Chapter 2

51 4 0
                                    


"you?" tanong nya, ngumiti naman ako

"yes! Me" sabi ko, ngumiti rin naman sya

"hindi ko akalaing magkikita pa tayo" sabi nya

"me too. Ah sige mauna na ako, kailangan ko pa kasing hintayin yung mga kaibigan ko, bye" paalam ko, tumango naman sya kaya umalis na ako at umupo sa mga bench

Tinawagan ko naman si reona, pagkatapos ng tatlong ring, sinagot nya na.

"hello?" sa kabilang linya

"hello, where are you? Nandito na ako sa school"

"we're almost there" sabi niya

"faster, i'm waiting"

"okay okay, bye" sabi nya, pinatay ko naman ang tawag

Hindi rin nagtagal dumating rin sila, at agad akong nakita

"halikana, hahanapin pa natin section natin"sabi ko, tumango naman sila kaya agad na kaming naghanap

Magkakaklase lang naman kaming tatlo kaya hindi na namin kailangan maghiwa-hiwalay

"ito na yun" biglang sabi ni rhaynne at turo sa isang pintuan

"ito na nga" sabi ni reona at binuksan yung pintuan

Pagkabukas ni reona ng pintuan, nagsilingunan naman sa amin yung mga estudyante sa loob pero agad din silang bumalik sa dati nilang mga ginagawa. Pumasok naman kaming tatlo at umupo sa may pinaka-dulo, ako naman, malapit sa bintana

Walang prof kaya may gana pang mag-ingay yung mga estudyante dito

"ikaw na naman, tinadhana na yata tayong mag-kita" biglang may nagsalita sa harap namin kaya napalingon kaming tatlo nila reona doon, sya yung lalaking lagi kong nakaka-bungguan

"hehehe" hilaw na tawa ko, di ko naman kasi alam ang sasabihin ko

"by the way, i'm Yaxley Ford" pakilala nya at naglahad ng kamay samin

"i'm Anastacia Valdera, nice to meet you" pakilala ko naman at tinanggap yung kamay nya

"ehem, Anstacia, mind to introduce who is he?" ngiting-ngiti sabi ni rhaynne, binitawan ko na rin ang kamay ni yaxley

"oh, hi! I'm Yaxley" pakilala ni yaxley

"oh, hello! I'm Reona" sabi ni Reona

"and i'm Rhaynne, nice to meet you" ani Rhaynne

"nice to meet you girls" sabi ni yaxley, magsasalita pa sana sya ng lalong umingay ang classroom dahil may mga dumating na apat na lalaki

"wohoo! Daming chicks" sabi ng chinito

"This school year will be fun, hi girls!" sabi ni red hair

"tsk, nasaan si Yaxley?" tanong naman nung pinaka-maliit sa kanila, hindi naman maliit talaga, mas matangkad nga siya sa akin, sadyang matatangkad lang ang mga kasama nya kaya nagmumukha syang maliit.

"ayun oh! May tatlong chicks" sabi ng mukhang playboy, actually lahat sila mukhang playboy, mas mukha nga lang tong isang to

Bigla naman silang lumapit sa amin. Tinapik ng chinito yung balikat ni yaxley at kumuha silang apat ng upuan at dinala sa harap namin

"hi ladies, i'm Christian but you can call me Chris" sabi nya at ngumiti ng malapad, ngitian rin namin sya, sya yung red hair.

SometimesWhere stories live. Discover now