10

571 35 0
                                    

XYRIL

MADILIM. SOBRANG dilim na ang tanging nakikita niya lang ay ang isang katamtamang laki na bintana na nasa kaniyang harapan. It is weird. No matter how much he tried to reach for it – hindi talaga siya makalapit dito subalit kitang-kita naman niya ang mga nangyayari sa labas ng bintana.

It has been two solid hours since he discovered that the ghost, Felecity, stole his body! Akala niya ay nababaliw na siya pero talaga pa lang may nagpapanggap na siya – in a way ay si totoong si Xyril Higashino ang nakasalamuha nina Mila, Ed, at Lydrian subalit ibang kaluluwa ang may kontrol sa katawan niya! And the culprit is no other than Felecity who just recently died.

Noon una ay inakala niya talaga na hindi nito tanggap ang pagkamatay kaya sumasanib sa kaniya pero matapos niyang obserbahan ang galaw nito pati takbo ng pag-iisip – napagtanto niya na wala itong dulot na masama. At kanina lang, sa loob ng sasakyan, ay nakumpirma niya ang hinalang hindi nagpakamatay ito kun'di pinatay. It makes sense, her lost memory.

"This way, Sir Xyril." Yumuko muna si Toshiee bago binuksan ang double-door na pintuan. Xyril dreaded to see the faces beyond the door.

Naramdaman ni Xyril na magpapasalamat si Felecity gamit ang katawan niya kaya mabilis siyang sumigaw. I DON'T NORMALLY SAY WORDS OF GRATITUDE DURING A FAMILY GATHERING.

Nakaupo siya sa madilim na parte ng katawan niya habang nakatingin sa bintanang siya ring nakikita ni Felecity.

What? Why? Isn't it common courtesy to say thank you? Takang-taka na tanong nito na ikinaikot ng mga mata ni Xyril.

MAKINIG KA MUNA, FELECITY. PAGKAPASOK MO DIYAN, MARAMI KANG HINDI MAIINTINDIHAN NA MGA PAG-UUSAP. JUST DON'T MIND THEM, ALRIGHT? AH BASTA, JUST DO WHAT I WILL TOLD YOU. BUT REMEMBER, NEVER SHOW ANY EMOTION O MALILINTIKAN KA SA'KIN.

Mula sa pagbabago ng pintig ng puso hanggang sa pag-iiba ng paghinga nito, ramdam na ramdam ni Xyril ang lahat kaya alam niyang kinakabahan si Felecity. Naawa naman siya rito kaya nagsalita ulit siya ng pampalubag loob bago niya ito papasukin sa sarili niyang bersyon ng impyerno.

JUST LISTEN TO ME, ALRIGHT? I AM RIGHT HERE WITH YOU SO YOU ARE NOT ALONE, FELECITY.

Huminga ito ng malalim at nagsalita sa mababang tinig bago pumasok sa napakaliwanag na dining area ng mansion. "Thanks, I badly need that."

The moment Xyril Higashino's body stepped into the crowded dining area, the entire place turned eerily silent making Felecity's steps faltered. Oh my golly! Why are they looking at me like they've seen a ghost? Don't tell me, nakikita nila na isa akog multong sumasanib sa katawan mo?

Alam na alam ni Xyril kung bakit ganito ang mga ito sa kaniya – dahil for the first time ay dumalo siya. Technically, si Felecity ang dumalo dahil kung siya 'yon ay hinding-hindi talaga siya babalik sa bahay na ito.

JUST MOVE AND SIT RIGHT BESIDE THAT OLD HAG. Tukoy ni Xyril sa nakaupong patriarch ng Higashino Clan na si Sumire Higashino na nakasuot ng pang-samurai na paborito nitong suotin kapag may family assembly sila.

Lolo mo ba 'yan? Ang intimidating naman, Xyril. Alangan ang boses ni Felecity. Hindi pa rin ito gumagalaw pati na ang mga taong napahinto at nakasunod ang tingin dito. "What are you standing there, Xyril? Sit down." Ang makapal na boses nito ang nakapukaw sa ulirat ni Felecity at kalmadong umupo ito sa kanang upuan ng matanda.

Nang nasa tabi na siya nito ay may binulong ito. "Let's talk to my office after this lunch. Do not even try to escape, young man."

Napatiimbagang si Xyril habang nakakuyom ang dalawa niyang mga kamay. His eyes fixated into the nothingness that surrounds him. Pupunta ba ako o tatakas? I may not look like it noong nabubuhay pa'ko pero I can run.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon