Chapter 14

35 3 0
                                    


"Kayo na ba?" napatingin naman ako kay reona sa tanong niya.

"Nino?" nagtataka kong tanong. Sa pagkaka-alam ko, wala akong boyfriend.

"Third" sagot niya. Bahagya namang nanlaki ang mata ko. Kami? Ni third?! Hahahah edi waw.

"Duh hindi noh" sagot ko at inirapan siya. Nandito kami sa classroom nagdadaldalan habang nagtuturo yung prof namin sa harap

"May pa caption caption ka pa kasi sa fb na my date today churvanes" sabi niya. Churvanes? Diba churva churva yun? Ay ewan.

"Bakit masama?"

"Oo lalo na pagdating sayo. Nangi-inggit ka lang naman" at inirapan niya ako. Naingi-inggit ba ako? Nag enjoy lang naman ako kahapon. Ang mean talaga nito sa akin.

"Bakit na-inggit ka ba?" panga-asar ko sa kaniya "Palibhasa wala kang lovelife" dagdag ko pa

"Bakit meron ka?"

"Sabi ko nga single ako hehehe" sampalin ko tong babaitang to eh.

"Ang panget mo"

"Ang sama mo!" napalakas ang boses ko kaya napahinto yung prof namin sa pagtuturo at yung iba naming kaklase napatingin sa gawi namin. Patay.

"Is there any problem ms?" mataray na tanong sa akin ni Prof. Winnie the pooh. Char! Hehehe si Prof. Donnie toh. Taba kasi.

Aish! Quiet ka na nga lang dyan anes! Nakuha mo pang mag-biro eh kaharap mo ngayon yung isa sa terror na prof mo! Baliw na nga yata ako. Pati sarili ko kinakausap ko -,-

"Nothing Prof. Don" sagot ko

"Who's bad?" biglang tanong niya. Eh?

"Po?" nagtataka kong tanong. Nubayan nakakahiya naka-tingin na sa akin yung mga kaklase ko pati syempre sila yaxley huhuhu

"Sino ang sinabihan mong masama?" tanong niya. Ah yun pala. Sasabihin ko bang si reona? Mamaya madamay pa to at mapahiya. Tsk! Ayaw pa naman nito na ginugulo ang klase niya.

"Wala po prof/Ako po prof" what?! Bat nagsalita pa si reona? Pahamak to. Liligtas na nga nangielam pa -,- nakita ko naman na mas lalong sumama ang tipla ng mukha ni porf. Donnie

"Pagtatakpan mo pa ang kaibigan mo ha?" sabi sa akin ni prof.

""Hindi kaya niya ako tinatakpan. Nasa tabi ko kaya siya. Tanga naman" narinig kong bulong ni reona kaya pinigilan kong matawa. Kahit kelan talaga tong babaeng to.

"What's funny, Ms valdera?" tanong ni Prof

"Sir sabi ko po kasi ang boring ng subject niyo kaya natatawa si valdera" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni reona. Ba't niya sinabi yun? Damay na rin ako nito for sure dahil nakita ko pumula na ang mukha ni prof sa sobrang galit -_-

"YOU TWO!! GET OUT OF MY CLASS AND SEE YOU IN DISCIPLINE OFFICE AFTER RECESS!!!" sigaw ni prof at dali dali naman kaming lumabas sa classroom ni reona bitbit ang mga gamit namin. Narinig ko pa na nagtawanan ang mga kaklase ko kaya lalo yatang nagalit si prof.

Huminto naman kami sa garden at ito naman si reona mukhang baliw na tawa nang tawa. Pati ako nadamay pa sa kalokohan niya -_______-

"Ba't mo ginawa yun? Magkaka-record pa tuloy ako sa discipline office huhuhu" nagmamaktol ko na sabi kay reona. Umupo naman siya sa isang bench at tumabi naman ako sa kaniya

"Wag ka ngang maarte" saway niya.

"Eh kasi naman magkaka-record na ako sa discipline office" Naka-nguso kong sabi

SometimesWhere stories live. Discover now