Chapter 30

3.3K 87 10
                                    

Joseph's POV

Hindi ko talaga alam kung paano nagawa sa akin ni Jc ang bagay na ito. Why did he broke my heart easily? I was just thinking na marahil ay may gusto siyang gawin na hindi ko maibigay. If he was seeking for a person to make love with, ako iyon! Ako lang. Eh bakit ba naman kasi hindi ko pa maibigay? Alam kong may pangangailangan ang bawat tao mapa-lalaki man o babae pero sana hinintay niya munang maging handa ako. Nag-aalangan at natatakot pa kasi akong gawin ang bagay na iyon. Sana kinunsulta niya muna sa akin kung anuman ang problema para alam naming pareho at baka magawan naming masolusyunan. Hindi niya kailangang maghanap ng iba. Waaaagh! Why am I acting so paranoid! Baka naman may iba pa siyang rason maliban sa bagay na 'yun. Pero hindi eh. Dapat talaga ay nag-coordinate siya sa akin. Hindi ko kaya 'to!

...
Tok-tok-tok
(May kumatok sa pinto.)

Pasok.

''Joseph, okay ka lang ba? Kanina ka pa nakakulong dito ah. Anong problema? Baka naman makatulong ako.'' ani Victor.

Pumasok ka.

''Alam kong hindi ka okay. Ito ang una mong relasyon, tama? At ito rin ang unang pagkakataon na masaktan ka? Ganyan talaga. Malay mo, pagsubok lamang ito upang malaman kung gaano katatag ang relasyon niyo ni Jack. Alam kong magkakaayos din kayo.''

Sana nga ganun lang kadali 'yun, Victor.

''Why don't you confront him?''

How? Kanina pa ako naghihintay ng text o tawag niya. Ni isa - wala!

''Tahan na. Malalampasan mo rin ito.''

Umiiyak ako ng umiyak at binigyan naman ako ng isang mahigpit na yakap ni Victor kung gusto niya ng patigilin ako sa pag-iyak subalit kusang lumalabas ang luha sa aking mga mata. Parang hindi maubos.

Napahinto na lamang ako ng kumatok si Tita at nagsabing nasa baba daw si Jack.

Kinalma ko muna ang sarili na siya ring suhestiyon ni Victor. At agad din kaming bumaba.

...

Napadalaw ka yata?

Nagulat ako sa nasabi ko. I don't why lumabas ito ng kusa sa bibig ko. Marahil ay galit lang ang rason kung bakit ko ito nasabi.

Sorry, baby.

Baby? Ilan ba kami ang dapat mong maging baby?

Walang anu-ano'y hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami patungo sa labas ng bahay.

Baby naman eh. Anong pinagsasabi mo? I'm just busy with my family.

Sinong niloloko mo? Kitang-kita ng dalawa kong mata na may kahalikan ka sa bar.

Wala akong ginagawang ganyan. Baby naman makinig ka at ipapaliwanag ko.

Ipaliwanag ang alin?

Ipapaliwanag ko ang lahat.

Wala ka ng dapat ipaliwanag. Maaari ka ng umuwi. At 'wag mo na akong gambalain pa.

Baby, makinig ka muna.

Matutulog na ako. Goodbye.

Ganun lang ba kadali ang mawala ang tiwala mo sa akin, Joseph? Hindi mo man lang ba ako pakikinggan?

Tumalikod na ako ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Naninikip ang puso ko sa mga salitang binibitawan niya. Tama siya, unang beses pa lang itong nangyari ngunit hindi ko man lang siya kayang pakinggan sa kanyang mga paliwanag.

Dumiretso lang ako sa paglakad papasok sa bahay at hindi na lumingon pa. Marahil makikinig ako sa paliwanag niya pero hindi muna ngayon.

Jc, baby ko. Huwag kang sumuko dahil hindi rin ako susuko. Bigyan mo muna ako ng konting panahon upang maghilom ang sugat sa puso ko. Walang bibitiw.

Nakapasok na ako sa bahay at tumalima agad tungo sa kwarto at doon ko ulit itinuloy ang aking pag-iyak.

...


A/N

Pasensya na po. Medyo maiksi ang update na ito. Sana po maintindihan ninyo. Maraming salamat nga pala sa patuloy niyong pagsubaybay.

Sisikapin ko po na matapos ito within January para may next story na.

''It's All Started with a Tease''

COMING SOON.

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon