Chapter 33: Part 2

2.1K 43 4
                                    


Ada's POV

"Oh my! Ang dami ko na talagang nabili for my son and for my mother as well. I know hindi magiging madali sa kanila ang ginawa kong pag-iwan sa nag-iisa kong anak. Salamat at walang tigil sa pag-update itong si Aling Puring. Dahil sa kanya ang alam ko lahat ng kaganapan sa buhay ng aking mag-Lola. Maliban na lang sa buhay kolehiyo ng aking anak. My amiga told me na may anak din siya na nag-aaral sa eskwelahang pinapasukan ng anak ko. What a coincident indeed. Well, sana magkita-kita na kami."

"Ada! Ikaw na ba yan? Hala! Bakit ngayon ka lang nakauwi? Bakit wala ka man lang pasabi na uuwi ka? gulat pang pagkakasabi ni Aling Puring.

"Aling Puring, gusto ko kasing surpresahin ang nanay ko. At syempre ang anak ko."

"Lagot! Paano iyan? Baka magulat talaga at magalit iyang nanay mo?"

"Hindi naman siguro. Sasabihin at isisiwalat ko sa kanya lahat ng pangyayari."

"O, siya! Puntahan mo na ang nanay mo."

"Salamat sa lahat, Aling Puring. Heto, para sa iyo. Kulang pa nga iyan sa lahat ng update mo sa akin."

"Naku naman! Nag-abala pa. Salamat sa pasalubong! Sana maulit muli."

"Kahit kelan, patawa ka talaga Aling Puring"

Sa aking pag-uwi, nagtagpo agad ang aming paningin ng aking ina. Napuno agad ito ng luha't hagulgol. Nagyakapan kami. ikinuwento ko lahat-lahat sa kanya. Kung ano ang nangyari bakit hindi aagad ako nakauwi at nakapagbigay alam pagkatapos kung lisanin ang bahay na ito.

"Opo, Nay. Nakulong ako dahil sa niloko ako ng agency na pinasukan ko. Hanggang sa nakakilala ako ng isang Pilipino doon sa America at tinulungan akong makauwi. Hindi nila ako pinabayaan dun, Nay. At balita ko pa nga may anak siya sa eskwelahang pinapasukan ng anak ko. Nay, pwede ka bang magkwento tungkol kay Joseph?"

"Aba! Marami akong maikukwento sa'yo. Ang sa aking pagkwento, sana'y matanggap mo siya ng tuluyan."

"Kahit anuman iyan, Nay. Tatanggapin at tatanggapin ko ng buong puso. Dapat ay mapunan ko ngayon ang maraming panahong pagkukulang ko sa kanya."

Nagkwento na si Nanay. Sinabi niya na ang anak ko ay may pusong babae. Tanggap ko iyon. Isang regalo iyon mula sa itaas para sa akin. Dahil ang mga tulad nila'y nagbibigay kulay sa buhay ng bawat tao, masasaya silang kasama, mga matatalino't maparaan.

Hanggang sa nagpatuloy pa si nanay sa pagkukwento. Nasabi niya rin na ito'y may boyfriend na at Fil-Am pa. Nakalimutan ni nanay ang apelyido. Sanhi na rin siguro ng kanyang katandaan. Huminto lang kami sa pag-uusap nang nagsimula ng dumilim ang paligid. Oras na para sa hapunan.

...

Kinabukasan...

Nagising ako ng maaga dahil sa gusto kung magluto ng mga pagkaing mis na miss ko ng lutuin. Pagkatapos kong magluto ay niyaya ko agad ang aking ina. Tumungo kami sa terrace at doon kumain ng breakfast. Tanaw namin ang paligid at madaling malalaman kung may tao sa gate. Sa pagpatuloy na aming masayang kwentuhan ay may sasakyang huminto sa harapan ng aming gate.

"Aba! May bisita yata tayo. Sino naman kaya iyan? Wala pa namang sinabi si Joseph na uuwi iyon. Dahil kapag umuuiw iyon ang nagsasabi talaga."

"Tinawag ko agad si Inday para buksan ang gate dahil sa ang driver ng sasakyang iyon ang pinindot ang doorbell."

"Bumaba ang tatlong kalalakihan. Lumakas at bumili ang pagtibok ng puso ko. Marahil isa sa kanila ang aking anak. Tanaw na tanaw ko na magkamukha ang dalawang lalaki. Marahil ay kambal ito. Tapos, ang isa naman ay..."

Naluha ako. Kamukha niya ang kanyang ama. Nakikita ko sa kanya si Celestino. Siya na nga ba ang anak ko? Ang anak ko na iniwan ko dito noong sanggol pa lamang? Patuloy ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. At natulala ako lalo ng kumaway ito kay nanay.

"Ada, ang kumaway ay ang anak mo."

"Nagtagpo ang mga paningin namin. Kita sa mukha ng anak ko na nagtataka ito. Marahil ay napapaisip din siya kung bakit umiiyak ang babaeng kasama ng lola niya dito sa taas ng terrace."



A/N

Sorry for the very very very late UD. -_-

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon