Sinuot niya ang suit na nakasabit sa likod ng kaniyang upuan at kinabit din ang kaniyang necktie.

Nanlaki naman ang aking mga mata't muling napatingin sa may orasan. It's almost ten thirty and I'm not yet getting ready for work.

Speaking of work... pangatlong half-day ko na 'to kapag papasok pa ako ngayon. It means, magkakaroon na ako ng suspension.

Kinagat ko ang aking ibabang labi't bahagyang pinalo ang aking noo.

"Why are you hitting yourself?" nakakunot-noong tanong sa akin ni Sean.

"Tatlong beses na magkakasunod na akong naghalf day. May suspension na ko at mababawasan pa ang sahod ko." problemado kong sabi. "Saan mo ako ilalagay na department para magserve?" tanong ko sa kaniya para mapaghandaan ko na ang sarili ko.

That's a policy in Sarto. Kapag nakatatlong half-day ka na ay mayroon kang suspension. Mababawasan ang sahod mo ng one thousand five hundred at ilalagay ka sa isang department para magsilbi doon for five hours.

"Do you think that I'll give you a suspension and punishment?" he sarcastically asked me.

Napangiwi naman ako. "I want to be fair with the others, Sean."

"Then you'll serve me." simpleng sabi niya't ngumiti sa akin. "That's your punishment."

I felt my cheeks warmed up. I didn't know that he can produce these kind of words. Kailan kaya ako masasanay?

"Wash up and get ready for work after you eat. I'll wait for you in the living room." sabi niya naman sa akin bago lumabas ng kusina.

Minadalian ko na ang pagsubo ng natitirang kanin at ulam sa aking plato saka patakbong umakyat ng hagdanan.

Inamin kong wisik-wisik nalang ang ginawa kong pagligo para lang hindi mapaghintay ng matagal si Sean. Sa pabango nalang ako bumawi at sa pag-aayos sa aking sarili.

Nang matapos ako'y agad akong bumaba ng hagdanan. Tumayo naman si Sean nang makita akong pababa na. Tumungo siya sa pintuan at binuksan na ito para sa akin.

Dumiretso agad ako sa may garahe at pinindot ang key fob nang makalapit ako sa aking sasakyan.

"Sandra." Sean suddenly called me when I'm about to go inside my car.

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?"

"You're riding with me." sabi ni Sean at pinatunog na rin ang kaniyang sasakyan bago nagmartsa papalapit sa akin upang higitin ako papasok sa passenger seat ng kaniyang sasakyan.

"Sean, makikita tayo ng mga katrabaho ko. Nang mga employees mo." nag-aalalang sabi ko nang makapasok siya sa may driver's seat. "Kaya ko namang magdrive patungo sa office like I always do—"

"Everything's changed starting last night, Sandra." sabi naman niya't pinaandar na ang makina. "This is just a simple way of making up to you."

Isang busina ang kaniyang ginawa at agad namang umaksyon ang guwardiya upang mapagbuksan kami ng gate.

"Pero ano nalang ang sasabihin ng mga ka-officemate natin, Sean?" I asked him, slightly worried that Sarto's employees might see us together.

Hindi sa ayokong makita nila kaming magkasama ni Sean. Ang sa akin lang ay baka pag-usapan kami ni Sean at alam kong ayaw ni Sean nang ganoon.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon