Chapter 15

4.1K 86 0
                                    

Sa eskwelahan...

"It's friday! Tonight is gonna be an awesome night again. Guys! Sinong sasama sa night out?" yaya ni Jonaby.

"Nah! I want to go home and enjoy the weekend. I hate noises and night outs." sabi ni Kristy.

"Ang kj mo, sis! Why don't we try to enjoy the night? Minsan lang naman 'to eh." suggestion naman ni Kristine na kakambal nito.

"Sure thing, Jon. I'll be there. Isama natin iba nating classmates. Yaain natin sina Joseph at Jack. It's so cool if andyan sila." ideya pa ni Aj.

"Alam kong may balak ka, Aj. Kilala na kita. Alam mo namang tayo lang ang magbestfriend na nag-aral dito at sa iisang kurso pa. Hahaha" pagmamayabang ni Jonaby.

"Shut your fucking mouth, bitch. Haha! or else sasabihin ko rin kay ..."

Hindi na pinatapos ni Aj ang kanyang dapat sabihin kay Jonaby dahil nakita niya papasok na sina Jack at Joseph sa kanilang silid. Tumungo din naman agad si Jonaby sa upuan niya habang sinalubong naman ni Aj ang dalawa.

"Joseph at Jack, sama kayo mamaya sa lakad namin. Hang out tayo! Go na!" yaya ni Aj sa dalawa.

"Sorry but I'm not into it and besides we're going to explore Capiz tomorrow." sagot ni Jc.

"So, sino kasama mo?" tanong ni Aj.

"Si Seph. Uuwi kami sa bahay nila. Bibisitahin namin ang Lola niya at igagala niya ako sa kanilang magagandang resorts, beaches at magma-mountain climbing pa kami." pagmamayabang ni Jc.

"Ang daya naman! Pwede bang sumama? Di ba, may aswang dun?" kita sa mukha niya ang pagkadismaya at pagkainggit sa mukha ni Aj.

"Joseph, isama mo naman kami oh!" dugtong pa ni Aj.

''Ah eh! Hindi ako nakahingi ng permiso kay Lola. Sa susunod na lang kung pwede.'' sagot pa ni Joseph.

"Aasahan ko 'yan ah. I want to enjoy exploring Capiz at gusto kong malaman kung totoo ang bali-balibatang may aswang nga doon." sabi pa ni Aj.

''Hahahaha! Walang aswang doon. Haka-haka lang ang lahat ng 'yun. Ako nga ay gustong-gusto ring makakita at ang mga yan daw ay fallen angels, sabi ng ibang relihiyosong matatanda doon sa amin.'' sabi ni Joseph.

"Ah ganun ba? Basta next time igala mo rin kami dun ah." sabi ni Aj.

...

Natigil na ang kanilang pag-uusap ng dumating na si Ma'am K.

"Good morning, Ma'am K." sabay-sabay na pagbati sa kanilang guro.

"Good morning, class. Today, I'll tell you what would be your group activity to be performed two weeks from now." ani Ma'am K.

"Okay, Ma'am." pagsang-ayon ng klase.

"It seems that all of you have a partner already. So, your activity will be a conversation between two lovers. It depends on how you perform it. You can integrate it into a song or an interpretative dance. Or a mellow-drama type of conversation like in a soap opera. " pag-explain ni Ma'am K.

Nagulantang ang lahat sa mga sinasabi ni Ma'am K sa kanila. Hindi nila alam na ganun pala ang ipapagawa sa kanila.

"Waaaaahhh! It's so cool! Yes! Finally, may moment kaming gagawin ng partner ko." pagsigaw ni Jonaby.

"Uy! Kasama niya ang crush niya." tukso pa ng isa nilang kaklase.

Nahiyawan tuloy ang lahat at tinukso na nila si Jonaby. Pero tamihik lang ang dalawa - si Jc at Joseph.

"Don't worry, I'll behave. It's just an activity." sabi pa ni Jc kay Joseph habang hawak ang kamay nito.

Namula na naman si Joseph dahil sa ginawa ni Jc. Ngumiti na lang ito.

"Now, I'll arrange your seats according to your pair numbers." sabi pa ni Ma'am K.

At dahil doon ay sumimangot naman ang mukha ni Joseph dahil makakatabi niya si Aj na ubod ng kulit. Wala silang magawa dahil 'yun ang gusto ni Ma'am K.

"Okay, class. I'll go ahead. Use my remaining time to share your ideas with your partner. You may also start practicing." pagpaalam ni Ma'am K.

...

Bumugong na naman ang ingay ng klase dahil sa pagshare ng ideya ng mga gagawin ng magkakapareha.

"We're going to have an interpretative dance."

"I think, singing duet is great!"

"I don't have talent, I want a simple conversation."

Samut-saring ideya ang nagsilabasan sa klase subalit tahimik lamang sina Joseph at Jc.

"Joseph, anong gusto mong gawin natin?" tanong ni Aj.

"I have an idea. Ewan ko lang kung gusto mo 'to."

...

Sa kabilang dako naman ay kinakausap ni Jonaby si Jc.

"Jc, what is your plan in our activity?"

"I don't have a plan yet. Do you have any idea?"

"Why don't we dance?"

"I don't know how to dance."

"Sing a song?"

"Oh! I hate that stuff. I have a voice of a monster."

"Well, our last choice will be a conversation."

"You may write a piece this weekend and share it to me on monday, what do you think?"

"Sure! Wait! Do you have a facebook account? IG? Skype? Twitter? Etc?"

"I'm so sorry but I don't have one."

"Oh! How about your phone number? Home address. Well, I'm sure you have those."

"I don't want to give my number and address. As what I've said, share your written piece on monday. If you can't understand, go and find a new partner."

Natahimik bigla si Jonaby dahil sa ginawang pagsagot ni Jc sa kanya.

"You know what? You're so suplado. I like you pa naman sana."

"Yes, I am. Most especially when I encounter a very talkative person."

Nagbangayan pa ang dalawa. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga kaklase nito.

"Uy! Ang sweet nila oh! Tandaan niyo, The more you hate, the more you love." tukso ng isa nilang kaklase.

Maging si Joseph ay napatitig din sa kanila. Nakita rin ni Jc na nakatitig sa kanila si Joseph.

Tumigil na ang ingay na pumapaloob sa kanilang silid nang nagring ng bell para sa susunod na subject.

...

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ng dalawang binata lalong-lalo na't alam na nilang may gusto si Jonaby kay Jc.

Paano pa kaya kung malaman pa nilang gusto naman ni Aj si Joseph?

Paano na ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawa? Hindi pa nga sila pero mayroon ng namumuong harang sa kanilang pag-iibigan.

Ano kaya ang susunod na mangyayari?

...

Uuwi na sina Joseph at Jc sa probinsya. Ano kaya ang magiging experience nila na magkasama sa kanilang weekend adventure sa probinsya nina Joseph? Tunghayan ang mga susunod na kabanata.

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon