isip isip muna. Kung alam lang nila.

"Yes Mr. Higashino?" Tanong ng guro nang magtaas siya ng kamay sa kalagitnaan ng klase. Awtomatikong nasa kaniya ang atensyon ng lahat kaya nasa kaniya rin ang atensyon ng dalawang traydor. Hindi niya maiwasang mapakuyom kaya sa puting polo niya na lamang kinuyom ang kaniyang kamay sa pagtitimpi. "Please excuse me," pagpapaalam niya bago umalis ng silid.

Poot at kirot sa kaniyang sentido, isang masamang kombinasyon. Kailangan niyang makapunta sa isang tahimik na lugar. Ang library! Sa bawat hakbang niya ay mas sumasakit ang kaniyang ulo. Tila dinuduyan siya at biglang ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Para bang may pwersang pilit na pumapasok sa kaniyang katawan. Hindi na niya nakayanan kaya napasandal ang kaniyang kanang balikat sa dinding ng hallway. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig habang habol niya ang kaniyang hininga. "What is happening?" Walang tao sa hallway dahil oras pa ng klase kaya walang nakakita sa kaniyang kalagayan.

Bakit nga ba ako umalis sa classroom? Ah, siguro dahil ayaw kong makita nilang dalawa ang kalagayan kong ito. Naisahan na nga nila ako noong nabubuhay pa ako hanggang ngayon ba naman ay makikita nila ang kasawian ko kahit na hindi nila alam na ako at si Xyril ay iisa sa ngayon.

Kahit na halos hingal na siya ay nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa direksyon ng library. Kahit hirap ay natatawa siya, kung hindi pa siya namatay ay hindi niya pa mararanasan 'to. The irony of life.

ISANG NAG-AALALANG MUKHA ni Mila ang sumalubong agad sa kakagising lang na si Felecity. Akala niya ay magigising siya bilang isa na namang multong palutaw-lutaw lang sa ere pero hindi, nanatili siya sa katawan ni Xyril Higashino. "Xy!" bulalas ni Mila na maluha-luha pa. Isang daing ang kaniyang naisagot nang tinangka niyang bumagon agad.

"Dahan-dahan Mr. Higashino," saway ng isang boses babae. Iginala niya ang kaniyang mga mata. Puting dingding, puting kisame at isang nakaputing babae. Nasa clinic siya.

"Mila," saad niya matapos siyang abutan ng tubig ng nurse. "Ano 'yon?" tanong nito sa kaniya. "Nasaan sila Ed at Lyndrian?"

"Nasa labas lang pabalik na ang ma 'yon dito. Inutusan kasi sila ni Miss Rodriguez na kunin ang mga gamit mo nang makasabay ka sa amin sa pag-uwi," nakangiting sagot nito sa tanong niya. Napangiti rin siya at nagbigay ng pasalamat rito bago pumikit.

"Nga pala Xy, nahulog mula sa pantalon mo ang iyong cellphone. Hawak-hawak ko ito nang bigla itong nag-ring. Hindi ko alam ang gagawin dahil may tumatawag ng unregistered number kaya hindi ko na ito nasagot pasensya na ha." Paghingi ng paumanhin nito sa kaniya na halatang nabahala talaga dahil hindi ito makatingin ng diritso sa kaniya. Ginagap niya ang kamay nito at nginitian. "Ano ka ba ayos lang Mila salamat pa rin." At salamat dahil hindi mo sinagot.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon