Chapter 5: Intruder

Comincia dall'inizio
                                    

Napuno ng bulungan at pagbati ang silid. Pero pumainlalang ang nag-iisang boses na ayaw niya na atang marinig sa buong buhay niya. "Sigurado akong tsamba lang yan o kaya may tumulong sa kanya para mas malakas ung force." Boses iyon ni Jennicah.

Ano ba talaga galit nito sa kaniya? Inggit much?

Bumaba na si Master Levi at binati siya. "You did well, Ms. Garcia. Go to Master Cervanius' office after your class." Nagpasalamat lang siya dito.

"Wait Master! She didn't do it. Look! Zafira, ulitin mo ung ginawa mo. I'm sure tsamba lang ung kanina." Sino pa ba ng magsasabi noon? Iisa lang naman ang galit na galit sa kaniya sa silid na iyon.

"Walang tsamba sa mahika Princess Jennicah" Ani Master Levi. "Class dismiss." Naunang lumabas ng silid si Master Levi kaya naiwan silang magkakaklase.

"Hoy! Anong ginawa mo dun? Alam kong tsamba lang 'yun. Ako lang ang may kakayahang maglift dahil my power is wind."

"Wala akong pakialam diyan Jennicah. Tigilan mo nga ako." Napupunong tugon niya. 

Bakit hindi niya na lang pabayaan ang nangyari? Kung kaya naman pala niya, bakit di na lang siya ang gumawa.

Tumalikod na siya para ayusin ang gamit niya sa kaniya upuan. Wala siyang susunod na klase kaya balak niyang pumuntang cafeteria at magmeryenda muna. Pero daldal pa rin ng daldal si Jennicah, nakakaagaw na ito ng atensyon.

"Cloudo Doris!" Naisatinig niya bigla ang spell na iyon. Di niya alam ang ibig sabihin o kung para saan pero ng dumako ang tingin niya kay Jennicah mukhang alam niya na. Nagsasalita ito pero walang lumalabas na ingay mula sa bibig nito.

Napuno ng tawanan ang silid. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya, siya ang may kagagawan noon at hindi niya alam kung paano ito ibalik.

"Zafira! Ibalik mo na siya sa dati!" Napapitlag siya sa biglang pagsigaw ni Flint.

"Hindi ko alam kung paano bigla-bigla ko na lang kaya nasabi ung spell na yun."

"Hindi 'to nakakatuwa Zafira." May pagbabanta sa boses nito.

"Sino bang nagsabi na natutuwa ako? Ni wala nga akong alam sa nangyari."

Nagwalk-out siya pagkatapos noon. Baka may hindi magandang lumabas sa bibig niya dahil sa inis o may masabi din siyang spell na ikapapahamak ni Flint.

Habang naglalakad ay biglang nagtanong si Lucia. "Paano mo nagawa ang mga iyon, Zafira?"

"Yung mga spells? Hindi ko din alam, parang kusa silang lumalabas sa bibig ko."

"Kakaiba ka talaga Zafira." Alam niya na iyon noon pa. Kung tama ang natatandaan niya noong bata sila may umaaway sa kaniya, may nasabi siyang kakaibang salita at bigla na lang sumakit ang tiyan noong nang-aaway sa kaniya. Pinauwi pa nga dahil grabe daw ang lbm, halos hindi na makalabas ng banyo.

Natigil ang kaniyang pag-iisip ng may lalaking sumalubong sa kanila.

"Ikaw ba si Zafira Garcia?" Tumango siya. "Ako nga, bakit?"

"Pinapatawag ka ni Master Cervanius." Nagtaka siya, akala niya ay pagkatapos pa ng kaniyang mga klase siya pupunta.

"Diba mamaya pa ako pupunta dun?"

Umiling ito. "Kailangan mo na daw pumunta ngayon."

"Sige." Si Lucia ang nagturo sa kaniya kung saan ang office ni Master Cervanius. Kahit naman kasi nalibot na nila ito kahapon ay hindi pa rin siya pamilyar sa lugar.

Nang makarating sa tapat ng office nito ay huminga muna siya ng malalim. Akmang kakatok na siya ng may biglang magsalita mula sa loob.

"Pasok hija."

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora