Chapter 6

7.3K 138 0
                                    

Joseph's POV

Wala talaga siyang balak na ibalik ito. Naiinis ako. Wala ako sa sarili, sa konsentrasyon para makinig sa lecture at wala talaga sa mood para limingon kung kanino. Aaah! Oo! Matampuhin ako! Madaling mainis! Pikon in short! Ganito ako eh!

...

Pagkatapos ng klase namin ay hindi ko na pinansin si Jc. Dali-dali akong lumabas ng silid at naglakad ng mabilis upang ako ay makauwi na.

Habang akong naglalakad sa kalsada ay nakita ko sina Vic at Jonie na magkaakbay at nakita rin nila ako.

"Seph, para yatang mainit ulo mo. May nakaaway ka ba sa school? Gusto mo upakan natin?" pagmamayabang ni Vic.

"Basta, Seph. Kung may nang-aaway man sa'yo sa loob ay sumbong mo lang sa amin. Ituring mo na akong kuya para masaya." dugtong pa ni Jonie.

Alam niyo? Ang kokorni niyo. I'm fine. Wala akong kaaway. Medyo naiinis lang ako.

"Naiinis sa?" tanong ni Vic.

Sa kaklase kong ubod ng kulit, pasaway at napakatigas ng ulo. Aaahh! Ang Jc na 'yun talaga! Hmp!

Habang napapakamot ako sa ulo ko ay sabay nila akong tinitigan. Titig na para bang nanghuhusga, may gustong malaman at punong-puno ng curiousity.

"Insan, straight to the point ah. Walang pasakaye ha. May gusto ka ba kay Jb?" ani Vic.

Natameme akong bigla sa kanyang katanungan. Hindi ako nakasagot. Nanatili akong tahimik, tikom ang bibig at tulala dahil sa pagkabigla.

Bakit ganito? Joseph! Ang tanga mo. Bakit di ka sumagot. Kung anu-anong tanong sumasagi sa utak ko.

"Vic, alam na this! May gusto nga itong pinsan mo sa amerikanog hilaw na yun." tukso pa ni Jonie.

Tumahimik na kayo. Aalis na ako. Isipin niyo na ang gusto niyong isipin. Hindi pa ako handa sa mga bagay na 'yan.

Umalis na ako at iniwan na ang dalawa. Dire-diretso akong naglakad ng biglang...






Booooooooooooooooooogsh!




Nauntog ako sa kung anong matigas. Napa'ouch ako ng  natumba. Nagulat na lang ako ng  may kamay na nakalahad upang ako ay patayuin. Tiningnan ko ang kamay ng mabagal tungo sa nagmamay-ari nito. Nanlaki ang mata ko! Isang matipunong lalaki. Ang ganda ng katawan. Kahit simpleng plain gray shirt at jeans ang suot niya ay bakat na bakat ang maganda niyang katawan. Sadyang nakakabighani. Sa palagay ko'y nasa 20-24 na ang edad niya. Napakahirap hulaan.

"I'm sorry, little cutie. Hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko. I'm such an idiot." patuloy na paghingi ng paumanhin ng lalaking ekstranghero.

Okay lang po ako. Sige po alis na ako.

"Are you in a hurry?"

Bakit po?

"I want to invite for a snack. Are you free?"

I'm free but...

"I won't accept any answer but yes."

Hindi ko naman po kayo kilala eh.

"That's exactly the point. We don't know each other. So, in order for us to know each is to have a little to introduce ourselves, right?"

Fine. Saan naman?

"Sama ka sa akin. Doon tayo."

Sumunod ako sa kanya. Tinungo naman ang isang parking area.

Sa'yo 'yan?

"Yup. Actually, kay Papa ito. Binigay lang sa akin noong 21st birthday ko. Pasok na."

Ayoko. Uwi na lang kaya ako.

"Huwag kang matakot. I'm a good driver."

Hindi ko maiwasang mailang sa sinabi niya. Bakit kasi lahat ng bagay ay binibigyan ko ng kahulugan? Napaka-malisyoso ko naman.

"Ano? Diyan ka na lang ba?"

Papasok na po.

"Saan mo gustong kumain?"

Doon tayo sa paborito ko. Sa Jb.

Tinungo na namin ang pinakamalamit na mall na mayroong Jb. Sinabihan ko agad siya na gusto ko ng spaghetti, fries, chickenjoy at yum.

Tinungo niya agad ang counter at pagkakuha ng in-order niya ay umupo na rin sa harap ko.

"You really love this food, don't you?"

Ah eh oo! Hehe :)

"Oh my! You're so cute kapag nakangiti."

Po?

"I said, you're cute."

Aba! Ewan ko po sa inyo, kuya.

"I'm Denmar Angeles, 22. Taga diyan lang sa kabilang bayan."

I'm Joseph Santos, 17. Doon lang din ako umuuwi malapit sa school.

"Bagay sa'yo ang pangalan mo. You're so cute, naive and angelic."

Kuya, I mean Denmar, pasensya ka na ha. Wala akong piso dito eh. Pwede kaint muna bago dada?

"Holy cow! Ang cute mo talaga."

Ewan ko sa'yo. Kapag hindi ka tumahimik ay aalis agad ako.

"Fine! Let's eat."

Effective ang pananakot ko. Pero ano itong nararamdaman ko sa taong 'to? Kakakilala ko lang ay ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya. He looks like a kuya to me.

Natapos na kaming kumain at hinatid niya na ako. Habang nasa biyahe ay napadami ang kanyang pagkwento tungkol sa kanyang buhay. Napag-alaman ko na siya ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang chef sa sarili nilang restaurant near our school. Lagi daw siyang pumupunta sa gym. Halata naman sa katawan niya eh.

Hanggang sa ako naman ang nagkwento ng buhay ko. Napapatawa siya sa mga kwento ko. Naikwento ko rin sa kanya si Jc.

"Huwag madaliin ang pag-ibig. Hayaan mo lang ang pag-agos nito. At kusa itong uusbong''

Wow! Humuhugot ah!

Pero may point siya. Hayaan ko lang daw na mag'flow ang takbo ng buhay pag-ibig ko. Nakarating na ko sa bahay at sinabihan niya ako na sana ay makalabas ulit kami at ituturing ko daw siyang kuya. Kaya Kuya Denmar na tawag ko sa kanya.

...

Pumasok na ako sa loob. Nakita ko ang oras. 7pm na pala. Hindi na ako nag'dinner. Pumasok na lang ako sa silid. Naligo at pagkatapos ay nagdive sa akin kama.

At pumasok na naman sa isipan ko ang Jc na 'yun.

...

Sa araw na 'yun kung saan inagaw niya sa akin ang poem na gawa ko ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Siguro napagtanto niya na siya ang tinutukoy ko doon sa poem. Aaaaahhh! Bakit kasi napaka'careless ko. Di ko man lang naitago 'yun ng maayos.

Teka nga lang. Bakit nga pala ako nagkakaganito? Alam kong siya nga ang tinutukoy ko pero bakit? What I mean is bakit ganito na lang ang pagkakaugaga ko at pagkakataranta? Ito na ba talaga ang pakiramdam ng may gusto sa isang tao? Ito ba ang sinasabi nilang pag-ibig?

Ayoko! Ayoko! Hindi pa ako handa upang magkaroon nito. Pero sabi nga ng iba ay kapag dumating daw ito'y mahirap ng iwasan. Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon