2

1.2K 57 1
                                    

XYRIL

DAHIL SA ayaw ni Xyril na maulit ang mga karanasan niya dati tuwing sumasabay siya sa maraming tao na papunta sa mga paaralan o kanilang trabaho, maagang-maaga siya umalis mula sa kaniyang inuupahang bahay.

I hate to see them lingering with the living. It makes it harder to differentiate them.

Pero ang akala niyang tahimik na St. James Academy ay hindi niya naabutan sapagkat pagdating niya ay ang mga tunog ng sirena mula sa mga sasakyan ng pulisya at ng isang ambulansya ang sumalubong kay Xyril Higashino. Isa siyang taong maagang pumapasok kaya kabilang siya sa mga estudyanteng nakasaksi nang may ibinabang bangkay ng babae mula sa kanilang paaralan. Hindi niya kita ang mukha ng bangkay dahil may puting tabing na ito. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng bangkay pero bakit ang lakas ng pagpintig ng kaniyang puso.

Para saan ang kaba niya?


SIMMONE

HINDI ALAM ni Simmone kung maiiyak o mahihimatay sa balitang dumating. Nasa kasagsagan siya ng almusal nang biglang tumawag ang ina ni Felecity na may dalang masamang balita. Nabitawan niya ang kaniyang phone na ikinagulat ng mga kasambahay niya.

Akmang mapapaluhod na sana siya nang biglang hinawakan ng taong nasa kaniyang likurang ang kaniyang balikat upang siya'y suportahan. Sa kaniyang paglingon ay bumungad ang makapal na kilay na tinernuhan ng magagandang pares ng mga mata at matangos na ilong ng isang lalaki, si Rex.

Pansin din niyang medyo gusot pa ang damit nito na halatang kabubunot lang mula sa cabinet. Siguro ay natanggap na rin ni Rex ang balita tungkol sa girlfriend nito at nagmadaling puntahan siya.

"Rex," mahinang sambit niya sa pangalan nito na puno ng emosyon.

Niyakap siya nito nang mahigpit. "Halika sabay na tayong pumunta sa ospital."

Hindi niya alam ang detalye pero iisa lang ang tumatak sa kaniyang isipan, suicide. At dahil doon ay kinabahan siya. Baka nalaman ni Felecity ang sekreto niya – ang sekreto nila. Ipinagbukas siya ni Rex ng pinto sa sasakyan nito pero bago siya tuluyang nakapasok ay hinagip siya nito sa beywang at siniil siya ng isang maburbdob na halik sa labi.

TANYA

"TANYA HIJA, hindi ba kaibigan mo si Felecity? Sabihin mo namang tulungan niya ang daddy mo na baguhin ang pasya ng daddy niya sa tungkol sa investment nila sa company natin. Kapag nag-pull out sa negosyo natin ang mga magulang ni Felecity ay sa lansangan tayo pupulutin." Hysterical na ang kaniyang ina. Hindi alam ni Tanya kung maaawa o maiirita rito pero ang nakapagpabwesit sa kaniya ay ang isipan na sa lansangan sila pupulutin. Pareho sila ng kaniyang ina na sanay sa mararangyang buhay kaya alam niya kung bakit parang nababaliw na ito sa kaniyang harapan. What a pathetic scene, mother dearest.

Bankrupt. Paano na ako makakapag-shopping kung bankrupt na kami? Gaga kasi 'yang si Felecity, sinabihan ko na ito na tulungan kaming mag-anak pero hindi pa rin nakinig kasi desisyon daw 'yon ng mga magulang nito. Buwesit!

Hindi gusto ni Tanya si Felecity. Palibahsa pinanganak ngan ubod yaman hindi naman pinapahalagahan. Kung pwede lang talaga makapalit kami ng pamilya.

Nagdadabog na sumakay si Tanya sa kaniyang sasakyan nang biglang tumunog ang kaniyang phone. Napaikot ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang caller, si Simmone – ang ahas na kaibigan ni Felecity. Akala ng mga ito na hindi ko alam ang tagong relasyon nito at ni Rex. That man is a boar.

Tinanggap niya ang tawag at mataray na sinagot ito. Pero ang nakataas na kilay ni Tanya ay unti-unting bumaba at nawalan ng kulay ang kaniyang mukha dahil sa ibinalita ni Simmone sa kabilang linya.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now