Chapter 23

3.3K 65 3
                                    

Justin's POV

Tama nga ang sinabi ng pinsan kong si Aj. Talagang napaamo nitong si Joseph. Ewan ko nga ba kung bakit biglaang nagkagusto ako sa kanya. Lakas bigla ng tama ko. Mag-iisang linggo ko na rin siyang ini-stalk. Worth it naman kasi mas nakikila ko pa siya. Mula sa kung sino ang lagi niyang kasama sa school, sa pag-uwi at sa kung saan ito nakatira. Mayroon lang akong isang problema. Itong kasalukuyan niyang boyfriend na si Jack. Kinakailangan kong burahin siya sa paningin naming dalawa ni Joseph.

Mula ako sa kabilang unibersidad. Tinangka ko talagang mag-transfer upang mas mapalapit kay Joseph. Hindi niya ako kilala pero masaya akong nakausap siya kanina bago pa sila umuwi ni Jack. Pesteng kano!
Talagang epal siya sa diskarte ko para kay Joseph. Alam kong boyfriend siya at ako? Wala! Isang bagong schoolmate. Isang bagong kaibigan. Pero gagawin ko pa rin ang lahat upang mapagtagumpayan ang puso ni Joseph. Yes! Isa akong adik sa pag-ibig at ibubuhos kong lahat mapasaakin lamang siya. Akin lang si Joseph. Aagawin at aagawin ko siya mula kay Jack.

Ako si Justin Santiago, hinding-hindi susuko sa pag-angkin ng puso ni Joseph. Siya ang bago kong pangarap, natatangi kong mahal

Sa eskwelahan...

Hey! Good morning, Joseph!

''Good morning din sayo, Just.''

It's so great to hear you to me that.

''Eh, para maiba. Nagkakilala lang tayo kahapon pero parang gaan na agad ng pakiramdam ko sa'yo.''

It's okay, Joseph. At mas gagaan pa pakiramdam mo kung mas maging close tayo sa isa't-isa.

''Yeah! May point ka. But, Justin sorry ha. Nagmamadali kasi ako. We have our group activity.''

Can I watch?

''Sure! Sa may MDS Hall gaganapin ang activity. Punta ka lang.''

Okay, I'll be there. I'm gonna watch your performance.

''Toinks! Kakahiya naman. Sige mauna na ako ha. Seeyah!''

...

Umalis agad si Joseph na may iniwang matatamis na ngiti dito sa aking labi. Ang saya ko! Abot tenga ang ngiti ko. Tang ina! In love ako sa kanya. Lakas ng tama!

Naalala ko bigla na niyaya niya akong manood ng activity nila sa Miriam Defensor-Santiago Hall. Kailangan kong ma-fix ang mga bagay na dapat kong tapusin upang walang magiging aberya mamaya sa panonood ko.

...

Ready na akong manood sa activity nina Joseph. I have no idea kung anong activity ang gagawin nila. Well, I definitely don't care as long as makita kong nagpi-perform sa intablado ang crush ko. Ah! Hindi pala crush, mahal ko pala. Yes! I'm in love with him since the first time I saw his naive face which is full of innocence.

Papalapit na ako sa may MDS Hall ng narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga estudyante kaya binilisan ko ang pagtakbo patungo sa loob at saktong-sakto dahil si Joseph na ang umaakyat sa stage. May biglang simangot sa mukha ng umakyat din ang kasalukuyan niyang boyfriend - si Jack. Naghanap ako ng pwesto bago pa man sila mag-umpisa. Nagtanong ako sa estudyanteng malapit sa'kin kung anong activity ang nagaganap. Conversation between lovers daw. Naku! Di ko yata magugustuhan ang susunod na mangyayari. At nagsignal na ang teacher na nasa baba ng stage upang sila ay mag-umpisa.

Unang nagsalita si Joseph.

JOSEPH:

"Intimate Love"

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon