"Ano ba yan. Dapat pala sumali ko ng drama club. Kaya ko rin naman yan."

"Asus selos ka lang dude." Sabi ko sa kanya.

"Kaya nga haha. Ano ka ba bro, play lang yan. Magtapat ka na kase. Gaya ka sakin." -Per

"Sus, gaya sayo eh di ka nga naamin. Oops ayy oo nga pala. hahah" -Nico

"Ssshhhh. wag ka maingay bro."

"Bakit ano ba yun? Manood na kaya kayo." Sabi ko naman.

Nung malapit na matapos yung play. Nagpaalam yung dalawa na may bibilhin lang sila sa canteen. Di nako sumama kasi gusto ko malaman ending.

***

After nung play nila, may inannounce sabi wag daw muna aalis. Tapos biglang may tumugtog na gitara. Bago siya magstart talaga.

"Ehem, dedicated pala tong kantang to sa babaeng mula pa noon eh minahal ko na. Dati ayokong umamin kasi baka masira yung pagkakaibigan pero ngayon handa na kong itake lahat ng risks para malaman niya na siya ang sinisigaw ng puso ko." Hiyawan lahat ng tao. Nakasarado pa rin yung kurtina habang nagsasalita siya.

"Yung babaeng tinutukoy ko ay yung bestfriend ko mula nung elementary pa lang kami. 5 years ago naging malapit kami sa isat isa to the point na nagkailangan kami nung nagkaalaman."

"AWWWWWWW" Sabi bigla ng mga tao.

"Alam mo na kung sino ka. So this song is specially dedicated to you."

Nagsimula na siyang tumugtog. Bumukas na din yung kurtina pero nakatalikod siya.

A/N : Paplay po nung song sa side. :))

Sa totoo boses pa lang alam ko na kung sino siya. Si Jasper yun panigurado. Pero di ko alam marunong pala siyang maggitara at kumanta. Never ko pa siya narinig. Bigla namang dumating si best sa gilid ko na mukha pang nagtatakbo papunta dito galing backstage.

"Waaaa best umamin na si Per!"

"Sssshhhh. wag ka maingay best. Nakakahiya."

Ang ganda ng boses niya. Kahit sinong babae maiinlove sa ginagawa niya. Old school na yung panghaharana pero para sakin super effort ng guy na gumagawa pa rin nito hanggang ngayon. Kaso bat ganon. Parang di naman ako ganon kasaya. Di gaya dati na magka eye contact lang kami super kinikilig na ko. Bat parang wala ako maramdamang kilig. Oo, overwhelmed ako kasi diba first time may gumawa ng ganto sakin.

Humarap na rin siya at mas lalong nagtilian ang mga babae. Yung iba mukhang nahalata na, na ako yung tinutukoy ni Per. Ewan ko kung pano pero may mga naririnig akong

Ang sweet ni Jasper

Kilala ko kung sinong tinutukoy niya

Sino?

Si Ayes yun! Halata naman pag magkakasama sila.

Grabe haba ng hair niya. Una yung vocalist ng Triple One, ngayon si Jasper. Kainggit ayy.

Nakatingin lang siya sakin. Nakangiti kaya nginitian ko din. Medyo kinikilig na ako. Hahaha. ang gulo ko pero hindi yung kilig na kagaya dati. Nung matapos siya.

"Wooo! Thank you po sa pakikinig lalo sayo" Sabay kindat. Makalaglag panga. Ingay ng mga tao. Niyaya ako ni Ayin pumunta ng backstage at pagpapalit daw ulit siya sobrang lagkit na niya daw.

***

Nagbihis na si Ayin sa Dressing room. Inantay ko na lang siya dito sa labas ng pinto. Sakto namang kabababa lang ni Per ng stage. Parang bigla ako nakaramdam ng awkwardness.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now