Chapter 26

2.9K 64 3
                                    

Joseph's POV

Matapos ang aming performance ay maraming nagtatanong kung may relasyon ba kami ni Jc. Hindi ako sumagot at ganun din si Jc. Ginantihan na lamang namin ng ngiti ang bawat mag-aaral na walang tigil sa pagtatanong. Naisipan tuloy ni Jc na manlibre na lang sa canteen para lang tumigil sila sa kakatanong.

''Baby, manlibre na lang ako. Maganda naman result ng performance kanina. Ipadiwang natin.'' Bulong pa niya sa akin.

Hindi ko na siya pinigilan. Tama naman siya. Dapat lang na ipagdiwang 'yun at para na rin tumigil ang mga makukulit na ito.

...

Sa Canteen...

''Ang galing talaga ng ginawa niyo, Joseph at Jc. Nagmukha kayong magjowa 'dun.''

''Oo nga! Daig niyo pa ang magkasintahang babae't- lalaki.''

''Pinagplanuhan niyo ba talaga ang ginawa niyong iyon?''

Iba't-ibang komento't katanungan mula sa aming kaklase ang hinarap namin dahil sa ginawa namin ni Jc. Paano ko sasagutan ang mga katanungang ito? Mahirap kaya ang magsinungaling. It's really hard to lie or even to pretend of something that you are not. Yes, I am true to myself but not in to others. Kaya nganga talaga ako sa mga kaklase kong ito.

''Ah eh ..''

Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihing ng biglang nagsalita si Jc.

''Kami kasi  ni Joseph.''

Napanganga ako sa sinabi niya. 'Yun nga ba ang tamang sagot para sa katanungan ng aming mga kaklase? Sa palagay ko naman ay oo pero paano ngayon 'to? Paano na ang mga sasabihin ng ibang tao?

''Hahahahaha''

Sabaysabay na pagtawa ng aming mga kaklase.

''Jc, are you serious? Eh, pareho naman kayong lalaki.'' tanong ng isa naming kaklase.

''Yeah. Actually, matagal na kaming may relasyon. We kept it for our safety and to avoid from judgemental people. I'm hoping that you guys do not belong.''

''Oo, guys. Sorry if nilihim namin ang relasyon naming ito.'' pagdugtong ko pa.

''Jc at Joseph, tanggap namin kayo. Marami pang tulad niyo ang nasa paligid. Nagtatago at natatakot dahil sa ayaw nilang madama ang kapintasan ng lipunan.''

''It's true, Jc and Joseph. We are so proud nga kasi malakas ang loob niyo. Go lang! Just ignore the judgemental people. As long as both of you are not doing nasty and irresponsible thing, go lang!''

Laking gulat ko sa mga sinabi ng mga ka-close kung mga kaklaseng 'to. Todo support talaga sila.

''Thank you, guys! Oh! Enough of drama. Let's it!''

''Tama si Baby. Tara kain na muna''

''Baby daw oh! Woah! Ang sweet!'' kantsaw pa nila.

''Sure, baby.''

Patuloy na sa pagkain ang aming mga kaklase. Katabi ko naman si Jc. I'm so happy that at least we admit our relationship to some of our friends. Next time, malalaman at malalaman na rin ng karamihan. Dapat akong maging handa para sa kakahapin naming pagsubok baka sakali.

...

Sa gitna ng kanilang kainan at usapan ay nag-ring ang phone ni Jc.

''Baby, sorry I need to answer this call.''

''Sure. Go ahead. It looks important naman eh.''

Hindi ko na tinanong kung sino 'yon. Mukhang importante talaga kasi bothered ang mukha niya ng makita niya kung sino ang tumatawag.

''Okay, guys kain lang muna kayo ha. Punta lang ako ng cr.''

Hindi ko binalak na sundan si Jc. It just happened na pupunta ako sa cr. Sa 'di kalayuan ay narinig ko ang kanyang malakas at pagalit na boses.

''Why did you came here? Are you here to ruin my life again?''

''Shut up! I want you to go back to Canada ang never ever come back here!''

Hindi ko na itinuloy ang pagpunta sa cr. Sa halip ay bumalik na lang ako sa aking mga kaklase.

''Sino kaya ang kausap ni Jc? Hmmm. Ayokong tanungin siya. I'd better wait for him to share it with me.''

...

''Baby, sorry ha. May kinausap lang ako.''

Mukhang chill lang itong si Jc. Pero halata pa rin sa mukha niya na nag-aalala siya.

''It's okay. Time to go home?''

''Sorry, baby. Hindi kita maihatid ngayon. May kailangan akong asikasuhin.''

''Oh! Okay lang. Ikaw talaga. Huwag kang mag-alala.''

''Thanks, baby. Mwuah!''

Binigyan niya ako ng isang mainit na halik na siyang nagpakilig na naman sa akin.

...

Dahil nga hindi kami magkasamang umuwi ni Jc. Dumaan muna ako kina Aling Gloria para magpaload. Ilang araw na rin akong hindi nagpapaload eh.

''Aling Gloria, magandang gabi po!''

''Hijo, magandang gabi din. Anong maitutulong ko sa'yo?''

''Gusto ko po sanang magpaload. Hehe''

''Okay, hijo.''

...

Agad akong nagparegister para maitext ko naman ang mga kaibigan ko. Kinamusta ko silang lahat. Ang iba'y nakapagreply, ang iba naman ay busy lang siguro.

Kumain na kami ng dinner. After that, umakyat agad ako. Nagpahinga ng konti at saka pumasok sa banyo para maligo.

Papasok na sana ako ng banyo ng biglang nag-ring ang aking cellphone. Agad kong kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Numerong hindi nakaregister sa phone ko. Hindi ko ito sinagot. Iniwan ko na lamang ulit sa taas ng kama ang aking cellphone at dumiretso na sa banyo.

''Hmmm! Sarap ng pakiramdam kapag bagong ligo. Tanggal lahat ng stress.''

Paglabas ko ng banyo ay agad akon, nagbihis. Pagkatapos, kinuha ko na ang phone ko para itext si Jc.

Pagkahawak ko ng phone ay napakaraming missed calls. Hindi ko talaga alam kung kanino galing. Sa sobrang dami ay tinext ko na lang para malaman kung sino ito. Maya-maya pa ang tumawag ulit ito at agad ko ring sinagot.

Laking gulat ko dahil agad kong nalaman kung sino ang tumatawag. Si Justin! Ano kaya ang kailangan niya at napakarami ng missed calls.

''Hello? Justin, right?''

''Yes, it's me Joseph. I have something to tell you.''

''Oh! Ano 'yun, Just? Importante yata yan kasi nakailang missed calls ka eh.''

''Medyo o oo talagang importante ito. Wait, ask muna ako. Nagkatampuhan ba kayo ni Jc?''

''Hindi. Maayos nga kaming umuwi kanina kahit na hindi magkasama.''

''Okay. I'm here in Smallville. Sa isang malaking bar at andito rin si Jc. According to my new friend, naghahanap daw ito ng bf. Actually, he's approaching papunta sa table namin kaso tumakbo agad ako papuntang cr para tawagan ka. Worried lang ako.''

''WHAT?!!''

''Hindi ko nga alam kung babalik pa ako dun sa table ko. Punta ka kaya dito? Sunduin kita sa labas. Text ko sa'yo ang address. Okay?''

''K.''

...

Dali-dali na akong nagpalit ng damit at tumungo agad sa lugar kung nasaan si Justin. Kinakabahan ako sa mga pangyayaring ito. Bakit naglilihim si Jc sa akin? Hindi niya na ba ako mahal? Bakit naghahanap siya iba? Aaaah!!! Ang gulo ng ng isip ko.

May kinalaman kaya yung tumawag sa kanya kanina?

Kailangan kong malaman ang lahat ng dapat kong malaman.

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon