Chapter 19

25 3 3
                                    

Reona's POV

jusko ko pag pinagti-tripan lang ako neto ni benedict humanda sa akin to pota. May pa i need you i need you pa siyang nalalaman kaso mukhang umiiyak kaya pupuntahan ko nalang.

Oo, si benedict ang tumawag sa akin kanina kaya di ako makakapag-overnight kila yaxley. Sayang. Kaso mukhang broken hearted si koya kaya pupuntahan ko nalang talaga.

Pinark ko na agad yung kotse ko pagdating ko sa bahay nila. Oo sa bahay nila. Maid lang naman ang mga kasama niya dito kasi nasa business trip ang magulang niya tsaka naka-punta na ako dito.

Kilala na ako ng guard nila kaya pinapasok na ako agad. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya huminto muna ako saglit para makapag-isip kung anong gagawin ko sa kaniya kung sakaling trip niya lang to.

Kaso mukha akong tanga so pumasok na ako agad ng walang katok katok. Pagka-pasok ko sa kwarto mapapansin mo agad na madilim. Syempre.

Binuksan ko agad yung ilaw at nyeta amoy alak dito. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko si benedict naka-higa sa sahig. Abnormal. Mahiga ba naman sa sahig. Yakap pa yung bote ng alak -__-

Lumapit naman ako sa kaniya at sinampal siya. Ayun nagising.

"Ba't ka natutulog dyan? Sa higaan ka matulog. Useless higaan kung hindi mo hihigaan" pinilit naman niyang umupo at sumandal sa kama. Ako naman tinignan ko yung mga boteng nakakakalat sa tabi niya.

"Anong problema mo?" Tanong ko

"Tangina"

Ay wow pinapunta lang pala ako dito para murahin.

"Nagsasayang lang ako ng oras sayo" tatayo na sana ako kaso bigla niya akong hinawakan at hinila pa-upo sa tabi niya.

"Stay. Just listen to me para mailabas ko to. I know you are the person who will comfort me...."

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Nako mukha ngang broken hearted.

I sigh "okay. I will listen to you"

Tahimik muna siya sandali na para bang hindi niya alam kung saan siya magsisimula pero nung mapansin niya nagiintay ako sa sasabihin niya, nagsamula na siyang mag-drama.

"Nakilala ko siya sa birthday party ng mommy ko. Highschool ako non. Her parents is my parents' business partner. Una pa lang nagandahan na ako sa kaniya kaya nilapitan ko siya at tinanong ang pangalan niya" tumingala siya pero agad ding yumuko ng naka-pikit "Her name is Rhianne. Maganda na nga ang pangalan ang ganda pa ng mukha niya. Buong party, kami lang ang magkausap. Sabay kaming kumain, sabay kaming nagbigay ng regalo kay mommy. Ewan ko pero ang saya saya ko na sa unang pagkikita pa lang namin.

"Nalungkot ako syempre ng umuwi na sila. Kinausap pa ako ni mommy non dahil nakita niya habang naguusap kami ni rhianne or rhia ang laki-laki ng ngiti ko at dahil may pagka-mama's boy ako, sinabi ko sa kaniya na nagugustuhan ko si rhia. Syempre nanay ko siya kaya sinuportahan niya ako. Inalam ko kung saan nagaaral si rhia at ng malaman ko, nagpalipat na ako agad don. Tuwang tuwa nga ako ng magkita kami uli ni rhia sa school kaso nakakairita nga lang dahil nalaman kong madami akong karibal don pero swerte kasi malapit ako kay rhia"

Timungga niya yung isang bote ng vodka at hinagis yung bote. Nyeta kakalabasan neto ako maglilinis eh. Ay baliw pwede pa lang ipalinis to sa mga maid.

"Hanggang sa nagtapat na ako sa kaniya. Gusto na din niya pala ako non pero kahit pareho kami ng nararamdaman, niligawan ko pa rin siya. Ilang months ko siyang nilagawan at sinagot niya ako sa mismong birthday ko hahahahha. Feeling ko tuloy ako na ang pinaka-swerte sa araw na yun. Kaya talagang sinabi ko na agad kila mommy na kami na. Ang saya saya rin nila non. Sa paglipas ng araw at buwan ang sweet namin sa isa't isa halos hindi kami mapag-hiwalay. Nagkakaalintan din kami pero di namin pinapatagal yon. Pag monthsary namin naga-out of town kami. Tanggap naman ako ng mga magulang niya at may tiwala rin sila sa akin.

"Hanggang sa kailangan niyang mag-aral don sa USA. Ang lungkot lungkot ko non dahil magiging LDR na kami pero may tiwala kami sa isa't isa kaya kahit pagod pagdating sa school agad kaming nagi-skype or video call. Ang sakit lang dahil nalaman ko na habang ako nangungulila ako dito sa kaniya, siya may ginagawa na pala sa amerika. May nakikilala daw siyang lalaki at mahal niya daw. Kanina nakipaghiwalay na siya dahil.... Na-buntis siya ng lalaki"

Oh em gee! Hindi ako marunong mang-comfort!

"Kaya ayun nagalit ako sa kaniya at nagalit ako sa lalaki. Nagmakaawa ako na hiwalayan niya ang lalaki at sumama siya sa akin kasi wala akong pake kung sino ang ama ng dinadala niya. Kaso wala eh, pinili niya yung unggoy na lalaki niya sa america na sa tingin ko na marami pa siya tubig na iigibin para mapantayan ako. Sayang ganda ni rhia hahahhahah"

Tumatawa siya habang umiiyak. Kahit hindi ko pa nararanasan ang pinagdadaanan niya ngayon, nasasaktan pa rin ako para sa kaniya kasi halata mong mahal na mahal niga yung rhia. Kaso nga lang... Ehem.

"Siguro sobra ang paniniwala niya sa kasabihang "kapag nagmahal ka ng dalawang tao, piliin mo yung pangalawa kasi hindi ka ulit magmamahal kung mahal mo talaga ang nauna" pwe! Sino ba nagsabi non at suntukan nalang"

"Ang masakit lang talaga, 6 years kami. 6 f*cking years! Hindi ko talaga matanggap. Pinapagpalit niya yung anim na taon naming pagsasama, pagmamahalaan, pagkukulitan, paglalambingan, pag-aasaran at kung ano ano pa sa lalaking wala pang dalawang bwan niyang nakilala"

At tuluyan na siyang umiyak. Ewan ko pero hinila ko siya papunta sa akin at niyakap. Habang yakap yakap ko siya hinihimas ko yung likod dahil nga umiiyak siya.

Ngayon lang ako nakakita sa totoong buhay na hahagulgol talaga ang lalaki sa isang babae dahil talagang minahal niya ito. Sabagay, 6 years sila eh kaso nasayang lang. Hayst, pag-ibig nga naman oh. Jusq!

SometimesWhere stories live. Discover now