Chapter 1

86 5 1
                                    


"happy birthday to you, happpy birthday to you, happpy birthday, happy birthday, happy birthday to you ~" kanta nila

"happy birthday anes!" pahabol pa ni sasa

"thanks to all of you!" sigaw ko naman. Nagtawanan naman kami.

"kainan na!" sigaw ni rhaynne

Nagsi-puntahan naman kami sa long table na puno ng pagkain. Nandito kami sa may garden ng hotel ng condo ko. Obviously, birthday ko.

Nagulat na nga lang ako ng pagka-uwi ko dito galing kila mommy may pa-surprise pa sila. Syempre, natuwa ako. Sino namang hindi diba?

"happy birthday anes" bati sa akin ni jane at may inabot sya sa aking medyo may kalakihang box.

"thank you" sabi ko at nag-beso-beso pa kami.

"outing naman tayo next time" sabi nya

"ay, nako! Hindi ko sure je, hetic schedule ko e, alam mo naman, magpapasukan na tapos may mga kailangan pa akong mga bilhin para dito sa condo ko" mahabang paliwanag ko

"ay, sayang! Sige pag pwede ka nalang, o sige na, puntahan ko lang sila maria doon. Happy birthday ulit!" sabi nya, ngumiti nalang ako.

Inasikaso ko rin yung iba ko pang bisita. Marami-marami na ring mga nagbibigay ng regalo kaya pina-akyat ko yung iba sa waitress ng hotel.

"Wohoooo! Party!" sigaw ni reona at nagpatugtog ng malakas.

Ang dami ring nagsayawan at syempre nangunguna don si reona. Bigla naman lumapit sa akin si mari

"happy b-day anes!" bati nya at may inabot rin sa aking gift.

"thank you" sabi ko at ni-kiss siya sa cheeks niya.

"Welcome,  nasaan nga pala yung c.r dito? Hahaha" tanong nya

"hahaha malapit lang dyan sa elevator, makikita mo rin ka agad pag malapit kana sa elevator"

"ahh sige, thanks" sabi nya at kumindat, tumawa nalang ako.

Pumunta naman ako sa long table at kumuha ng wine, pwede na ako kasi 18 years old na ako.

"every body say, lalala, say, lalalala~" napalingon ako sa kumakanta, nakita ko naman si reona at rhaynne na sumasayaw-sayaw pa habang may hawak ring wine.

Lumapit naman sila akin at inakbayan nila ako.

"1,2,3 say oppa" sabi ni rhaynne

"oppa!" saba nilang dalawa at may nag-flash na camera.

"hahahah happy b-day anes" bati ni reona

"yieee, matanda na sya" sabi ni rhaynne

"anong matanda? Dalaga palang!" depensa ko

"k. Hahahaha" tawa nanaman ni rhaynne at ininom ang kanyang wine, nilagyan naman ulit ni reona ng wine yung baso nya.

"psst!" napalingon ako sa sinisitsitan ni reona, yung dating classmate pala namin na may hawak na DLSR, lumapit naman sya

"happy birthday anes!" bati nya sa akin, bumaling naman sya kay reona "bakit?" tanong nya

"picturan mo kami" sabi ni reona

"sige"

"game, 1,2,3" bilang nya

Kasabay ng pag-flash ng camera ay ang paghalik nila rhaynne sa magka-bilaang pisnge ko.





SometimesWhere stories live. Discover now