Chapter 24

3K 72 2
                                    

"May kinalaman ka sa pagsira sa pangalan ng Stacey na iyon?" Tanong ko kay tito Kei.

"Nararapat lang sa kanya iyon. Tingnan natin ngayon kung hindi pa siya mapahiya sa nangyari kahapon. Mali ang pamilya na binangga ng babaeng iyon. At saka may mga babaeng officers na ayaw sa kanya, unang kita pa daw nila sa babaeng iyon ayaw na nila sa ugali."

"Nagbago ang lahat simulang sumikat si Stacey." Tumingin ako kay Ethan. Binugbog na naman siya ni tito Kei pero umiyak si Logan noong nakita niya ang ginawa ng daddy Kei niya kay Ethan. Pero hindi naman umiwas si Ethan sa mga suntok ni tito Kei, lahat tinanggap niya. "At nalaman kong pera rin ang gusto niya kaya nakipag relasyon sa akin dati."

Naalala ko yung sinabi ni Ethan sa akin, ako lang daw ang babaeng hindi pera ng pamilya niya ang habol ko. Hindi naman lahat ay mabibili ng pera katulad ng pagmamahal, hindi kayang bilihin iyon. Kahit kailan hindi ako lalapit sa ibang tao kung kailangan ko ng pera. Lumapit ako kay Ethan para tulungan niya ako, hindi dahil sa pera niya. Dahil alam ko siya lang ang pagasa namin.

"Pwede ba huwag ka naman manigarilyo sa harapan ko, tito. Makakasama sa baby namin ni Ethan."

"Sorry." Tinapon na ni tito Kei ang sigarilyo niya.

"At saka iwasan mo na yung pananagarilyo mo dahil makakasama iyan sa kalusugan mo."

"Ethan, awatin mo na yung asawa mo bago pa ako sapukin. Nakakatakot pa naman ang babaeng iyan lalo na kung buntis. Tsk. Sinuntok ako niyan noong bago pa niya pinanganak si Logan. Daig pa ang amazona." Nilagpasan na niya kami ni Ethan.

"Ano ang ibig sabihin ni Keiji, babe?"

"Imbes na bantayan ako ng lalaking iyan kung saan-saan pumupunta. Para akong asawa niya na sumusunod sa kanya kaya nasuntok ko siya wala sa oras."

"Ah, kailangan ko pala magingat sayo baka suntukin mo rin ako-- nasampal mo na pala ako kahapon." Sabi niya. Hinawakan niya ang aking tyan. "Sa tingin mo, ano ang magiging gender ng baby natin?"

"Girl." Lumingon si Ethan sa likod niya. Si Logan ang sumagot. "Baby girl."

"Gusto mo pala magkaroon ng baby girl."

"Yes po, daddy. Gusto ko pong protektahan ang kapatid ko sa tuwing may umaapi sa kanya." Tumingin ako kay Ethan dahil nakikita kong ngumingiti siya. Masaya ba si Ethan?

"That's good, lad." Ginulo niya ang buhok ni Logan. "Magiging mabuti kang kuya sa kapatid mo."

Tumakbo si Logan papasok sa unit ni tito Kei, nandito pa kami nakatira ni Logan sa unit niya.

"Yung sinabi mong parusa, hindi mo pa binibigay sa akin."

"Mamaya pagkabalik namin ni Logan sa bahay. Excited ka naman."

"Siyempre naman."

Nakabalik na kami sa bahay. Pumunta na ako sa kwarto namin ni Ethan para magpahinga.

"Alam kong excited ka sa parusa mo. Gusto kong bumili ka ng 2kg na french fries, 1 gallon of ice cream mustard at catsup. Pagbalik mo galing sa grocery ay ibigay mo muna sa akin yung ice cream baka matunaw. Tapos magluto ka ng 1kg na fries tapos imbes na plain, catsup at mustard ang sawsawan."

"Iyon ba ang parusa na ibibigay mo sa akin?"

"Yes. Bakit? Ano ang naiisip mo?"

"Wala naman. Pero mukhang--"

"Huwag ka na umangal, Ethan. Gusto kong kumain ng ganoon pero ayaw ko bumili ka sa mga fast food. Ang gusto ko ikaw mismo ang magluto ng fries."

"Sabi ko nga naglilihi ka. Nakuha ko lahat na sinabi mo. Hintayin mo ang pagbalik ko."

After an hour...

Ang tagal naman dumating ni Ethan nagugutom na ako.

"Sorry kung ngayon lang ako nakabalik. Ang daming tao kasi sa grocery at nakita pa ako ng ilang reporters." Inabot sa akin ni Ethan ang ice cream na pinabili ko sa kanya. Mahal talaga tayo ni daddy, baby dahil binili niya yung mga gusto nating kainin.

"Ano naman tinanong ng reporters sayo?" Tanong ko sabay kain ng ice cream. Ang sarap talaga.

"Tinanong lang nila kung totoo ang sinabi sa radyo kahapon. Inamin ko naman ang totoo na kasal na ako at sinabihan ko na rin siya noon... Sige, magluluto pa ako ng fries."

Habang naghihintay ang fries ko ay kain lang ako ng kain ng ice cream. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Ethan ang paborito kong flavor ng ice cream. Hindi ko naman sinabi sa kanya.

Kalahating minuto rin ang paghihintay ko ay umakyat na si Ethan na may dala ng isang plato ng fries kasama rin doon ang catsup at mustard.

"Naubos mo yung ice cream?!"

"Ang tagal mo kasi, eh."

"Bago ka kumain ng fries." Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang ice cream sa tabi ng labi ko. "Para kang bata kumain."

"Pagtumaba ba ako mamahalin mo pa rin ba ako?" Tanong ko sabay sawsaw sa catsup at mustard.

"Oo naman." Ngumiti ako. Napapansin ko kasi tumataba na ako dahil wala akong ginawa kundi ang kumain. "Mamaya pala aalis tayong dalawa."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Date. Date tayo. Hindi pa tayo nagdinner date simulang kinasal tayo. Hindi nga natin masyado kilala ang isa't isa. Ang alam ko lang sayo anak ka ni Scott Parker, pangarap maging interior designer kaya iyon nga ang trabaho mo."

"Hindi ba pwede dito na lang sa bahay? Ayaw ko lumabas dahil nakakapagod magbiyahe ng matagal at tinatamad rin ako lumabas ng bahay."

"Oh, sige. Wala naman problema sa akin kung dito tayo magdinner date."

----

"Magbihis ka, Dawn."

"Ayaw ko. Okay na itong suot ko, Ethan."

"Tara na sa ibaba para makakain na tayo."

Pagkababa namin ni Ethan ay parang kinikilig ako sa nakikita. Nagkaroon ng effort si Ethan para sa date namin."

"Have a seat, ma'am." He pulled out the chair for me. Umupo na rin ako sa upuan bago siya umupo sa harapan ko.

"Talagang nageffort para dito ah."

"Siyempre naman, Dawn. Tonight is our 1st dinner date. Gusto ko maging memorable ang lahat."

Pagkatapos kumain ay nakita kong tumayo si Ethan at lumuhod sa harapan ko. May kutob ako sa mangyayari. Sana nga tama ang kutob ko.

"My beautiful wife. Ang babaeng nagpabago sa mayabang na ito. Alam kong hindi ako naging perpektong asawa sayo pero ginagawa ko ang lahat na makakaya ko para mahalin mo rin ako kahit isa akong mayabang, babaero at bad boy. Nagsimula ang pagmamahalan nating dalawa noong araw na lumapit ka sa akin para tulungan kita sa kumpanya niyo pero bilang kapalit ay magpapakasal ka sa akin. Kahit alam kong hindi natin mahal ang isa't isa at alam ko rin napilitan ka para sa kumpanya niyo. Pero hindi naman inaasahan na magkakagusto ako sa katulad mo. Hindi ka naman mahirap mahalin kaya siguro lahat na lalaki ay magkakagusto sa talaga sayo, hindi rin ako umaasang magugustuhan mo rin ako. Ang mahalaga lang sa akin ay makasama kita kahit ilang oras lang. Noong sinabi mo sa akin na anak ko si Logan, hindi lang si mama ang pinasaya mo pati rin ako. Dawn Parker, I won't ask you a question but marry me again." May singsing pinakita si Ethan. Tama nga ang kutob ko, may balak magpropose si Ethan. Matutupad na ang pangarap ko na ikakasal sa lalaking mahal ko sa harap ng altar at sa harap ng maraming tao na malalapit sa amin ni Ethan. Malapit na mangyari.

Pinunasan ko na ang luha ko dahil naiiyak na naman ako. Tears of joy.

"Yes, I will marry you." Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko.

"Thank you for saying yes, babe. I love you so much." Niyakap ako ni Ethan. Ginantihan ko siya ng yakap.

"I love you too, babe." And then, he kissed me from tender to passionate.

Marrying With Mister ArrogantWhere stories live. Discover now