Chapter 24

20 2 0
                                    


Bago ang ang activities, pinag-exercise kami na talaga namang naka-tulong sa akin or sa amin.

Bawat section magkakalaban. At syempre bawat activities namin may points. Parang palakihan na rin siya ng points at syempre ang mananalo ay yung may pinaka-mataas na score.

Yung unang activity ay beach limbo. Unang naglaban ang class 2 at class 3. Nanalo ang class 3 pero wala pa silang puntos.

Pangalawa naman, kami, ang class 1 vs class 3. Of course, kami ang nanalo kaya kinalaban namin class 2.

Kaso nag-tie kaya naglaban kami sa next activity, ang beach "bocce" ball. Magaling doon si mike kaya kinalabasan kami ang nanalo, don na nilalagyan ng puntos.

Tapos pinag-break na kami para kumain at para na rin magpa-hinga. Nandito ulit kami sa may kubo na kaninang pinagtambayan namin. Kumakain.

"I'm really tired! I'm not that sporty" angil ni reona habang minamasahe ang kaniyang noo.

"Lahat naman tayo pagod kaya wag kang mag-reklamo dyan" singit ni chris.

Parang may gusto si chris kay reona. Wala lang. Pansin ko lang naman. Oh well, kung meron mang gusto si chris kay reona, good luck to him.

"Pasalamat ka at pagod ako kaya wala akong ganang makipag-talo sayo" nilagay naman ni reona ang mga paa niya maliit na lamesa na nasa harap niya.

"Thank you"

"Alam niyo kayong dalawa magkakatuluyan kayo niyan" sabi ni topher kaya napatingin kami sa kaniya. Possible.

"Yuck! Sana mangisay ka sa sinasabi mo" sabi ni reona.

"Yuck ka din! Mas gusto ko pa sa iba kesa matali sayo" sabi ni chris.

"Yung tintukoy mo ba na 'iba' ay yung mga makakapal ang make up na nagmu-mukha ng clown, yung mga maarte, mga piling maganda kala mo naman talaga totoo, e mga nagpapa-retoke o ayos lang naman yung mga yun" sabi ni reona at umirap.

Humagalpak naman sa tawa si topher at ashton sa sinabi niya samantalang kami napa-iling nalang. Hindi talaga nagsasawang mang-bara.

"Maarte ka din naman ah? And by the way, i like someone else na lahat ng mga binanggit mo ay kahit isa, hindi siya ganon" sabi ni chris.

"Sino naman yang someone else mo? Gusto mo nga, gusto ka ba?" Sabat ni rhaynne. Habang naka-hilig sa braso ni mike. Close yata sila eh. Hahahaha.

"Ewan" kibit balikat ni chris at tumingin sa labas.

Itong kubo kasi, open talaga siya. Yung walang bintana at pinto kaya maririnig at makikita mo yung nasa labas. Tanging lamesa at upuan na mahaba lang ang nandito na gawa sa narra.

"Kawawa ka naman kung ganon" sambit ni reona

"Tsk, imposibleng hindi ako magustuhan non eh ang gwapo gwapo ko" aba ang angas naman pala.

"Ano yun? Nagustuhan ka lang dahil gwapo ka? Eh kung bugbugin kita dyan at papangitin, edi hindi ka na niya gusto? Kawawa ka talaga" umirap nalang si chris sa sinabi ni reona. Marahil wala na din siyang masabi sa pangbabara ni reona. Well, si reona pa ba? Tsk.

"Magpa-hinga nalang kayo dyang dalawa kesa magsumbatan kayo" sabi ko at tumayo.

"San ka pupunta?" Tanong ni yaxley na nasa tabi ko ulit.

"Sa canteen. Inubos nila yung tubig eh" sabi ko. Tumayo din naman siya.

"Samahan na kita, bibili na din ako" ani niya. Nakita ko namang tumawa si topher.

"Naks! Dumadamoves ang loverboy" asar sa kaniya ni topher. Sinamaan naman siya ng tingin ni yaxley.

"Shut up, idiot" ani yaxley at lumabas. Tumawa nalang ako at sumunod sa kaniya.

Naglalakad kaming dalawa papuntang canteen ng bigla niya akong akbayan na agad ko namang tinanggal kaya tumawa siya, inirapan ko nalang. Dumadamoves nga ang loko.

Bawat pagdaan namin nakikita ko yung mga ibang estudyante rin na may sari-sariling grupo. Nagtatawan, nagkakantahan, naghaharutan at yung iba naman nagku-kwentuhan lang ng tahimik. Kaniya-kaniyang trip nalang.

Nang makapunta na kaming canteen agad kaming bumili ng dalawang mineral water at nilbre niya ako kahit humindi ako. At syempre, siya si yaxley na makulit kaya pinabayaan ko nalang. Tubig lang naman daw yon sabi niya. Yeah right.

Pagkatapos ng break, ginawa ulit namin yung isang activity na last na naming gagawin ngayong araw dahil bukas daw yung iba.

Ang magkalaban kaming class 1 vs class 3 at ang nilaro namin ay Dig it deep. Kaso nanalo sila dahil yung iba naming ka-team ay medyo pagod na. Bukas naman first activity ay ang tinatawag na aim high. Class 2 at class 3 na ang magkalaban don at kung sino ang manalo don ang siyang magkaka-puntos.

Masasabi ko namang kahit nakakapagod, nag-enjoy naman akong maglaro. At may ina-announce nga pala sila kuya andres kanina, mag-dadagdag kami ng isang araw para mag-stay dahil kinulang kami sa oras. So bukas activities ulit tapos sa last day naman, don na daw kami mag-enjoy at sulitin ang beach. I love it!--- We love it!

SometimesWhere stories live. Discover now