Chapter 4

9.1K 157 2
                                    

Joseph's POV

Hay naku! Bakit siya ganun? What I mean is, napaka-bulgar niya. May pagka-manyak pa ang loko. Palibhasa ganun nga naman talaga siguro sa America. Liberated ang mga tao. Balita ko nga noon ay 14y/o pa lang ay hindi na daw V. Haha :)

Sinusubukan kung lumayo sa kanya kaya lang ay natatakot ako dahil wala siyang kaibigan o kakilala man lang dito. Ayoko namang magantso o maloko siya dito. Hay naku! Magiging mabigat na responsibilidad ko pa at hindi kaya ng konsensya ko.

Early na naman akong umalis sa bahay at halos hindi na nga pala kami nagkakasabay ni Vic dahil napag-alaman ko na sila na ni Jonie, yung lalaking nakilala niya sa school. Masaya ako para sa kanila. Bihira kasi dito sa amin ang open sa public na relasyon pagdating sa same sex relationship. Most of the people kasi dito ay mga relihiyoso at konserbatibo kaya tuloy nahihiya at natatakot ang mga parte ng LGBT na lumantad sa publiko maliban na lang sa ibang haliparot na kabaklan kung saan lantaran kung maghasik ng lagim.

Aaminin ko sa sarili ko na bisexual ako. Lalaking may gusto sa babae at kapwa lalaki subalit pormal ako. Ayoko kasing madungisan ng kahihiyan ang pangalan ko, ayoko sa mga issue at panlalait ng mga tao at ayokong maloko't masaktan na nakikita at nalalaman ko base sa social media at mga high school friends ko.

Kaya sadyang napakalaki ng problemang kinakaharap ko ngayon. Itong si JC, yun na ang tawag ko sa kanya. Hindi na masagwa at bagay pa talaga sa kanya.

...

Sa eskwelahan...

"Hi, Jc!"

"Jc, akin ka na lang."

"Angkinin mo 'ko ng buong-buo, aking Jc."

"Jc, single ako. Single ka rin, di ba? Tayo na lang, pwede?"

Ahh! Nakakarindi na talaga! Naiinis na ako sa mga malalandi't haliparot na mga bakla at babeng 'to. Halos ialay lahat para lang sa kay Jc. Paano ba naman eh ang gwapo naman talaga kahit ikumapara ako dun ay nasisigurado kong lamang pa rin siya ng ilang ligo. Sa totoo lang ay cute naman talaga ako, panget lang ang pagporma. Sanay na kasi ako sa pagsuot ng kung ano lang na pormal ngunit kaaya-aya naman kahit papaano. Yung tipong nerdy type ako. Walang ibang gawain kundi ang mag-aral ng mag-aral.

"Joseph, ngiti naman dyan oh! Ayokong nakasimangot ka. Pero kahit anong mood mo ngayon ay cute mo pa rin tingnan." sabi pa niya.

Tumahimik ka sa pambobola mong Jc ka ah! Porke't pasok ka na sa Varsity Team ng school ay kaya mo ng gawin lahat ng gusto mo. Manigas ka!

"Di kita binobola. You're cute and hot."

Pagsambit niya sa huling word ay namula na naman ako. Hindi ako sanay sa mga ganyang usapan. Sanay ako na mahinahon at punong-puno ng kapormalan ang pag-uusap doon sa bahay namin kasama ang aking Lola Matilde.

"See? Nagba-blushed ka na naman oh! Mas na-turn on tuloy ako, sumasang-ayon kasi si Junjun."

Aaaaah! Tumahimik ka!

Walang anu-ano'y umalis na ako at iniwan ko ang manyakis na 'yun dun. Naghanap ako ng magandang spot para makapagpahinga at magawa ng poem.

May nakita akong lugar kung saan may isang malaking palm tree na pinalilibutan ng bermuda grass. Isang napakagandang spot para sa akin.

Finally! Malayo ako sa mga istorbo at maiingay na mga estudyante. Dito ay pwede akong mag-umpisa sa pag-gawa ng poem na aking libangan kapag walang magawa. Kung bakit naman kasi wala ang Prof. namin sa 9am - 10am class.

Ano kaya ang pwede dito? Ah! Heto na lang. Hindi, mas maganda 'to.

Haha! Para akong baliw na kinakausap ko ang sarili ko habang gumagawa ng poem. Sa maikling oras ay nakabuo ako ng poem. Di ko na na-check ang grammar bahala na. Basta nagra-rhyme okay na ako.

Forever

My heart beats fast whenever you're near
Don't go too far, I will feel the fear
You serve as the sound of music to my soul
I, as your friend is such a great role

I already carved you here in my heart
I've done it well like a wonderful art
You're my masterpiece that I surely treasured
For you and I plenipotentiary pleasured

No matter what they say or what they do
No one could stop me when I'm with you
Sometimes I laugh, blush and cry
But my love as a friend will never die

There's no absolute value for you to compare
I'll offer my all and nothing to spare
For you, my love is raised in the nth power
And the value of n is what we called, "forever".

Paano ko nasulat 'to? Bakit siya ang nasa isip ko habang sinusulat ko ang poem na 'to? May ibig bang sabihin ang poem na ito?

Gulong-gulo ang isip ko. Di ko alam kung bakit siya biglang pumapasok sa aking isipan. Aaaaah! Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari ang kung ano man itong nasa isip ko ngayon.

Kailangan ko ng umalis. May next period pa ako. Sana talaga ay di pumasok ang mokong na yun.

...

"Andito ka na pala. Saan ka galing?"

Tsktsk! Nauna pa talaga siya dito sa classroom.

"Bakit ka nakasimangot? May kasalanan ba ako sayo?"

Walang tigil siya sa pagtatanong.

Pwede ba? Tumambay lang ako doon sa lugar na di maingay upang makagawa ng gusto kong gawin.

"Ano ba ang ginawa mo doon sa lugar na 'yun?"

Gumawa ng hobby ko. Ang paggawa ng poem.

"Poem?"

Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata. Para siyang nakakita ng ginto at gulat sa pagkakasabi ko.

"You're indeed something to be discovered and treasured."

Sabi pa niya. Hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin.

"Konti lang kasi ang Math Major na may talent na ganyan. Baka sa susunod gulatin mo ako na marunong ka rin palang kumanta at sumayaw." pagpapaliwanag pa niya.







Whatever! Uupo na ako.






"Wait!"










Ano ba! Ibalik mo 'yan!








Kinuha niya ang poem na gawa kung saan nakaipit sa librong dala-dala ko.

Ibalik mo nga 'yan!

"Ibabalik ko 'to after kong basahin."






"Wooh! Forever?"



Tsktsk! Wala na akong nagawa. Nasa kamay niya na ito at kasalukuyang binabasa. At namumula na naman ako. -_-

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon